“Be, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ko sayo
“meron eh. Sorry, bukas na lang” and again nasaktan mo na naman ako sa simpleng salita mo.
“ahh. Ge, una na ako” inaantay kong sundan mo ako at sabihang ihahatid mo ako. Pero wala. Wala ka.
Pag-uwi ko sa bahay inaantay ko yung tawag o kahit text man lang pero wala pa din. Hindi mo na ba ako mahal? May mahal ka na bang iba? May nakita ka na bang mas maganda o mas sexy sa akin?
Dahil nga hindi kita matiis, tinawagan kita
*kring *kring
“oh? Lorraine? Bakit? Pasensya na may ginagawa pa ako—uy! Ethan sino ba yan? Lika ka na dito—saglit lang. Bye bhe” after nun, binaba mo na agad yung cellphone. Hindi mo manlang ako pinagsalita. Bakit ganyan ka? May ginawa ba ako? Bakit may kasama kang ibang babae?
Maaga akong pumasok para makita ka. Tagal na kasi nating hindi nagkakasama eh. Pero naabutan kitang nakikipaghalikan sa iba. Dahil sa pagka shock ko, nahulog ko yung librong hawak ko. Doon kayo napatigil sa ginagawa niyo. Nagulat at nataranta ka dahil nakita niyo ako.
“bhe, ano. Ah eh, let me explain” lumapit ka sa akin.
“hindi mo na ba ako mahal? Sabihin mo lang, ako na mismo ang lalayo. Hindi mo naman kailangan magtaksil. Nagka kasalanan ka pa tuloy” sabi ko habang papaiyak.
Pinipilit kong huwag umiyak pero hindi kaya ng mga mata ko na pigilin ang luha. Tumakbo ako nung tangkain mong hawakan ako. Sobrang sakit!! Sobrang sakit talaga!! Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero nakarating ako sa isang parke.
Napaka hangin dito ang sarap sa feeling. Grabe, ‘di ko akalaing makakalimutan kita kahit sandali. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Nagsimula na rin akong maglakad pauwi.
Nakita kita sa atapat ng bahay namin nakatungo. Naawa ako sayo nung mga oras na yun. Bakit ka pa kasi naghintay? Nilamok ka tuloy. Pero naalala ko yung ginawa mo sa akin. Lahat ng galit ko bumalik, lahat ng saki. Napatayo ka nung napansin mo yung presence ko.
“bhe, let me explain. Si Len yun. Alam mo namang obsessed sa akin yun eh.” pagpapaliwanag mo. Ewan ko ba kung dapat pa akong maniwala sayo. Hindi kita pinansin nun. Kasi ayokong makapag bitaw ng masasakit na salita sayo. Ayokong makasakit ng damdamin.
Lumipas ang dalawang buwan hindi na kita nakita pa. Siguro na realize mo na wala ka ng mapapala sa akin. Ang huling balita ko sayo pumunta na kayo sa ibang bansa. Siguro nga tama na rin na nagbreak tayo. Pero sana lagi mong tatandaan I WILL ALWAYS BE YOURS
(Ethan’s POV)
Tumutulo na pala yung luha ko. Sobrang sakit pala talaga ng nagawa ko kay Lorraine. Kakatapos ko lang basahin yung diary niya. Namatay na siya 1 year ago sa sakit na leukemia. Hindi ko na siya naabutan kasi kakauwi ko lang din galing America. Siya ang una kong hinanap pagkauwi ko. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Nandito ako sa puntod niya.
"bhe, hindi mo manlang sinabi na may sakit ka pala. Ang unfair mo naman. Iiwan mo pala ako, edi sana hindi na kita sinaktan noon. Edi sana may baby na tayo ngayon, sana masaya tayo.
END
BINABASA MO ANG
Always be yours (One Shot)
Short StoryFirst time lang po magsulat. But I've tried my best para maging maganda ang story ko