Chapter 16: Auditions

1.3K 26 5
                                    

Guys, may bagong characters dito ah?, eto sila :)

Kelry Martinez- Kiray Celis

Mike Apostol- Ej Jallorina

Greg Portal- Neil Coleta

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Pat, sorry na."

Kanina pa habol ng habol sa akin si John. Simula pa lang ng monday pero may makulit na namang nasa tabi ko.

"Ayos nga lang yun John, labas ka na dun."

Pinatawad ko nanaman siya kanina pa, kaso ayaw pa rin tumigil.

"Salamat ah, gusto rin pala kitang-

Nahinto yung sinasabi niya nang may nagsalita sa telepono.

"Attention, today we will have the auditions for the school band members search. So we expect na lahat ng nagsign-up ay pupunta mamaya. 3:00 pm sa auditorium, see yah. "

At lumingon siya ulit sakin.

"Igoodluck para mamaya."  pagtatapos niya sa naudlot niyang pangungusap. Chos, makata raw ako.

"Huh? Eh hindi naman ako yung nagsulat ng pangalan ko eh." Excuse ko. uh-oh, naalala ko nga pala na nandun yung pangalan ko sa mga gustong pumasok sa band, nandun din ang pangalan ni Tin, naalala ko tuloy siya.

"eh, si Tin kaya makakapunta?" Tnong ko kay John at tiningnan niya ako ng may pagdududa.

"Bakit?" Agad kong tinanong.

"Siyempre naman pupunta yun, eh matagal na kaya siyang nakalabas ng ospital, akala ko alam mo." sabi niya sakin. Nalungkot ako sa narinig ko.

"Nakalabas na pala siya, hindi man lang niya sinabi." Siguro dahil sa nangyari, pinutol na niya yung pagkakaibigan namin, pero hindi ko naman hahayaan yun ng ganun na lang, pero naisip ko, kung kinaya kong gawin yun kay Richard,  eh si Tin pa kaya sakin? Haynako, bahala na.

"Teka, sino ba yung naglagay ng pangalan mo sa papel nung first day natin?" Iniba ni john ang usapan dahil mukhang nahalata niyang nalungkot ako.

Magsasalita nasana ako ng biglang may umakbay sakin.

"Ako."

And as I was expecting, si Ryan nga yun, siyempre, sino pa ba ang aakbay sakin kundi boyfriend ko. Uy! 'boyfriend' daw oh. HAHAHA :)

"Tara na, auditions na oh." tumingin siya sakin sabay ngiti, the usual smile, yung nakakaloko. Ngumit lang rin ako at hindi nagpahalatang kinikilig.

"Osiya, mauna na ako at baka maistorbo ko pa yung bagong couple dito." Natatawang sabi ni John at pasimpleng umalis.

Yep, alam niya. Sinabi ko sa kanya kanina nung pinipilit niya ako ulit makipagkita kay Richard, sinabi ko na lang na kami na ni Ryan para hindi na ako kulitin, kaya naman yung sorry niya ang kinukulit niya kanina.

"Bye." Kaway ko.

"Tara, bilis!" Hinatak naman ako ni Ryan papuntang auditorium.

- - -

"Okay, set na lahat, kung may grupo, go, kung solo or duet, go." Sabi nung senior na tapos na sa pag-arrange ng mga instruments na gagamitin.

"Pat, marunong kang kumanta diba?" Tanong sakin ni Ryan. Actually, hindi talaga namin pinagplanuhan to kaya nga't nagulat pa ako na parang confident siya masyado ngayon, sabagay, magaling mana siyang tumugtog.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon