Chapter 1"Ah hindi na po tita, salamat nalang po. Okay lang naman po ako dito." Kanina ko pa pinagpipilitan na okay lang ako dito. Kasi gusto ni Tita Alexa na doon nalang ako tumira sa kanila. Eh nakakahiya naman kapag ganon, baka maging pabigat pa 'ko sakanila.
"No, I insist Adriana. Kung iniisip mo na baka maging pabigat ka sa amin ng Tito mo eh wag mo na isipin yun. At isa pa, bago nawala ang magulang mo ay sakin kana nila ipinagkatiwala." Mahabang litanya ni Tita habang tinutulak nya ko papasok ng kwarto ko at binuksan nya ang cabinet ko at inilapag lahat ng gamit ko sa kama. "Pero tita–"
"Wala ng pero, pero, adriana. Mag-impake kana, hihintayin ka nalang namin ni Adrian sa baba. " Pagputol ni Tita sa sasabih ko.
Hayy! Makapag-impake na nga lang "Okay po, Tita." Pagsang-ayon ko kay Tita dahil alam kong d ko na din sya mapipilit sa gusto ko.
Buti nalang pala at makakasama ko si Adrian doon. At least hindi ako mabo-bored. Malakas rin kasi ang trip nung pinsan kong un eh. Kaya madalas aso't pusa kami. Sya din ang kalaro ko mula bata ako, lagi kaming magkasama. Pero kahit sobrang sutil at tuso nun, mahal ko un, sya kasi ang pinaka close ko na pinsan.
Ayan! Tapos na 'ko mag-impake. Mga 2 malaking maleta ang dala ko at ipapakuha nalang daw ni Tita ung iba pang gamit na naiwan.
"Oh pinsan, anjan kana pala!" Pagbati nya sakin. "Ay hindi, hindi ako 'to, nag-iilusyon ka lang, naiwan kaluluwa ko sa kwarto." Pambabara ko sakanya. Eh walang common sense eh, nakikita na nga ako. Magtatanong pa. "Eto naman beast mode nanaman. Meron ka ngayon pinsan?" Sabay tawa nya ng malakas. Inirapan ko na nga lang.
"Nauna na pala si mommy, may pupuntahan pa daw eh" pagsasalita nya habang naglalakad kami.
Kinuha nya na ung maleta ko at inilagay sa compartment ng kotse nya.
Aba buti at naisipan nya pa kong tulungan, akala ko walang balak eh.
"Nga pala, kelan uuwi si Andrea? Nagmo-model pa din ba un? Buti at napagsasabay nya pag-aaral nya don." Pag-oopen ng topic ni Adrian. "Ah, oo. Siguro next week o next month uuwi na un dito at sinabi ko rin na dito nalang nya ituloy ung career nya para magkasama kami ulit sa trabaho"
Oo, model rin ako. May kumukuha kasing agency sa amin sa L.A. ,kaso ayaw ko naman pero Andrea pumayag sya kaya nagkahiwalay ung trabaho namin. Lagi naman kami nag-sskype kaya panatag din ang loob ko. May nag-aalaga naman kasi sakanyang agency don.
Kaso nga lang, disguise kami pag walang shoot at trabaho. May nickname kami ni Andrea sa career, kasi ayaw namin na makilala kami pag lumalabas ganon. Para makagalaw kami ng walang pag-aalinlangan.
"Edi mabuti. Para magkasama na kayo. At hindi kana laging mag-alala." sabi ni adrian habang patingin sa gawi ko.
Wala parin talagang pinagbago itong bahay nila Adrian. Ganon na ganon parin. Simula kasi bata kami ni Andrea lagi kaming dito naglalaro. Matagal tagal na rin simula nung last na punta ko dito.
Pumunta ako sa likod ng bahay nila. Kasi bermuda grass ung damo doon at sa isang gilid mayroong puno. At sa itaas may isang medyo malaking tree house.
Ayun pa ung tree house na lagi naming tinatambayan dati. Naalala ko tuloy yung isa din naming kababata at bestfriend ni Adrian. Si Breeze. Mga bata pa kami simula nung nakita ko sya. Ano na kaya itsura nun? Lumipat kasi sila ng Korea nung mga bata pa kami. At wala na akong balita sakanya simula noon. Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko si Tita at Adrian na nag-uusap.
"Oh iha. 'Lika dito. May sasabihin ako." Pumunta naman ako kay Tita at umupo katabi ni Adrian. "Ano po iyon Tita?" Pagtatanong ko kay tita na umiinom ng kape nya. "Balak namin ng Tito mo na palipatin ka nalang ng school, which is sa school ni Adrian. Is it okay with you? Para magkasama na kayo ni Adrian sa school at para na rin mapanatag ang loob namin ni Tito mo. Don't worry, i already called your sister and she agree with that." Mahabang litanyan ni Tita. Biglang nagliwanag ang mukha ko. Aba okay! Ang saya-saya ko sa offer ni tita. Bagong place, bagong classroom, bagong paligid, bagong seatmate!
Mabilis akong tumango kay Tita. "Opo tita, I agree. Thanks tita!" Sabi ko kay tita na sobrang saya at liwanag ng mukha dahil napapayag nya ako.
"Yay! Perfect. Okay, ikaw na bahalang bumili ng mga bagong gamit mo. At nag order na ako ng uniform mo kaso baka sa Tuesday pa dadating ung order." Sabi sakin ni tita habang naglalakad papunta sa garden.
"Okay po Tita" kinalabit ko si Adrian. "Uy pinsan! Bilhan mo ako ng binder oh! Eto pera oh" sabay bigay ko ng 500 sakanya. "Kelangan ko pa kasi magpahinga, nakakapagod pa ngayong araw na 'to." Sabi ko na nagmama-kaawa sakanya. Dahil sa totoo lang, tinatamad lang talaga ako. "Okay sige, para may palusot na rin ako kay mommy nang makalabas ako kasama sila Aki. " sabay tawa nya. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Pero hayaan na, at least pumayag sya.
Ay jusko. Alas otso na ng gabi, wala pa si Adrian buti nalang wala si Tita at Tito dahil may out of town business sila. Kundi lagot un si Tita. Strict pa naman un.
"Hellooooooooo! Adriana!" Napaigtad ako habang nanonood dahil lay adrian. Sumigaw ba naman ng pagkalakas-lakas, may sapak sa utak 'tong isang to eh.
"Eto na ang mga gamit mo." Binatukan ko nga nang makalapit sya sakin. "Lakas sapak mo sa utak." Sabi ko sakanya. At bigla syang nag pogi points sabay sabi ng "At least, gwapo ang pinsan mo." Sabay kindat. Yaks! Kapal ng mukha pero totoo naman. Gwapo sya. "Yaks, inaapog na kaya mukha mo" pagbibiro ko sakanya at tumawa. "Grabe ka pinsan. Pa check mo nga mata mo." Sabay simangot at pout nya sakin. "Aba! Oo na! Matutulog na ako. Good night!" Sabi ko at kumaway pa sakanya hahaha. "Sige good night, hangin hahaha! Sabay tayo pumasok bukas sabi ni Mommy." Matutulog na nga lang, mang aasar pa! Hindi ko na nga pinansin.
Hayyy! Mas malambot ung kama dito kumpara sa kama ko dati. Humikab ako at di namalayan na nakatulog na pala.
Adrian's POV
Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Na-eexcite ako sa pagkikita nila Aki at Adriana. Kilala pa kaya nila ang isa't isa? Ginaganahan tuloy ako pumasok bukas. Magiging masaya to! May plano na ako! Hahahaha.

BINABASA MO ANG
Dream-land To Reality-land
Teen FictionShift from dream-land to reality-land. Kahit hindi real quick basta't matupad ito, maghihintay ako. -Wind Adriana Mallari Every once in a while, in the middle of an ordinary life, love gives us a fairy tale. -Adriana Mallari to Breeze Aki Gomez Lif...