Siguro nga di pa tayo tapos
Pero bakit natin tinapos?Siguro nga di pa tayo ayos
Pero bakit di natin inayos?Tayo pa sana siguro
Pero bakit wala na tayo?Magkahawak kamay pa rin sana tayo siguro
Pero bakit tayo bumitaw pareho?Siguro napagod puso ko.
Siguro magulo isip mo.
Siguro sobrang nasaktan na ako.
Siguro ayaw mo ng masaktan pa ako.
Siguro kasalanan ko.
Siguro sinisisi mo rin ang sarili mo.
Pero isa lang ang sigurado ako.
Tumigil lang ako pero hindi ako huminto.