Chapter 5

981 165 133
                                    

~*~

Naging masaya na ang High School life ko. Nagkaroon ako ng bestfriend na lalake na alam kong may gusto rin sa akin pero alam niya ang policy ko, study first muna. 

Abala ako sa paggawa ng mga assignments nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko muna ito na nakapatong sa ibabaw ng radyo.

"Huh? Unknown number? Sino naman kaya ito?

Binasa ko ang text message ng kung sino mang poncio pilato ito.

"Hi Princess" Laman ng text message na malamang wrong number o kaya balak lang makipagtextmate

"HU U NAMAN?" Naiinis kong reply dahil naiinis talaga ako sa mga taong hindi agad nagpapakilala.

"Ang sungit mo naman Princess."

"Princess is not my name.

"I know. Pero para sa akin you're my Princess."

Hindi na ako nagreply sa annoying unknown number na iyon. Inaabala lang niya ang pag-aaral ko.

"Good evening classmates, please po huwag ninyo pong ipamigay ang number ko kung kanino. Let me know po muna ha. Thanks." Text ko sa mga classmates ko at maya-maya lang ay sunod-sunod na ang pagtunog ng 3315 kong cellphone.

Binasa ko isa-isa ang mga text nila.

Jomar: "Bakit may nanggugulo ba sayo?Gulpihin ko."

Lizel: "Yeah Sure"

Dina: "May humihingi nga hindi ko lang ibinigay ask muna kita."

Jojo: "Good eve din. Okay hindi ko ibibigay agad. Kapag may humingi alam kong magagalit ka kasi."

Tyron: " OK :-)"

Hindi na ako nagreply at ipinagpatuloy na ulit ang pag-aaral ko.

Tumunog na naman ang cellphone ko pero hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa kung sino ang nagtext.

Nang matapos ako sa mga assignments ko ay inayos ko na ang higaan ko para matulog.

Kinuha ko na ulit ang cellphone ko at humiga na.

May two messages recieve na pala ako.

"Princess bakit hindi ka na nagreply?"

"My princess, nag-gm ka pa talaga ha na huwag ipamigay ang number mo."

"Iyong unknown number na naman. Huh! At alam niyang nag-gm ako. Ibig sabihin nadaanan siya ng gm ko. Sino ba kasi ito."

Hindi ko na ulit pinansin dahil wala akong balak makipaglokohan pero nagtext na naman siya at sunod-sunod pa.

"Tulog na ba? Hindi na nagreply?"

"Princess?"

"Galit?"

"Sorry na."

"Magpapakilala na ako. Sorry nainis ka ata sa akin."

Hinayaan ko na lang siya at hindi ko na nireplayan. Hindi ko hilig makipagtextmate. Kung makikipagkilala siya eh di magpakilala siya!

Abala na ako sa pagbabasa ng pocket book nang tumunog na naman ang cellphone ko. Kinuha ko ito at isa-silent mode ko na lang muna. Nakita ko na si Paul pala ang nagtext, ang bff kong lalaki. Maliban kay Zandy ay naging bestfriend ko na rin si Paul.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon