Kabanata 21 ... Rasput ang Espiya

123 12 1
                                    

"Verdum Animaltrum Rasputrum!"

-----------

"Rasput ang Espiya"

-----------

Sa balkonahe ng palasyo ng Krokos ay nakatayo sina Haring Dupax at Prinsipe Odek na malakas na. Pinagmamasdan nila ang kanilang mga mandirigmang nakatayo sa abot ng kanilang tanaw. Maligalig na ang mga mandirigmang dwendeng itim. Gustong-gusto na nilang lumusob sa kaharian ng Mordavia. Tagtuyot na ang lupain ng Krokos na halos wala ng mga puno. Ni wala silang batis dahil hindi sila naliligo kahit kailan. Takot sila sa tubig. Nakangisi si Haring Dupax. Panahon na para gumanti kay Haring Ergo na nagbigay sa kanya ng kahihiyan. Aagawin na niya si Reyna Raya. Itinaas niya ang kanyang mga kamay. Nagsigawan ang mga mandirigma niya sa tuwa.


"Mga tapat kong alagad. Humanda na kayo. Sa ikatlong paglitaw ng buwan, lulusubin na natin ang Mordavia!"

"UGH! UGH! UGH!" Sigawan ang mga mandirigma.

" UGH ! UGH ! UGH!"

" BOG! BOG! BOG!"

Dumadagundong ang sabay-sabay nilang sigawan na pati ang lupa ay nayayanig sa pagpukpok ng kanilang mga sandata sa lupa. Nakangisi na rin si Odek.

"Sosorpresahin natin si Haring Ergo! Wala siyang magagawa kundi isuko ang kanyang reyno. Magiging alipin natin ang mga puting dwende habang sila ay nabubuhay. Tayo ang magtatamasa sa kanilang mga kayamanan at pagkain. Ihanda ang inyong mga sandata. Patalasin ninyo at huhugasan natin ng mga dugo ng ating mortal na kalaban." Sigaw ni Prinsipe Odek.

"Ugh! Ugh! Ugh"

*******

Nasa hardin sina Paolo at Prettymini. Nakatayo sila sa gitna ng maraming halaman na may mga bulaklak. Nakayakap ang prinsesa kay Paolo.

"Aking Paolo halos ikabaliw ko ang muntik ka ng mawala sa akin. Hindi ko makakayanang tanggapin ang mawala ka mahal ko."

Nakatingala siya sa binata habang nakayap sa kanyang mahal.

" Hindi na mangyayari pa yun mahal ko. Hindi ka na luluha pa. Pinakamamahal kita. Sampu man ang buhay ko ay iaalay ko pa rin lahat sayo. "

Hinalikan niya sa mga labi ang prinsesa. Lalong sumisidhi ang pagmamahal nila sa isat isa. Bumibilis ang tibok ng kanilang mga puso. Humigpit ang mga yakap nila. Pinagtagpo sila ng kapalaran. Nang isang pag-ibig na dalisay na walang makakahadlang kapag naramdaman. Walang sinisino masunod lamang ito. Naging iisa ang pagtibok ng kanilang mga puso magkaiba man ang kanilang pinagmulan.


*******

Pinupulong ni Haring Dupax ang kaniyang mga mandirigmang ministro at pinuno. Gusto niyang malaman kung papaano nila sasalakayin ang Mordavia. Kasama sa pulong ang kanilang espiya si Rasput.

" Aking hari, madali natin silang masasakop. Wala silang gaanong mandirigma. Sa dami natin tiyak na ang ating panalo. " sabi ni Rasput.

" Rasput. Huwag kang pakasisiguro. Masyado kang matiwala. Tignan mo ang nangyari kay Odek at Medusa! Mabuti pa ay bumalik ka sa Mordavia at alamin mo kung ano na ginagawa nila. Sige na!"

 "Prettymini". . .The Elf Princess (Complete / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon