"Panaginip"

1 0 0
                                    

Sa bawat araw na lumipas na tayo'y di nagpapansinan, na para bang di magkakilala na hindi nagkikibuan na parang baliw lang, dahil minsan sa punto ng buhay natin, alam nating dalawa na sa'tin ay mayroong namagitan na kahit ito'y hindi malinaw, ito ay aking di malimutan, na sa bawat pagdilat at pagpikit ko iniisip ko na minsan ba, na kahit minsan ba naaalala mo ako, ang minsang nagpasaya sa'yo, nagpangiti sa'yo at minsang nagustuhan mo ay naaalala mo o baka naman kasi mali ako? Na baka wala lang naman talaga ang inakala ko'y iyong pagsinta. Pero kasi hindi e, kasi alam ko, kasi ramdam ko, dito...dito sa puso ko na totoo, sa puso na akala kong wala ako pero binuhay mo, pinatibok mo..na kahit hindi ko gusto, hindi ko ginusto kusang nahulog sa'yo. Na sa bawat araw na kasama ka, hindi ko maipaliwanag, pero ngayon aaminin ko na....na para kong kutsara na sa wakas ay may tinidor na, na para kong ballpen na ubos na, na sa wakas ay puno na ang tinta...na para kong bulaklak na sa wakas ay bumukadkad na..na para kong isang lumang tv na sa wakas ay colored na at FLAT screen pa....na para kong madilim na ulap pagkatapos ng malakas na ulan, na sa wakas ay may bahaghari na....na para kong isang bata na sa wakas ay nabilhan na ng candy...na para kong isang ibon na matapos ang mahabang panahon na pagkakakulong sa wakas ay nakalaya na...pero sa lahat ng mga bagay na iyon alam mo bang IKAW??? IKAW ang pinakapaborito kong PANAGINIP na nais ko sanang maulit kahit masakit, kahit gaano pa kasakit sana ikaw man lang ay sumilip sa aking pagidlip kahit na saglit pero sana paulit-ulit....ang sakit pala, masakit pero kahit ganon pinadama mo sa'kin na buhay ako, na pagkatapos ng mahabang pagkakatulog ako'y nagising mo, na matapos ang lindol, bagyo at unos ay may dumating din na rescue...pero alam mo bang inisip lang kita kaya ko ginawa yun, kasi ayokong matali ka sa'kin, ayokong ikulong ka lang sa'kin, dahil una sa lahat hindi ka naman sa akin, ayokong asahan mo yung mga sasabin ko, ayokong antayin mo ko kasi wala namang kasiguraduhan kung magkakaron ba ng TAYO, ng tayo na minsan ay pinangarap ko, na minsan ay hiniling ko na sana ay magkatotoo, pero ngayon malabo na kasi mas kumplikado na ang lahat...pero alam mo bang iniisip ko na sana oo na lang, na sana tama na lang, na sana sapat na lang, na sana dapat na lang, na sana ako na lang, ako na lang, ako na lang ulit...pero mali, pero hindi, pero kulang, at higit sa lahat hindi dapat, kasi ayoko, ayaw ko pero gusto ko, gusto kita pero hindi sapat yun...pero alam mo ba kung ano yung sigurado?? Sigurado ko na kung mauulit lahat yun, yung daan pa rin na yun ang pipiliin ko, na gugustuhin ko pa rin na makilala ka kasi ikaw ang pinakagusto kong panaginip na kahit masakit gusto ko pa ring maulit, kasi alam kong matagal bago kita makalimutan, pero alam mo bang ayaw kitang kalimutan?? Kasi para kang masayang bangungot na gugustuhin kong ako'y malunod...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon