Prolouge

16 0 0
                                    

Hello Everyone! I really hope that you are going to like my first and i think my last story.

IG: iamerikaserrano_
Twitter: iamerikarosas

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Habang tumutugtog ang banda sa isang bar ay bigla na lamang hinila ni Kurt si Hailey sa labas. Tumigil sila sa tapat ng kotse ni Hailey.

"Hailey itigil na natin ito kung palagi ka nalang ganyan" Kurt said.

"Pero babe, Pwede natin itong pag-usapan. Baka naman bukas mawala na yang galit mo sakin. Babe please. Wag tayong ganito. Maaayos natin 'to bukas." Pakiusap ni Hailey kay Kurt.

"Pero Babe nakakapagod na rin kung palagi ka na lang magseselos sa mga kasama ko. Kahit wala ka naman dapat na ika-selos. Minsan babe naiisip ko rin na kulang ba yung ipinapakita ko sayo? Kaya ganyan na lang kababaw ang tiwala mo sakin."Tugon ni Kurt.

"At ako pa talaga?! Eh ikaw nga ni minsan hindi ko nakita na iniiwasan mo yang mga nakaaligid sa'yong mga babae!!! Kurt kahit minsan naman matuto kang makiramdam na nasasaktan rin ako! Na Porket hindi kita sinisita minsan eh ayos lang sa'kin. Tandaan mo naman na may girlfriend ka!!! O baka naman nakalimutan mo na na may girlfriend ka!!!" naluluhang sabi ni Hailey.

"Babe pagod na rin ako! Lagi na lang kita iniintindi. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin. Marami ka pang mahahanap na ibang lalaki na makakapagpasaya sayo ng husto. Marami ka pang makikilala at makakasalamuha." naluluha na ring sabi ni Kurt.

"Pero babe kaya ko magbago para mahalin mo ulit ako" desperada ng sabi ni Hailey.

"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin Hailey. Huwag na huwag kang magbabago para lamang mahalin kita. In fact, I love the way you are. But it seems na hindi pa ito ang perfect timing para sa atin. Maybe it's time for us para magpahinga kung ano mang meron tayo." saad ni Kurt.

"Siguro nga. Love means to sacrifice even you know you'll be the one who will lose. But Kurt Can I have a favor?" malungkot na saad ni Hailey.

"Anything for my babe" malungkot din na saad ni Kurt habang nakangiti.

"Can I have a last hug?" ramdam na ang lungkot ni Hailey ng makiusap siya kay Kurt.

Mabagal ang paglapit ni Kurt kay Hailey tila ba parang ninanamnam ang bawat sandaling nakalaan pa para sa kanila. Matagal silang nagyakap at kusa rin silang bumitiw upang magpaalam sa isa't isa. Hindi makakaila sakanila na parehas nilang mamimiss ang isa't isa ngunit kailangan na rin nila iyong tapusin.

Bago sila maghiwalay. Binigyang ng napakatamis na halik ni Kurt si Hailey sa kanyang noo. A kiss that will end their relationship.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

When Time ComesWhere stories live. Discover now