SANDALAN

26 1 0
                                    

Sandalan

Paano ko nga ba sisimulan ang pagpapahayag ng mga salita. Paano ko nga ba sisimulan ang isang bagay na pinipilit kong kalimutan na. Mahirap balikan pero sige bahala na.

Saan ko nga ba sisimulan. Dun ba sa unang beses na nakausap kita o dun sa unang beses na dinamayan kita. Dun nalang sa unang beses na kinausap kita. Unang beses na kinausap kita at yun pa yung mga panahon na masaya ka pa. At yung panahon na maayos pa ang inyong pagsasama. Ngunit dumating yung araw na nanlalamig ang mahal mong sinta, at nagsabing "ayoko na dahil ako'y pagod na." Pero ikaw nman tong si tanga na naghahabol sa kanya, at dumating ang araw na pinili mong subukan na kalimutan siya. Kinausap at tinanong kita kung ayos ka lang ba? At sinabi mong nasasaktan ka. Kinausap kita at inilayo sa katotohanan. Upang kahit papano ang sakit ay malimutan. Pinaramdam ko sayo na hindi ka nag-iisa, at ginagawa ang lahat upang makita kang masaya. Naging madalas ang pagsasama, tila ang problema ay di alintana. Hindi namamalayan na nahuhulog na pala ko, dahil sa kislap at kinang ng ngiti mo. Masaya ko sa tuwing kasama mo, at ikaw rin ang bumubuo ng araw ko. Naging karamay mo sa lungkot at saya. At naging sandalan mo sa iyong pagda-drama. Umamin ako sa 'king nadarama at binigyan mo ng pag-asa. Tinanong mo pa kung makapaghihintay ba. Nabigyan ng "PAG-ASA" ang puso kong sinta. At ikaw lamang ang babaeng sinisinta.
Ako ay masaya parin kahit na minsa'y umiiwas ka. Dahil alam ko na wala akong pinanghahawakang TAYOng dalawa. Umiintindi kahit na nasasaktan na. At lahat ng ito'y ginagawa para sayo aking sinta. Dumating ang panahon na malapit mo na makalimutan ang iyong nakaraan, dahil sa masaya ka na sa iyong kasalukuyan. Ngunit dumating ang araw na hindi ka na nagparamdam, at biglang nagsabing "Hindi mo sya kayang kalimutan." Ako ay lubusang nabigla saking narinig, at sa iyong paliwanag ay hindi na nakinig. Nagpakatanga sa isang taong hindi marunong magpahalaga, at sumugal sa desisyong hindi pala tama. Napagtanto ang kamaliag nagawa, at hindi sigurado kung susuko na ba. Binalewala ang lahat ng pagmamahal na ibinigay, at pipiliin ang nakaraan na puro sakit ang ibinibigay. Isang sandalan na lang ba ang aking halaga. Sandalan na lalapitan lang sa tuwing ika'y may problema. Isang sandalan na magbibigay saya, na hindi kayang suklian at binabaliwala. Sandalan na magbibigay komportable sa iyo, at hindi magpapabigat sa iyo. Ang "PAG-ASA" na ibinigay mo. Naging "PAASA" na sakin ay ginawa mo. Sandalan na masaya para sayo, at susuportahan ka sa mga desisyon mo. Sandalan lamang na masasandalan mo. At wala ng ibang halaga para sa iyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SANDALANWhere stories live. Discover now