A sad love story
Boy: Pagod na ko.
Girl: Gusto mo ba ng kwek kwek. Bili tayo.
Boy: Ayoko na.
Girl: Ilan gusto mo? Libre ko.
Boy: Tapusin na natin to.
Girl: Sampu? Sige. Sandali lang..
Boy: ANG SABI KO, AYOKO NA. TAPOS NA TAYO.
Girl: Bibili na talaga ako. Sandali lang.
Boy: BINGI KA BA O NAG BIBINGI-BiNGIHAN KA LANG. TAMA NA. AYOKO NA.
Umiyak si Girl habang nakatingin kay Boy.
Girl: Nagugutom kalang. Mahal mo ko diba?
Hindi nagsalita si Boy.
Girl: Diba mahal mo ko?
Boy: Please. Tapusin na natin to. Pagod na pagod na ko sa relasyong to.
Girl: Pagod? Bakit? Paano ka napagod? Eh ako nga na halos ibigay lahat ng oras ko sayo eh di naman napagod ah?
Boy: Pakiusap tama na. Wag na nating pahirapan sarili natin.
Girl: Ayoko marinig yan. Uwi na ko.
Boy: Hindi na kita mahal.
Napahagulhol na si Girl nung narinig niya ang sinabi ni Boy.
Girl:Anong nagawa ko? Diba sabi mo madami pa tayong pangarap. Asan na yung mga salita mo?
Boy: Hindi mo kasi naiintindihan. Ayoko na. Tapos.
Girl: Ganun nalang yun?
Boy: Sorry.
Umalis si Boy at naiwang umiiyak si Girl.
After 5 years, nakita ni Girl si Boy sa isang restaurant.
Girl: Salamat pala sa pag iwan mo sakin huh.
(Hindi umimik si Boy.)
Girl: Dahil sa pag iwan mo sakin, nakita ko yung taong para sa akin. Salamat sa lahag ng sakit. Ah by the way, imbitado ka pala sa kasal ko. Kung okay lang. Sige alis na ako.
Nung nakalabas na si Girl ay narinig niya ang pinaguusapan ng dalawang babae.
Lady1: Kawawa naman yung lalaki no.
Lady2: Sinabi mo pa. Narinig ko na hiniwalayan niya yung girlfriend niya noon kasi alam niya na mabubulag siya.
Lady1: Akala ko nag pa laser siya?
Lady2: Hindi naging successful yung operasyon. Kawawa mga eh. Bestfriend ko kasi ang nurse na nag aalaga sa kanya. Sabi niya daw, kung hindi naman daw siya makakakita, mas mabuti na daw mamatay kesa maging pabigat sa girlfriend niya.
Lady1: Mahal na mahal niya talaga yung babae.
Lady2: Sinabi mo pa. Kaso ikakasal na daw yung babae.
Lady1: Oo narinig ko. Sa bestfriend daw ng lalaki?
Napatakip ng bibig si Girl sa narinig. Napatakbo siya papalapit kay Boy at nakita niya itong inaalalayan ng isang nurse.
Girl: Bakit hindi mo sinabi? Bakit tinago mo?
Boy: Masaya na ako na masaya ka. Pinangako naman ni Clyde na aalagaan ka niya. Magiging masaya ka sa kanya. Magiging masaya kayong dalawa. Dadalo ako sa kasal niyo. Wag kang mag alala. Hindi ko papalampasin ang espesyal na araw ng dalawang taong pinakaimportante sa akin.
Mahal parin kita kaya lahat gagawin ko para sumaya ka.END......
YOU ARE READING
Sad Love Stories
Short StoryPara sa mga gustong magbasa ng mga SAD LOVE STORIES..... Enjoy... # sorry first time lang po ✌✌