Her POV
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi galing sa eskwelahan nang nakita kong may binubugbog sa isang eskinita.
Madilim nun kaya hindi mo talaga aakalain na may nagaganap na kakaiba sa lugar na iyon.
Pero ako kitang-kita ko. Kitang-kita ko kung paano ka nila pagpapaluin nang mga kahoy at bakal.
Hindi ko alam kung bakit hindi ka gumaganti.
Dahil naawa ako sa iyo at talagang badtrip ako nang araw na iyon ay dito ko na lamang ilalabas ang lahat nang aking galit.
Lumapit ako at basta-bastang hinila ang braso nang isa sa bumubugbog sa iyo. Nag-aral ako nang karate at taekwondo kaya ' piece of cake ' na lang sila sa akin.
Apat. Apat silang lahat na bumugbog sa iyo. At apat rin silang nakahandusay sa lupa ngayon.
Tumingin ako sa iyo pero nanatili ka pa ring yakap-yakap ang sarili mo. Nakita ko pa ngang nanginginig ang labi mo. Kahit naka hood ka ay nakita ko pa rin kung gaano ka natatakot.
"Hoy, tumingin ka nga. Wala ka bang balak magpasalamat?" sabi ko pa sayo pero hindi ka man lang tumingin sa akin.
Nag-antay ako nang segundo at di kalauna'y, minuto na ang inantay ko. Aba't talaga naman!
"Hoy ano na? Teka hindi ka ba marunong umintindi nang tagalog? Amerikano ka ba? Korean?"
Tinanong ulit kita pero hindi ka man lang tumingin. Saka ko na lang narealize na tagalog pala ang tanong ko kaya kung sakaling hindi ka nga Pilipino ay hindi mo rin ito maiintindihan.
Nanatili ka pa rin sa ganoong posisyon. At dahil parang wala rin namang patutunguhan ang pag-aantay ko sa iyo ay nagbalak na ako na umalis.
Paalis na ako pero bigla mong hinawakan ang braso ko. Nanginginig pa nga ang braso mo kaya para tayong kinukuryente dahil sa panginginig mo.
"Bakit ka ba nanginginig? Teka, wala na sila kaya wag ka nang matakot."
At dahil parang wala ka na namang balak ulit na sagutin ang tanong ko ay tinanggal ko na lang yung kamay mo na nakahawak sa braso ko.
Paalis na ulit ako pero hinawakan mo na naman ang braso ko. Aishh! Hindi mo ba alam na nakakainis ka? Tinanggal ko ulit ang pagkakahawak mo sa braso ko.
"Aissh! Wag mo na ulit akong hahawakan kung wala ka naman nang sasabihin."
Pagkasabi ko nun ay bigla kang tumingin sa akin. Mula sa pagkakayuko ay tumunghay ka. Kakaiba.
A-ang g-gwapo!
"M-may s-sabihin k-ka b-ba?"
Teka, bakit ba kasi ako nauutal? Kung karatehin na lang kaya kita?
Hindi ka man lang nagsalita. Nakatingin ka lang nang diretso sa akin. Nakakailang.
"K-kung wala ka naman nang sasabihin aalis na ako."
Bigla mo na namang hinawakan ang braso ko. Pero hindi naman ako nasasaktan.
Akmang aalisin ko na sana ang kamay mo pero bigla na lang umulan nang malakas.
Ewan ko ba pero naawa ako sa iyo. At ewan ko rin kung bakit kita sinama sa bahay.
***
Nang nasa harap na tayo nang bahay ay para tayong mga basang sisiw.
Ambagal mo kasing maglakad at hindi ko nakuha ang payong ko dahil sa pagkakahawak mo sa braso ko.
"Hay! Salamat nakauwi na rin."