Opus 1: The Beginning

42 2 0
                                    

Opus 1:

Kerr Raigor's POV:

Ako'y karaniwang nasa aking kaharian. Naghihintay lamang sa itinakdang oras na susugod ang mga lobong halimaw na iyon kasama ang kanilang prinsipe, Sarian Bluer. Handa akong mamatay sa aking kaharian.

Paano na kaya ang aking mga mamamayan?

Anong mangyayari sa kaharian ko pagkatapos ng digmaang ito?

Sinong mangangalaga kay Caliber(espada niyang nagiging babae)?

Makuha kaya ito? Hindi maaari.

*****

Sherbit's POV:

"Hindi natin maaaring ipamigay si Squall Leonhart", sabi ng aking asawa, si Danieri. 

"Wala akong magagawa, hindi natin pwedeng itaboy siya", galit kong pagsabi.

Si Danieri, galit na umalis sa kwarto ko at nagsimulang umiyak sa kanyang kwarto. Di ko kayang itaboy lamang ang nag-iisa kong anak.

*****

Danieri's POV:

Ba't ganun siya? 

Mahal na mahal niya ang anak niyang tao.

Hindi dapat nababagay ang batang yun sa ating kaharian. Sila ay magiging sunud-sunuran lamang dito.

*****

Kerr Raigor's POV:

Ako'y naglalakad sa basement nang may naririnig akong tumatakbo palapit sakin. Lumingon ako at nakita si Sherbit na may dalang bata.

"Panginoon, gaya ng pinag-usapan natin dati, ito na ang bata", wika niya.

Kakaiba ang bata, siya ay tao ngunit may nararamdaman akong masama sa kanyang mga mata.

"Anak kaya siya ng Diyos ng Digmaan?", tanong ko.

"Opo", sagot niya.

Ikinuha ko ang bata at dinala ito kay Sochelia, ang babaeng portal traveller o kaya isang Konde.

Kumatok ako sa pinto niya ngunit walang sumasagot. Pagtulak ko sa pinto, napabayaan niya palang nakabukas ang kanyang pinto. Pumasok ako at walang tao akong nakikita. Dahan-dahang may narinig akong tumatawa. Tumingin ako sa paligid at wala naman atang gumagawa ng halakhak na iyon.

Biglang sumulpot si Sochelia at ginulat ako.

"B-bbulaaaggaaa!!! Hahahaha!!!".

"Di na ko nagugulat sa ginagawa mo pag pumupunta ako sa bahay mo", patapang na sagot ko.

"Wehh, di nga???", inaasar niya pa rin ako.

Tumahimik na lang ako para tumahimik na siya. Nagsimula na kong magtanong.

"Meron ka pa bang rosetta stone?"

"Buti na lang umabot ka ito na ang huling bato na natatago ko."

Yesss! Ipinakita ko na sa kanya ang bata at nagtaka siya.

"Bakit tao pa yan?", tanong niya.

"Gawin nating bampira", pahabol niya pang salita.

Hindi maaari dahil hindi ko ito nasabi kay Sherbit.

"Huwag, hindi ako ang nagmamay-ari niyan."

At doon nagsimula kaming gumawa ng dimensional portal papuntang earth dahil doon nababagay ang bata.

"Teka lang, isuot mo muna sa kanya ang pendant na to", utos ko.

"Para saan ba yan?", tanong niya.

"Basta."

Agad-agad niyang isinuot ito sa leeg ng batang iyon at nagsimulang itawid sa iba't ibang dimensiyon.

*****

Sochelia's POV:

Ang dami lagi pinapagawa ng prinsipeng ito, kaasar. Swerte mo, gwapo ka kaya napapaghandaan kita. Maghintay ka lang!, magkakagusto ka rin sakin.

Sa wakas nakapunta na ako sa earth.

Ano kaya tong batang ito?

Mahalaga ba siya?

Ewan, bahala kung saan ka mapupunta.

Nakakakita ako ng isang magarang na mansyon. Lumapit ako dito at kumatok sa pinto, agad-agad na nilagay ang bata sa tapat ng pinto at lumipad palayo. Nabasa ko sa pinto ay "Cuambot's Resident". Siguro ang nagmamay-ari ng mansyon na ito ay si Cuambot, ang apelyido niya?

*****

Kerr Raigor's POV:

Bukas na ang pagsugod ng mga lobong halimaw na yon. Handa na ako, lahat rin ay handa na. Kakaiba ang bata, kanyang mga mata ay pula kahit hindi naman siya bampira.

Pumunta na ko sa higaan ko at natulog na para maging handa sa digmaan bukas.

<<<<<Author's Note>>>>>

Sorry kung hindi ako maganda magsulat ng story. Kakagawa ko lang po kasi ehh... Thanks na lang po sa mga nagbabasa ng story ko. Promise po, magagandahan kayo sa story ko.

_youngminwoo19_

The Last RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon