IMPORTANT NOTE (PLEASE READ):
Ang ibang bahagi ng kwentong ito ay magiging available lang sa Dreame. Ang Dreame ay isa ring writing platform kung saan pwedeng kumita ang isang manunulat. Tinanggap ko ang kanilang offer at nilagdaan ko na rin ang written agreement. Kung gusto niyong mabasa ng buo ang kwentong ito, kailangan niyong gumawa ng account at mag-log in sa Dreame. I hope for your support guys.
Pareho lang din ang username ko. Iamjaelopez. I upload five chapters per week. Thank you!
Date posted: June 18, 2019
Chapter 1 will be posted on June 19, 2019 at 9:30 PM.
***
"You are the beautiful dream I longed for and the beautiful reality I wished for."
Dangerous Man Series: The Casanova's Nightmare
Prologue
"Sabihin mo na kasi kung sino. Kainis naman o!" Nakasimangot kong wika sa kakambal kong si Devon. Ayaw niya kasing sabihin sa 'kin kung sino ang crush niya. Ito pa naman ang unang pagkakataon na nagkagusto siya.
"Nahihiya nga ako sabi e!" Giit niya sabay iwas ng tingin. Ayaw nga talaga niyang sabihin.
"Sige na sis, sabihin mo na. Nobody will know. Promise." Pamimilit ko pa rin. Pinagkrus ko pa ang mga daliri ko.
"Stop it Vin! Huwag mo ng kilalanin. It's just a crush. Nothing interesting." Pinandilatan niya ako ng mata. Talagang ayaw nga niyang sabihin.
"Duh! Kaya nga ako nagtatanong kasi interesting 'di ba? So tell me na, please." Pinagsaklop ko pa ang mga palad ko. I'm dying to know who's that guy. Baka 'yong lalaking pinakaayaw ko ang crush niya. Naku, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.
"Ang kulit mo naman eh! Hindi ko nga sasabihin. Atsaka bumalik ka na nga dun sa upuan mo. Malapit ng dumating si Ma'am."
Hindi pa rin ako tumigil. Kinulit ko siya ng kinulit. Sinabi ko pa na baka si Dino ang crush niya kasi ayaw niyang ipaalam. She hate Dino so much. Kalauna'y napabuntong-hininga siya bilang pagsuko.
Napangisi ako. Pero bago pa man makapagsalita si Devon naagaw na ang atensyon namin nang magkaroon ng komosyon sa labas ng classroom. Nang makita ko ang pagdaan ng mga matatangkad na lalake, agad kong nahulaan kung bakit parang sinisiliban ang singit ng mga babaeng kaklase namin.
I just rolled my eyes at muling ibinalik ang tingin sa kapatid ko na ngayon ay nakatingin din sa labas na namumula ang pisngi.
Mabilis na kumunot ang noo ko at pagkuway nanlaki ang mga mata, "don't tell me..." Hindi ko tuloy napigilan ang kutusin siya. Gosh! Napabilang na pala siya sa mga tangang babaeng naghahabol kay Kingsley. Ang tinaguriang casanova ng paaralang ito.
Siya ang pinapantasya ng mga babae. Halos lahat ay may gusto sa kanya. He would not be called a certified casanova if he don't have the looks and sex appeal. Plus the fact na mayaman ang kanyang angkan. Kaya todo effort ang mga babae para magpapansin sa kanya.
But not me. I never liked him. Yeah, I do appreciate his physical appearance but it will remain there. Nothing more. And I hate him for being a heart breaker. Na akala mo ay laro lang sa kanya ang pag-ibig.
Kaya habang maaga pa, pipigilan ko na ang kapatid ko. She's sweet and smart. Hindi siya pwedeng mapunta sa lalaking katulad lang ni Kingsley na walang balls. Balita-balita pa naman ngayon na si Devon na ang next target ng damuho.
Ayaw ko pa sanang maniwala dahil hindi si Devon ang babaeng magugustuhan ni Kingsley. She's a bit of a nerd and a dork. Pero siyempre, kinabahan pa rin ako dahil alam kong kayang magtransform ni Devon bilang isang dyosa kapag nabihisan siya ng maayos.
Mabuti na lang at hanggang sa mag-third year kami ni Devon ay hindi siya pinormahan ni Kingsley. Siguro nakatulong ang mga paalaa ko. Isang taon na lang din at gagraduate na si Kingsley kaya mawawala na rin siya sa landas namin ng kapatid ko.
Maayos na sana ang lahat nang sumapit ang acquaintance party. Dahil na rin marahil sa pamimilit ng ibang tao, pumayag si Devon na magpaganda. Before, parang hangin lang siya kung dumaan sa hallway na hindi siya pinapansin ng mga lalake, ngayon, isa na siyang head turner. At naagaw niyon ang atensyon ni Kingsley.
One day, nalaman ko na lang na magnobyo na silang dalawa. Malihim si Devon sa akin. Atsaka hindi ko napigilan si Kingsley dahil pursigido talaga ito.
Wala rin akong nagawa. Hinintay ko na lang kung kailan sila maghihiwalay pero hindi ko inexpect na tumagal sila ng ilang buwan. At marami ang namangha sa pagbabago ni Kingsley.
But everything changed after the JS Prom. That night sila pa ang tinanghal na Queen at King. Nalaman ko na lang na hiwalay na sila kinabukasan.
Wala akong alam sa nangyari. Hindi ko alam ang dahilan ng paghihiwalay nila. Hindi nagsasalita sa akin si Devon.
Sinubukan kong kausapin si Kingsley pero sinabi niya lang na hindi na raw niya mahal ang kapatid ko. Nagalit ako siyempre pero hanggang doon na lang iyon. Kapatid lang ako.
Dahil sa nangyari, nagbago ng malaki ang ugali ni Devon. Hindi na namin siya makausap ng matino at hindi na rin siya gaanong pumapasok ng school. Parati na lang siyang nagkukulong sa kwarto.
Nag-alala kami ni Mommy sa kanya. Ayaw naman niyang magpatingin dahil kung susubukan namin siyang pilitin ay nagpapanggap siya ng maayos.
Mabuti na lang at nang magsimula ang pasukan para sa huling taon namin sa hayskul, gumradweyt na si Kingsley. Akala namin magiging maayos na ang lahat pero hindi pala. Lumala ang depresyon ni Devon. Nagkakasakit na rin siya. Sapilitan na namin siyang dinala sa ospital para suriin at nagulantang kaming lahat sa nalaman.
"Under depression ang pasyente. At ang madalas na pagkakasakit at pagkahilo niya ay resulta ng pagdadalang-tao niya." Paliwanag ng Doktor. Nag-iyakan lang kaming tatlo sa ospital. We never expected na mangyayari ang lahat ng to.
"He will know this. Kailangan nating sabihin sa kanya ang kabalbalang ginawa niya sayo!" Galit na saad ko pagkatapos umiyak. Walang pwedeng gumawa nito sa kanya kung 'di ang lalaking 'yon lamang.
"No Vin, don't tell him. Please." Pigil ni Devon sa akin.
"Bakit hindi natin sasabihin? Kailagan niyang pagbayaran ang ginawa niya!"
"Please Vin. Don't..."
Hindi ko alam kung paano ako nakumbinsi ni Devon upang pumayag sa gusto niyang mangyari. Inisip ko na lang din na wala ring patutunguhan kung ipapaalam ko sa lalaking 'yon dahil kitang-kita naman na hindi pa ito handa sa responsibilidad. Besides, sa pagkakaalam ko, wala na ito sa Pilipinas.
Pero sumubok pa rin ako, kakausapin ko sana ang parents nito pero ibang tao ang nakaharap ko. Sekretarya ng ina ni Kinglsey. Hectic raw ang schedules ng mga ito at hindi pwedeng makipag-usap sa kung sinu-sino lang.
"Marami ng ganyan ang naging rason. Pero sa huli, hindi naman kay Sir Kingsley ang ama. Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na si Sir?"
Sa dinami-dami ng sinabi ko sa babae, ito lang ang naging sagot niya. I even cried a lot. Tila wala itong pakialam at sanay na sa mga ganoong klaseng pag-uusap. Kalauna'y naglabas ito ng cheque receipt at nagsulat doon. Pagkatapos ay inabot ito sa 'kin.
Tinanggap ko ito pero galit na pinunit ko ito sa harap ng babae. "Sa tingin niyo ba nagsisinungaling lang ako? Hindi kami naghahabol sa pera niyo! Ang gusto ko lang, malaman ng mga magulang ng hinayupak na lalaking 'yon ang ginawa niya sa kapatid ko!" Sigaw ko. Pero hindi man lang natinag ang babae.
So this is it. Wala nga talagang kwenta itong pagpunta ko rito. Nagsayang lang ako ng oras.
Marahas na pinahid ko ang mga luha sa pisngi. "Don't worry hindi na ako babalik dito at hindi malalaman ng pamilya nila ang tungkol dito. Maraming salamat po sa oras."
When I stepped out at the company, binuhos ko lahat ng emosyon.
"Magbabayad ka Kingsley. Napakawalangya mo! My sister's child will be your biggest nightmare. Sinusumpa ko, pagbabayaran mo ang lahat ng 'to!"
***
BINABASA MO ANG
The Casanova's Nightmare (Dangerous Man Series)(Boyxboy)
Художественная проза[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin, mga anak ng kanyang yumaong kakambal. His sister died because of complications. Hindi kinaya nito a...