Chapter 9

668 148 68
                                    

~*~

Kinaumagahan, June 6, 2016 araw ng Lunes maaga akong gumising dahil may pasok na. Pero 'yong pakiramdam ko kagabi na hinahanap hanap ko presence ni Jasper ay nandito pa rin. 

Namimiss ko nga siguro siya.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Ringtone ko pa naman ay "It Might Be You".

One message receive: "Morning mam. Ingat sa pagpasok."

OMG! 'yong iniisip ko mula pa kagabi ay nagtext na. Excited feelings?

"Goodmornng din." Reply ko agad sa kanya.

"Nakita ko mga pictures ninyo ng batchmate mo. Umattend ka pala ng reunion." Binanggit ko sa kanya na nag stalk ako sa fb niya. Stalker na ako.

"Ah oo. Sila nga."

Naghanda na ako para pumasok at hindi ko na muna siya nireplayan. Habang nasa byahe saka lang ako ulit nakapagreply. Nagreply naman agad siya na parang inaabangan ang text ko.

Naging masigla ang buong araw ko. Kahit nasa School ay kausap ko siya dahil tumatawag siya.

Marami rami na rin kaming napag-usapan tungkol sa buhay buhay ng bawat isa. Mga nakaraang pangit na karanasan.

Isang gabi habang kausap ko siya sa phone bigla siyang kumanta ng Born For You dahil sinabayan niya ang commercial ng trailer ng bagong teleserye sa channel two.

Nakakakilig daw 'yong kanta. Natatawa lang ako na kinikilig kasi siya lang ang lalaking kilala ko na kinikilig sa love songs. At adik siya sa panunuod ng "Dolce Amore".

Minsan bumabanat siya mula sa linya ng teleserye.

"Alam mo Jasper nakakatawa ka kasi kalalake mong tao pero kinikilig ka sa lovestory ng LizQuen sa Dolce Amore."

"Hindi naman ako sa kanila kinikilig eh, sa lovestory natin."

Hah? Anu daw? Hahaha. Wala pa namang "NATIN" Bumabanat na naman siya.

Noong una ay hanggang 9:00 p.m. ko lang siya nakakatext dahil hindi siya sanay nang napupuyat. Eh ako sanay ako. Kaya sinasabihan ko siyang knock out lagi sa akin.

Hanggang sa napansin ko na 11:00 p.m. na pero nakikipagtext pa rin siya. Kung ano-ano lang naman ang usapan namin, kumabaga nasa getting to know each other stage kami. Parang teen ager lang, 29 na siya at 28 naman ako. Nakakatawa pa kasi nalaman kong February 3 pala ang birthday niya samantalang ako ay February 8, oh diba parang destiny.

Masaya ako. Aminin ko. Nawiwili ako na nakakausap siya at nakakatext. Minsan naging seryoso ang usapan namin.

"Cassey kailan tayo magkikita?"

"Ang bilis mo naman, maghinatay ka Jasper." Maghintay ka kung kailan ako handing magpakita ulit sa iyo , dugtong ko sa isip ko na hindi ko na binanggit sa kanya.

"Sige mga isang dekada pa ulit."

"Hahaha. Isang dekada ka diyan eh matanda na tayo nun. Haysss ang hirap naman kasi magdesisyon agad, huwag mo ako madaliin sa isang bagay na dapat pag-isipan ko muna."

"Bakit mo pa patatagalin kung pareho naman tayo ng nararamdaman sa isat-isa." Seryoso niyang sabi. At nakuha ko yung punto niya. Hindi na nga naman kami mga bata.

Baka ito na yung chance para sa amin. Na kaya kami pinagtagpo ngayon ulit dahil para maituloy yung nakaraan namin. Kung noon ay hindi pa pwede baka ngayon ay pwede na. Gusto ko rin siyang makita at mas makilala ng personal. Kaya nakapagdesisyon na ako na magkita na nga kami.

"Okay Jasper, magkita na tayo. Sa Sabado, June 11, sa Quiapo Church mga 4-5 PM. Para mga 9:00 PM makauwi agad ako." Ako na ang nagbigay ng detalye. Nakaramdam ako ng excitement.

Habang palapit ng palapit ang araw ng sabado, padagdag ng padagdag ang kaba ko at excitement.

"Hi Cassey, tatlong araw na lang Sabado na."

"Excited ka ha. Kahit naman ako ay excited.  Oonga pala ang weird ng panaginip ko kagabi, nagkita na raw tayo at bigla mo akong niyakap at hinalikan." Ibinahagi ko 'yong panaginip ko sa kanya kagabi.

"Pinapantasya mo ata ako ah." Pang-aasar niya na totoo namang pinapantasya ko nga siya."Huwag ka mag-alala Cassey gagawin ko yan." Dagdag pa niya

"Hahahaha. As if magagawa mo nga iyan." Panghahamon ko na naman sa kanya dahil alam ko na may pagkatorpe siya at hindi niya magagawa ang bagay na iyon.

"Hinahamon mo ako ha. Tingnan natin. Hahaha. Cassey masakit ulo ko ngayon sinisipon na naman kasi ako."

"Oh bakit? Nagpaulan ka ba? Naulanan? Uminom ka ng gamot at ng maraming tubig." Ako na concern.

"Oo. Masahe mo ulo ko." Paglalambing niya at napangiti naman ako.

"Okay sige, pikit ka na at imamasahe ko na ulo mo."

"Hayyysss.."

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Mabubuhay na lamang ba tayo na puro imagination lang?"

"Hahahaha! Ako okay lang."

"Seryoso ako. Hanggang imagination na lang ba tayo?"

Hmmmmm mukhang seryoso nga siya.

"Tingnan natin kapag nagkita tayo kung may chance nga ba na pagbigyan 'yong nakaraan natin. Ayoko rin na puro imagination. Na kung saan ay pwede naman gawing totoo."

"Sabi mo iyan ha." Hinamon niya ata ako. Teka baka mapasubo ako nito. Masyado na akong nadadala sa saya at kilig.

Tuwing maaalala ko yung panaginip ko bigla akong mapapapikit na parang excited na ewan. Nag-aasume na yayakapin niya nga ako kapag nagkita kami. Landi ko na ba? Masaya lang naman.

Hindi na siya mawala sa isip ko. I mean lagi ko na siya naiisip. Bakit ganoon. Ayaw na niyang mawala. Ano bang ginawa sa akin ni Jasper at nagkaganito na ako.

Ito na ba yung sinasabing pag-ibig? Umiibig na nga ba ako?

Dalawang araw na lang at sabado na. Nagchange of plan ako. Matagal ko pinag-isipan ito.

"Jasper change of plan tayo. Diba sabi mo bakit tayo mabubuhay sa puro imagination lang kung pwede naman totohanin at gawin."

"oo, bakit?"

"Kasi hindi mawala sa imagination ko mula nung makita ko ang picture mo na nakahiga ka, at naimagine ko na katabi kita sa pagtulog." Matapang at prangka kong sagot sa kanya. Alam mo na kung ano ang gusto kong mangyari?

"Check-in tayo sa HOTEL." Capitalize ang hotel.
" Huwag mo sanang isiping kaladkarin akong babae. Sa iyo ko lang ginawa ito. May gusto lang akong patunayan at malaman kung gaano ka kaseryoso."

"Sige Cassey, sino ba ako para tumanggi sa gusto mo."

"Okay. 4-5:00 PM magkita tayo sa Quiapo Church then punta tayo sa Luneta Park at mga 9:00PM check in na tayo"

"Sige meron naman sigurong hotel na pwedeng 2-3 hours lang diba."

"Matutulog nga tayo diba kaya magdamag tayong mag check-in. Sunday morning na tayo umuwi." Kahit mejo nahihiya kailangan kong gawin ito dahil may gusto akong patunayan.

"Haha. Mukhang planado mo na lahat ah." Natatawa niyang sabi at sumang-ayon na lang siya.

Ilang beses ko itong pinag-isipan. Humingi rin ako ng guidance kay Lord at ng sign. Wala akong ibang plano kundi bigyan siya ng pagsubok, matutulog lang kami sa Hotel. Gusto ko malaman kung kaya niya akong irespeto at huwag samantalahin ang kahinaan ko lalo na at alam niyang may nararamdaman na ako sa kanya.

Ang tanong, ako ba ay kaya ko? Makakaya ko bang magpakatino sa harap niya? Kaya ko kayang panindigan ang hamon ko sa kanya?

O baka ako itong bumigay agad? Bahala na si Batman.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon