Nagsuot na ako ng kumportableng damit which is white short tee, and high-waist shorts tapos nag-ayos at syempre! Mawawala ba ang pag-admire ko sa maganda kong mukha? Of course not! Pero syempre mabilis lang kasi baka maiwan ako nila mom. Masyado ngang excited yung dalawang mokong na pinsan ko at inunahan pa talaga ako!
Pagkababa ko, nalaman ko na ako nalang pala ang hinihintay.... Ay hindi pala! May ipis pa palang hinihintay. And speaking of! Bumaba ng hagdan ang babaeng hukluban na naka white backless shirt with matching black ripped shorts with matching wedge.
"Ay bongga! Fashion show ata pupuntahan niteng mujer" narinig kong bulong ni Aud kaya napatawa ako ng konti
"Tawa mo jan?" Fake na inis na tanong ni Aud
"Wala. Ang hawt mo jan sa suot mo girl" pang-asar na sabi ko. Naka black v-neck shirt siya and jeans(typical)
"Inggit ka?" Nakataas kilay niyang tanong
"Manahimik nga kayo jan. Aalis na no" sabi ni Lea na naglalakad na palabas ng bahay. At as usual, si ipis ay masama nanaman ang tingin samin.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
At dahil pag nagsha-shopping ako ng undies ay nag-so-solo flight ako, kaya eto ako ngayon solo flight nga😂Buti may sale ngayon sa swim wear kaya eto na meeee!!
Madaming mga designs dito pero may isang nakapukaw ng attention ko
"Uhm, miss. Magkano dito?" Tanong ko. Wala kasing price tag yung swimsuit na ito
"4,500 po" pagkasabi niya nun ay lumakad na ako papalayo ng walang ibang sinasabi
.
.
Joke lang syempre! Pero napanganga ako kasi ang mahal!"Eh maam don't worry kasi 2 in 1 na po siya." Napatango naman ako. Tinignan ko mabuti ito at sinuri. Kahit mahal, ang ganda kasi kaya gusto kong bilin.
One piece siya na color navy blue tapos mataas ang pagka backless niya kaya hindi masyadong revealing. Tapos may lace na red sa may part ng ilalim ng boobs pati na sa high part ng hips
"Pwede po siyang maging two piece basta tanggalin po tong mga lace. Pwede din pong luwagan ang mga lace pag gusto po ng mas revealing na two-piece." Pag-explain ng babae. Wieee!! Gusto ko na to!!! After ng ilang sukat sukat ay kinuha ko na to at pumunta naman sa may mga undies.
Bumili ako ng bra pero isa lang kasi ang dami ko nang ganun. Pumipili palang ako ng panty at may nakita akong ipis. WTH
"If it isn't the leech." Sabi niya
"If it isn't the cockroach" sabi ko naman. Kinuha ko yung panty-short na color maroon, navy blue, black, and animal print na may kiss me sa butt part. Nakita ko siya kumuha ng thong and t-back. Omg! Nandidire akong napalakad ng maimagine long suot niya yun. Mas bagay kasi sakin yun!
After ko bayaran ay tinext ko sila Lea kung nasan sila at ang sabi naman niya ay nasa men's wear daw kasi namimili din si Aud. Ang weird talaga kasi bakla talaga siya but puro panlalaki ang suot. Si Lau nga eh, nagpapanty!
Tumungo na ako dun at medyo natagalan bago ko sila mahanap.
"He-" napatigil ako ng makita ko ang isang ipis na minomolestia si Aud na mukhang mananampal na
"May isang ipis akong nakita. Mabaho, makati, puting ipis ngunit andito ako upang siya ay patayin. Si Zandra na nagsabing may ipis! May ipis, may ipis! Ako si Zandra na nagsabing may ipis!" Tinapos ko ang kanta with matching sayaw pa at bawat sabi ko ng ipis ay tinuturo si Serena. Ng matapos ko ang concert ko ay madaming nakatingin tapos yung iba natatawa habang pumapalakpak at syempre ang mga kasama ko pwera kay ipis ay tawa ng tawa.
"How dare you call me an ipis?!" Galit na sabi niya
"Wala naman akong sinabing pangalan para masabi mo na ikaw ang sinasabihan ko" sabi ko sabay kindat kay Aud na tinapunan ako ng flying kiss na sinalo ko.
❇❇❇❇❇❇
I gave my best para i-describe yung swimsuit
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Ficção AdolescenteAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...