~*~
Hindi ko alam kung saan ko hinugot 'yong lakas ng loob na iyon para sabihin sa kanya na matulog kami ng magkatabi.
Baliw na ata ako.
Baliw sa pag-ibig.
Habang nagmumuni-muni ay tumunog na naman ang cellphone ko. Syempre si Jasper na naman ang nagtext as expected.
"Hi mom." Text ni Jasper
"Hi rin, oh mali ata spelling mo ng 'mam'? Bakit 'mom' tawag mo sa akin?"
"Ah 'yon ba? Mom gusto ko itawag sa iyo. Mom as in Mommy."
Bigla naman akong kinilig sa sagot niya.
"Ano daw? Mommy?" Abot tenga ang pagkakangiti ko dahil sa sobrang kilig. Nasasanay na ang buong sistema ko na pinapakilig lagi ni Jasper eh. Baka hanap-hanapin ko iyon.
"Hahaha! May ganyan ka pang nalalaman. Okay Daddy."
Dahil sa pagtawag niya sa akin ng Mommy kaya Daddy na ang itatawag ko naman sa kanya.
Hindi ko talaga mapigilan ang kilig moment ngayon pati itong unan na yakap ko ay yuping-yupi na dahil sa sobrang pagyakapa ko.
"Call of endearment ika nga."
"Uhmmmm M.U na ba tau?" Tanong ko dahil walang label ang relasyon na mayroon kami sa ngayon.
May unawaan na kami pero hindi pa ganoon kalinaw dahil maaaring magbago pa after naming magkita.
"M.U? Mutual Understanding? Balik na tanong niya sa tanong ko sa kanya.
Mas gusto ko kasi na maging malinaw ang sitwasyon namin ngayon dahil baka mamaya pa-fall lang si Jasper.
"Hindi mutual understanding. M.U. as in Malabong Usapan. hahahha." Ang corny ko sa banat ko sa kanya at nahahawa na ata ako sa ganoong moves.
"Hahaha hindi ah."
"Sige another M.U. Mag-UN."
"hahaha Mom eh hindi rin."
"Ha? Eh ano na tayo ngayon?" takang tanong ko na wala naman ata kami pang sapat na unawaan at ako lang ang nag-aassume eh.
"M.A." Maikling reply niya na napaisip ako kung ano ang meaning ng M.A. niya.
"Anong M.A.?" Hindi na ako nanghula pa kung ano ang M.A. na tinutukoy niya, ayoko na rin namang mag-isip.
"Mag-asawa!" sagot niya at napangiti ako sa sinabi niya. Kinilig na naman ako.
Kawawang unan. Sa unan ko ibinunton ang kilig na nararamdaman ko. Iyong tipika na babaeng kinikilig talaga.
"hahahaha! Ang bilis ah! Pero sige bet ko naman. M.A. na tayo. Mag-asawa. Kaya pala Mommy gusto mo itawag sa akin ha."
Niyakap ko na naman ang unan ko nang sobrang higpit at iniimagine na si Jasper ang kayakap ko.
"Okay kalma lang Cassey. Grabe ang kilig mo eh!" Saway ko sa sarili ko at umayos na ako ng pagkakahiga para magtext na ulit sa kanya. Alam ko naman na hinihintay rin niya ang mga reply ko.
"Pwede bang sa June 14 na lang kita official na sagutin? Itanong mo kung bakit."
"Sige bakit naman sa June 14 pa. Anong kaibahan noon?
"Kasi para makabawi sa iyo, para happy na ang puso mo tuwing February 14, remember minsan kong pinatay yan noong nakipag break ako noong February 14, 2003. Naalala mo pa ba iyon?"
"Hahaha! Oo Mommy ko. Pakiss nga."
Nagsend ako ng kiss emoticon. Pati siya ay kinikilig rin. Hindi lang halata. Hindi naman kasi talaga ipinapahalata ng mga lalake ang paraan ng kilig moments nila.
"Mwahhhhhh! Oh ayan na kiss ko. Sa text lang yan ha."
"Ayy huwag na pala. Bawiin ko na."
"Oh bakit naman. Arte mo."
"Mas gusto ko sa personal."
"'Yon oh! Iyon pala ang gusto niya. Ang harot niya rin eh!
Bigla ako napapikit at naiimagine na hahalikan niya nga ako bukas.
Dahil sa isiping iyon ay parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Kakaibang pakiramdam.
"hahahaha. Naman. Kaya mo ba?" Hamon ko na naman sa kanya.
"Oo naman. Iniimagine ko na nga na nililingkis kita."
"Goodnight na Daddy. Kitakits bukas huwag malelate."
Pagpapaalam ko sa kanya dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin.
Sinabihan ko na rin siya na huwag na magreply at matulog na rin.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...