Unang Pahina

18 0 0
                                    

...

Mahirap. Buti na lamang at nakayanan ng utak kong makapag review sampung minuto bago magsimula ang pagsusulit. Salamat stock knowledge.

Ikaw ba namang manuod magdamag ng paborito mong palabas.  Ayan nakalimutan ko palang may pagsusulit kami.  Pasalamat na nga lang at nakakapasa pa 'ko kahit na ganto ang routine ko.

Habang naglalakad ako papunta sa aming tahanan ay nahagip kong may bagong bukas palang bookstore sa tapat ng binibilhan kong pagkain.  Tamang tama at may pera pa ko rito sa bulsa ko.

Dumaan muna ako sa paborito kong kinakainan upang magtanghalian. Kaya pala't tirik na tirik ang araw dahil alas dose na.  Bumili ako kay Aling Cynthia ng murang kakainin at nagmadaling ubusin dahil gustong gusto kong makahinga naman ang aking utak at hindi puro nakakadugong tanong kanina ang naghahalo halo sa isipan ko. 

Sinipat ko muna ang bagong bukas na book store.  Parang kakaiba. 'Di ko mawari kung ano. Simula sa kulay na animo'y kupas at sa disenyong may mga nakaukit na di mo maintindihan.

Naks! Lakas maka sinauna! Saba'y tawa sa aking isipan.  Isinantabi ko muna ang kakaiba kong nararamdaman at pumasok na ko sa loob. Kanina pa pala ako nakatanga sa labas. Buti na lamang at walang masyadong tao sa mga oras na ito at baka mapagkamalan pa 'kong ignorante. 

Wala yung may ari. Hala gago baka may magnakaw, wala pa namang cctv dito. 

Bahala na.  Hinayaan ko muna ang sarili kong mag tingin tingin sa mga librong nakahilera.  Simula unang version hanggang latest mayroon sila. Mukhang hindi muna ako makakapag ipon sa alikansya ko ngayong buwan a. 

Napunta na ko sa dulo at medyo madilim na parte ng tindahan.  Medyo nakakaramdaman na rin ako ng takot dahil ako lang ata ang tao rito. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtingin hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko.  What the?  Guni guni ko lang ba 'yon o parang umilaw yung libro? Kinuha ko ito at inobserba.  Mukhang bago pero maalikabok. Napakunot ako ng noo dahil wala itong pamagat o ano mang nakasulat.
Nakaka curious.

Bubuklatin ko na sana ito ng mapansin kong parang may tao.

Multo?

Shit shit shit.

Huminga muna 'ko ng malalim upang makalma ko ang sarili ko. Lilingon na sana ako sa gawing kanan ko ng biglang may nagsalita sa kaliwang tainga ko.

"Boo. "

Holy fuck! Napatalon ako sa gulat at natakpan ko ang bibig ko bago pa man ako makatili. Lumingon ako sa kaliwa upang malaman kung sinong lapastangan ang tumakot sakin.

Ngunit parang naubos ang aking sasabihin ng mapansin ko ang kakaiba niyang pananamit.  Hindi pala. Pati siya kakaiba. Napaka kakaiba. 

May patay ba? Eh ba't naka all black siya? Dahil na rin siguro sa madilim na parte nito kaya 'di ko masyadong maaninag ang itsura nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May patay ba? Eh ba't naka all black siya? Dahil na rin siguro sa madilim na parte nito kaya 'di ko masyadong maaninag ang itsura nito.

Nagitla ako ng bigla siyang tumawa.  Hala! Baka baliw 'to?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon