Tahimik kaming kumakain at alam kong masama akong tinititigan ni Serena.
"So..tito, tita. She's a friend of Drei right?" Biglang sabi ni Serena na akala mo wala ako dito
"Yes, darling." Sagot ni mom
"And these two are her cousins?"
"Yes"
"And why are they staying here? Are they poor enough and are you kind enough to let them stay here?" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig kong sinabi niya yun
"FYI, we're not poor and hindi kami nakikitira dito. Ikaw nga yung nakikitira eh" syempre binulong ko lang ang huli
"Am I talking to you?"
"You're not, but I am" suwabeng sabi ko sabay subo ng lamb chop. Yummy!!
"Drei oh!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at napatingin ako kay Aud na pinanggigigilan ang lamb chop niya. Hinawakan ko yung hita niya kaya napatingin siya sakin. Tinanguan ko siya at sinabing ako ang bahala dito sa babaeng to. Apparently, pinatira muna talaga kami dito para hindi mahalay tong si Aud at para macontroll tong demonyitang to. Kaya syempre gagawin ko ang best ko.
After namin kumain ay tumambay kami sa sala para manood ng movie. Ako, Aud, Lea, Lau at si Serena ang manonood.
"Anong movie ang gusto niyo?" Tanong ni Aud
"Conjuring!" Sabay-sabay naming tatlong sigaw
"Eww! It's so scary kaya! I call for Sex in the City!" Sabi naman ni Serena
"Sorry ka nalang. Mas marami kaming may gusto nito" sabi ko kaya sinalpak na ni Aud yung palabas. At dahil pang apatan lang ang couch na nakaharap sa TV, at sila epal, Aud, Lea at Lau ang nakaupo at ako ang nakawalan. Nginisian ako ni Serena na katabi ni Aud. Uupo na sana ako sa lapag pero pinigilan ako ni Aud at sinabing umupo ako sa lap niya since ayaw niya din sa lapag
"Di nga? Keri lang?" Tanong ko
"Kering-keri. Upo na" sabi niya kaya umupo ako sa lap niya. Nang magsastart na ang palabas ay tinignan ko si Serena at nginisian. Akala mo ah
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Sinuot ko ang jogging pants at rubber shoes ko then sports bra at pinatungan ng jacket. Ang lamig kaya ngayon.
Bumaba na ako at nakita ko namang nagkakape si Aud at papikit-pikit paUmupo ako sa harap niya at hindi talaga ako napansin!
"Good morning bakla" bati ko sa kanya at hinalikan siya sa noo kaya napadilat siya
"Good morning din Zands" nakangiti niyang bati sabay higop ng kape
"Oh, bakit puyat ka?" Tanong ko
"Hay nako bakla! Ginapang ako ng ipis na puti!" Sabi niya at nanginig pa kaya napatawa ako. Tinutukoy niya si Serena, eh siya lang naman ang maputi na ipis sa buhay eh.
"Keri lang yan bebshiecake" sabi ko
"You want?" Tanong niya at nilapit sakin yung coffee
"Share tayo?" Tinanguan niya ako kaya kinuha ko at sumipsip
"Good morning!" Muntik ko nang mabitawan yung cup
"Walang good sa morning lalo na pag ikaw ang kasama" bulong ko at medyo natawa si Aud
"Good morning Drei" nakangiting bati ni ipis kay Aud at hahalikan na sana sa pisnge pero hinarangan ko ng kamay ko
"Oops! Nadulas-las-las-las-las" sabi ko at pasimpleng tinignan ang get-up ni ipis. Naka shorts at sports bra. Aba'y magaling! Gusto atang mangisay ng wala sa oras
Inismiran niya ako at nag walk out
"Thenkibels sa save ah" sabi ni Aud na napa sigh in relief
"Keri lang. Eto yung coffee oh. Teka, sasama ka ba mag-jogging?"
"Ah oo. Wait mo lang ako" tumango ako at hinintay siya at ng ready na ay nag-jogging na kami.
To make the story short, si ipis ay nag-papansin nanaman kay Aud and sa ending? Ayun nangisay pag-uwi. Gaga kasi! 4 palang ng madaling araw tapos kung maka-shorts at bra lang wagasan!
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...