Si Venus ay isang klase ng babae na mabait, simple, matulungin, at mapagmahal sakanyang pamilya. Ngunit itinuturing nyang kakaiba ang kanyang sarili dahil ang kanyang pisikal na itsura ay hindi pangkaraniwan. Sya ay maitim, mabalbon ang kanyang buong katawan at may malaking balat ang kanyang mukha. Sila ay nakatira sa isang syudad. Ang kanyang ama ay si Mang Victor at ang kanyang ina ay si Aling Cora at ang kanyang nakbabatang kapatid na si Kyle. Ang tanging ikinabubuhay ng kanilang pamilya ay ang pagtitinda ng kakanin ng kanyang ina at ang kanyang ama naman ay isang karpintero.
Tuwing umaga, bumabangon ng maaga sina Aling Cora at Mang Victor upang masimulan na nila ang kanilang mga gawain at makapagluto na ng almusal para kila Venus at Kyle papuntang eskwelahan.
"Mga anak, bangon na. Mahuhuli kayo sa klase" sabi ng kanilang ina.
"Sige nay, nandiyan na po" sagot naman ni Venus.
Nagmadaling naligo at nagpalit ng uniporme sina Venus at Kyle atsaka umupo na para kumain. Hindi nila nakakasama ang kanilang ama sa almusalan dahil nauuna itong umaalis upang magtrabaho.
"Nay, pasok na po kami" paalam ni Venus.
"Sige anak, mag iingat kayo. Umuwi agad pagkatapos ng klase" paalala ng kanilang ina.
"Opo nay" sagot naman nila Venus at Kyle.
Naglalakad araw-araw sina Venus at Kyle, dahil malapit lang naman ito sakanila. Pagdating nila hinatid muna ni Venus si Kyle sakanilang room bago sya tuluyang pumasok.
"Sa susunod ate, pwede bang hwag mo na akong ihatid. Matanda na ako, atsaka nakakahiya baka makita ka ng mga kaklase ko" iritang sabi ni Kyle.
"Ate mo ako, bat mo ako ikakahiya?" tanong ni Venus sakanya.
Hindi ito sumagot at dirediretso itong pumasok sa loob ng hindi manlang nilingon ang kanyang ate. Si Kyle ay nasa unang baitan ng sekondarya at siya naman ay nasa ikaapat na baitan ng sekondarya. Sa pagpasok nya sakanyang room, at sa tuwing makikita sya ng kanyang mga kaklase hindi maiwasan na laitin sya at pagtawanan.
"Ang pangit talaga ni Venus kahit kailan" panimula ng kanyang isang kaklase.
"Kaya nga, ang itim pa! Yuck! Di ka bagay dito" dagdag naman ng isa pa nyang kaklase.
"Alam mo kung saan ka bagay? Dun sa Zoo kasama ang mga kamag anak mong Unggoy" natatawang panlalait pa ng isa nyang kaklase.
Wala kang maririnig sa loob kundi ang mga tawanan at panlalait sakanya. Wala syang imik at hindi nya pinapatulan ang mga ito dahil sanay naman na sya, bagkus uupo nalang sya sakanyang upuan na nasa pinakadulo at magbabasa na parang hindi narinig ang mga sinabi nila hanngang dumating ang kanilang guro. Pero palagi nyang iniisip na kung bakit ba ganun nalang sya laitin ng mga ito, e tao naman sya.
Napapatanong sya sa sarili nya na "bagay ba talaga ako sa eskwelahang to?" Kahit alam nyang apat na taon na syang nag-aaral dito at nalulungkot sya tuwing naiisip nya ang pambubully sakanya. Hindi naman matatawaran ang kanyang angking talino dahil siya palagi ang nangunguna sa klase, at sya din ay masunuring estudyante.
Sa tuwing matatapos ang matatapos ang kanilang klase agad siyang umuuwi.
Pagkadating palang nya ay magbibihis na sya agad atsaka tutulungan ang kanyang ina sa pagtitinda ng mga kakanin. Matiyaga silang naglalakad sa paglalako pero wala silang gaanong nakikita dahil nandidiri ang mga tao sakanya sa tuwing makikita nila ito at ang ibang mga kapitbahay naman nila ay siya palagi ang pinag uusapan at nilalait. Hindi niya pinapatulan ang mga ito dahil alam niyang magmumuka siyang walang respeto. Ang kanilang nakikitang pera ay siyang dagdag para sakanilang baon at pambili ng kanilang ulam.
YOU ARE READING
Ang Bagong Mukha Ng Kagandahan
Short StoryBawat isa ay may taglay na kagandahan, pisikal man o ugali. Pero sa mundong ating ginagalawan mas nananaig ang pisikal na kaanyuhan. Palagi syang nalalait, nasasaktan, at minsan umiiyak dahil sa mukha na kanyang dinadala. Hindi lahat ng tao ay biniy...