Chapter 11

652 137 35
                                    

~*~

JUNE 11, 2016. Araw na ng sabado. Araw na kung saan ay magtatagpo na kaming muli makalipas ang isang dekada. 

Kabado? Oo naman,  talagang kabado ako dahil sa isang plano na sana ay mapagtagumapayan ko. 

Bahala na talaga si Batman!

"Goodmorning Daddy. Pakabusy muna ang Mommy ha. Huwag na muna tayo mag-usap ngayon. Para mas mamiss ang isa't isa." Napapangiti ako habang nagtetext kay Jasper.

"Okay Mom. Pakabusy muna tayo. Ingat ka mamaya. Kumain ka bago umalis ah." Paalala niyang sabi.

Hindi talaga muna ako nakipagtext sa kanya at nagpakaabala muna sa ilang paper works na kailangan kong tapusin dahil para wala na akong aalalahanin habang magkasama kami ni Jasper.

Inihanda ko ang sarili ko. Pumili ako ng damit, isang kulay light pink na blouse na  babagay sa morena kong kutis at maong pants naman ang sinuot ko para mas komportable ako sa byahe papuntang Manila. Light make up lang ang inilagay ko sa aking mukha dahil mas gusto ko ang simple lang, sa totoo lang ay tatlong bagay lang na pang-make-up ang ginagamit ko, una ay ang mascara na nagpapaganda lalo sa  malalantik kong pilik mata at nagbibigay buhay sa mga mata ko na tila laging inaantok dahil  mapungay, pangalawa ay ang lip stick at paborito ko ang light red na nakakadagdag sa pagkakaroon ko daw ng kissable lips, at ang pangatlo ay foundation o kaya naman ay face powder. Nagpapakabongga lang ako ng make-up kapag kailangan at depende sa okasyon.

Napangiti ako nang muli kong tiningnan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Hinayaan kong nakalugay lang ang lagpas balikat kong buhok.

Marami ang nagsasabing maganda ako kahit kinapos sa height, hindi kasi ako nabiyayaan ng tangkad, kaya ito rin marahil ang isa sa mga  insecurities ko, pero madalas ko na lang sinasabi na "height is doesn't matter to become sucessfull."

May advantages naman ang pagkakaroon ko ng 4/11 na height dahil madalas akong mapagkamalang teen ager o kaya ay estudyante kapag hindi ako naka-uniform na pang teacher. Nakakadiscount rin ng pamasahe sa jeep at sa bus kaya okay na rin, tutal naman ay nabiyayaan ako ng pagkakaroon ng baby face, hindi halata sa hitsuta ko kung ano ang tunay kong edad.

Punong-puno ng excitement ang nararamdaman ko habang nasa byahe. Nakikita ko sa isip ko ang nakangiting mukha ni Piolo, ay ni Jasper pala.

'Yong pakiramdam na hindi mapakali at hindi maalis sa labi mo ang mga ngiti.

Ang bagal ng usad ng mga sasakyan kaya naiinip na rin ako. Week end kasi ngayon kaya hindi maiwasang hindi magkaroon ng trapiko.

Naiinip akong nakadungaw sa bintana ng bus, nakikita ko ang mga sasakyan at naririnig ko na maya't maya ang pagbusina ng mga driver, mainit na rin siguro ang ulo nila dahil sa traffic kagaya ng ilang pasahero dito sa loob ng bus.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko nang tumnog ang cellphone ko. Agad ko na itong kinuha sa loob ng bag at si Jasper pala ang nagtext.

"Mom okay lang ba sa Luneta na tayo magkita matrapik kasi  masyado."

Pati rin pala siya ay natraffic.  Pumayag na rin ako dahil baka mas lalo pa kaming maipit sa traffic mamaya.

"Okay, sige, itext mo na lang ako mamaya kapag nandoon ka na rin ha."

"Sige. Itago mo muna ang cellphone mo at maraming  snatcher dito sa Maynila."

Matapos kong magreply ay itinago ko na muna sa loob ng bag ko ang cellphone kagaya ng bilin niya.

Inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa pagtingin sa mga gusali, sa mga naglalakihang billboard at sa mga taong tila laging nagmamadali ang kilos.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon