// 40. Together Again

2.5K 32 10
                                    

Nakatapat si Marian sa isang mall. Mall kung saan hindi siya napahiya. After her Mom Marie asked her to talk to Carla, a following week she decided to commune with her.

Kinakabahan siyang pumasok sa mall. Marami siyang inaasahan na mangyayari. At nang magkita sila sa lugar na usapan ay napansin na niya agad si Carla. Nag-iisa itong nakaupo. Kahit kabado ay lumapit siya. She tries to be normal and confident. Pero nawala ang kaba niya nang ngumiti si Carla. Dahan dahan siyang lumapit.

"Hi." Carla seriously started.

"Carla," Marian didn't want to smile.

Nagbeso pa sila. "So, let's go." Parang isang kaibigan na nagpapaalala na may lakad sila. "Samahan mo muna ako. I'm sure naman busog ka pa." Hiling ni Carla.

Medyo nagtaka si Marian. "Si-sige."

Pinisil ni Carla ang braso ni Marian na nagsasabing hindi siya kailang mangamba.

While they're walking. Carla speak.

"Wala naman tayong pag-uusapan pa. Alam ko naman na magiging maayos na tayo. Kaya unahin muna nating bumili." Ngumiti si Carla. "Hindi ko na talaga sinama pa si Cheche. Kailangan ko ngayong kumuha pa ng isang kasambahay sana pero naisip kong kaya ko naman. Sa mga ganitong pangyayari, baka si Rony na lang ang isama ko. At isa pa, makakauwi na ang isa ko pang kaibigan na si Erich,"

Nakatingin lang si Marian. Marami siyang inaasahan pero ang hindi niya inaasahan ay ang ganito. 'Yung parang balik sila sa dati ni Carla. Tahimik siyang nagpasalamat dahil hindi na sila dadaan sa pag-aaway pa bago magbati.

"Lumipat kasi sila ng bahay dahil sa malayo ang trabaho ng asawa niya. Naisip nilang bumalik dahil nangungupahan lang sila doon. Seaman kasi ang asawa niya." Marian nodded habang hindi makatingin kay Carla kaya everytime na magbabangga ang mata nila ay tumitingin siya sa ibaba. "Babalikan nila ang sariling bahay nila. Ang layo kasi ng Davao kaya kulang kulang isang taon din silang doon tumira. Ang gaga kasi, nagtransfer ng isang taon ang anak doon. Hindi naman natin siya masisi. Alam mo na. Ayaw niyang mahiwalay sa asawa ng matagal. Maybe balik sa dati ng every 3 months silang hindi magkikita."

Parang hindi na mauubusan ng kwento si Carla. Matipid magsalita si Marian. Bumili sila ng ilang damit at pabango. Matagal na din kasing nawala sa hubog ang katawan ni Carla. Gusto naman niya ang mga bagong damit.

"Parang wala lang sa'yo ang bumili ng ganiyan." Nagsalita si Marian. Nasa resaurant na sila.

"Malapit na uli akong magstart sa trabaho. Kailangan ko 'yan." Simpleng sagot. Tumingin ito ng seryoso kay Marian. Hinawakan ang kamay niya. "Kalimutan na natin ang nangyari. Alam mo Marian, I have so many questions that haven't answered. Pero hindi na kailangan pang hingin ang sagot. Alam kong alam mong may kasalanan kang kailangang ituwid. Magkakaanak ka na." Medyo awkward pero totoo naman. Ang asawa nito ang ama ng dinadala niya.

"I'm sorry, Carla."

"I know you will say that."

"Nagtetext at nagchachat kami ng hindi mo alam." Napatingin ng seryoso si Carla sa kaniya. "Ngayon ko lang nagpagtanto na marupok ako sa tukso."

"Wala na sa'kin 'yun. Now I know na tapos na ang lahat sa inyo."

"Gusto kong umiyak sa harap mo pero hindi ko magawa dahil medyo nag-iba ang ihip ng hangin. Imbes magalit ka sa'kin, pinatawad mo ako ng mabilis."

"Kesa magalit ako, wala din namang mangyayari. Well, unless kung hindi pa kayo hiwalay 'di ba? But I'm absolutely sure na hindi na mauulit 'yun."

"Isang pagkakamali lang 'yun."

"And actually, ayoko nang pag-usapan pa. Mahal na mahal ko si Kurt. Lalo lang siguro siyang magagalit kung lagi kong ipapaalala sa kaniya ang lahat. So, ayon sa nanay mo, pwede naman tayong maging magkaibigan."

"Oo naman pero sa ngayon kasi, mahirap pang takasan eh. Baka ito na lang din ang huli nating pagkikita."

"Nalulungkot ako pero wala naman akong magagawa. Masyadong komplikado. Gusto pa naman kitang maging kaibigan sa kabila ng lahat pero tama ka. Maybe in the future, makikilala ko ang anak mo."

Umuwi si Marian ng hapon na iyon. Dumiretso siya sa bahay. Walang tao kaya humiga na lang siya sa kama niya. Ngayon lang yata nagsink-in sa utak niya ang kahangalan na nagawa niya. Nakatitig siya sa kisame at nagpapasamalat sa lahat. Hindi na naging mahirap ang pag-aayos nila ni Carla. Hanggang sabay sabay silang maghapunan sa bahay.

Naikwento na niya sa nanay niya ang lahat. Payapa na ang buhay niya bukod sa isang madadagdag sa pamilya nila na pinagbubuntis siya. Pero nitong gabi ding ito matapos pumasok sa kwarto si Marian ay may natanggap siyang chat. She changed everyting, name, password and phone number but her Facebook account never changed.

Kurt: Mag-usap tayo

Nabigla si Marian. She doesn't know what will do. Hindi na lang siya nagreply. Plano na lang niyang iblock si Kurt para matapos na. Hindi niya kasi akalain na magchachat pa ito. Pero gagawin pa lang niya ay binasa niya pa ang isang chat.

Kurt: Kapag hindi ka nakipag usap, ako mismo ang pupunta diyan.

Marian: Tapos na tayo kaya please tigilan mo na ako. Puro kahihiyan na ang inabot ko. Okay na kami ng asawa mo kaya please sana patahimikin mo na ako

Kurt: Mag usap lang tayo. And don't you ever pass up this demand. You don't know what I'm gonna do. Pupuntahan kita diyan. I badly need to talk to you

Marian: Hindi pwede. Ayoko na

Kurt: I'm going there. Manggugulo ako diyan

Marian: Please naman, maawa ka sakin

Kurt: Titigil ako kung papayagan mo akong kausapin ka

Tumingin si Marian sa labas. Masayang nanonood ng TV si Patricia at nanay niya. Nagbihis siya saglit. Nagpaalam na may bibilhin lang. Pumayag na siyang kausapin si Kurt para matapos na. Lumabas siya sa kanto kung saan siya sumasakay kapag aalis siya. Napansin niya ang kotse kaya lumapit siya.

"Kurt!" tinawag niya ito. Bumukas ang bintana.

"Sakay!"

"Hindi pwede, sabihin mo na ang sasabihin mo."

"Mag-usap tayo sa ibang lugar."

"Hindi pwede!" Marian gets angry. Hindi niya gusto ang idea ni Kurt.

"Hindi pwede dito. Marami akong sasabihin."

"Tapusin na natin ito dito dahil hindi pwede 'to. Nangako ako kay Carla. Ayos na kami. Nakakahiya sa kaniya."

"Please. Hindi pwedeng hindi. Magwawala ako."

Wala siyang nagawa kundi sumakay. Umandar ang kotse. Wala silang kibuan.

"Kurt, ngayon lang 'to ah." Marian said.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Handa akong iwan si Carla para sa'yo." Ikinagulat ni Marian ang sinabi ni Kurt.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon