Saturday na ngayon at nag-iimpake na kami. Tinanong ko sila mama at pumayag lang din naman daw siya na sa kanila Aud kami kasi nawalan ng trabaho si papa ibig sabihin nasa bahay siya at baka matagalan siya.. pwedeng umabot ng one month. Wag naman sana. Kaya eto kami ngayon, maleta ang dala. Pumayag naman sila mom and dad pero nahihiya talaga ako.
"Magdala ka ng swimsuit ah! May swimming pool sila dun!" Sabi ni Lea. Wala naman akong swimsuit eh, edi bibili nalang ako. Nagsuot ako ng royal blue sweater at tinuck sa white skater skirt ko at nagsuot ng sandals. Nag-apply ako ng make-up at nagsuot ng relo. Inadmire ko yung GANDA ko sa harap ng mirror at talagang nagselfie pa ako at pinost sa IG. #OOTD
Bumaba na kami ng marinig namin ang busina sa labas. Tinulungan kami ni Aud na ilagay ang gamit sa trunk ng kotse tapos nagpaalam na din kami sa kanila mama at tita Mon.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Pagkadating namin kanina dito sa bahay nila Aud ay naglilinis silang lahat at si mom ay nagluluto. Sabi niya din na feel at home lang lagi at ganun din sinabi ni dad. Umakyat kami sa kwarto na tinulugan namin nung nakaraan at inayos ang mga gamit. Kasama namin si Aud dito dahil wala naman siya magawa kasi sabi daw nila mom and dad na susunduin na daw nila yung Serena na yun.Tinatamad akong gumalaw ngayon kaya eto ako nakahilata sa kama habang nakikipagtext kay Treyson. May potential boyfriend na ako.
"Busy ka jan sister ah" sabi ni Aud sakin sabay tabi sa akin
"May katext lang" sagot ko
"Boyfriend mo bakla?" Tanong niya
"Hindi. Kaflirt lang pero may potential" sabi ko at narinig kong nag-giggle si Lau at Lea
"Nagkakamabutihan na kayo ah. San kayo nagkakilala?" Tanong sa akin ni Aud na nagiging curious nanaman
"Sa bar lang nung nakaraan" sabi ko.
"Ay wait lang" sabi ko sabay pasok ng CR at nakipag-usap kay Treyson. As usual sweet nanaman siya like the first time nag-call kami.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
"Bye" binaba ko na ang tawag at lumabas ng CR pero wala nang tao sa kwarto kaya lumabas ako. Napatigil ako ng makitang nasa sala sila Aud at yung magkapatid. Tatawagin ko na sana pero biglang dumating sila mom and dad kasama ang isang blonde na buhok ma girl na mukhang yayamanin. Baka siya na si Serena?Bumaba ako ng dahan-dahan at nakita kong naglalakad na palapit si girl kay Aud at yayakapin na sana si Aud pero umilag kaya ako ang nayakap
"The hell?!" Tili ng girl at lumayo sakin at tinaasan ko siya ng kilay
"Who's this!?" Matinis ang boses niya kaya ang sarap kunin ng heels niya at ipokpok sa ulo niya
"Ah, Zands this is Serena. And Serena, this is Zandra, my galfriend"
So this is Serena
And
Galfriend?
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Teen FictionAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...