Maaga ako bumangon kanina para makapag-exercise and syempre nakasabay ko nanaman si ipis. Ewan ko ba sa trip nun at lagi akong iniirapan. Alam ko namang mas maganda ako kesa sa kanya pero dapat tanggap na niya yun hehehe.
"Hoy gagang bakla! Para kang tanga jan! Tawa ng tawa" sabi ni Lau na naglalagay na.....
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko
"Syempre, after I work out dapat may relaxing bath para ma rejuvenize ang skin ko! Sa CR nalang sa kwarto ni Aud ka maligo" sabi niya at pumasok ng
"Ako ang maliligo sa baba" sabi ni Lea na kinukuha ang damit
"Bakit? San ka punta?" Tanong ko na kinukuha na ang towel at mga gamit ko
"Mamimili lang. Bakit? Sama ka?" Umiling lang ako at lumabas na ng kwarto. Pumasok ako sa kwarto ni Aud. Ngayon nga lang ako ulit nakapasok dito kasi nakakahiya namang pumasok sa kwarto niya at ang masculine ng aura at theme ng kwarto niya pero may pagka feminine din naman.
"Magpaalam na muna kaya ako?" Baka kasi magalit siya sa akin pag pinakielamanan ko ang CR niya. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at tinawagan si Aud
"Heller?"
"Aud, magpapaalam lang sana ako"
"Ano yun? Pakibilisan lang bebshiecake at may meeting pa akesha"
"Bakit ka bumubulong?"
"Gyerl, nasa meeting po akesha. Duh!"
"Bebssss! Pagamit ako ng CR mo ah! Lilinisin ko naman after ko gamitin. Si Lau kasi eh inunahan kami sa pagligo at matagal pa ata siya dun" narinig ko naman siyang tumawa ng konti
"Ano bang sabi ko sayo dati?"
.
.
"Ano nga ba? Hehe pasensya na ulyanin ako eh" sabi ko sabay peace sign kahit hindi naman niya nakikita
"Whatever is mine is also yours and I told you to feel at home"
"Eh diba galit ka sakin? Eh mamaya talakan mo ako at bigwasan. Okay sana kung pandak ka eh" sabi ko ng nakapout
"Stop pouting and I'm not mad and I can't stay mad with you. Sige na babush naaaa"
"Oo na. Babye! Ingat ka jan ah!"
"Syempre naman!"
"Bye bebshiecake! Love you and I mishu na kaya umuwi ka agad!" Naiiyak na sabi ko. I can't cry! Papanget ako
"Love you too bebshiecake and I mishu mooore! Tatry ko nalang umuwi ng maaga! Sabihin mo sa dalawang bakla namimiss ko na din ang kagagahan nila" natawa naman ako at napatango. Inend na niya ang call kaya pumasok na ako sa CR ni Aud na kakaunti lang ang gamit at naligo.
After ko maligo ay nagsuot na ako ng damit which is yung una kong nahablot sa cabinet which is ragged and loose shirt at short shorts. Mas kumportable kasi pag ganito at mas nakakagalaw ako. Lumabas na ako sa CR at nagulat ako ng pumasok sa kwarto ni Aud si ipis
"What are YOU doing HERE?" Taas kilay na tanong niya
"I should ask you the same thing"
"Where is Drei?" Tumingin tingin siya sa paligid at tinaasan ko lang siya ng kilay
"Well,duh! Diba nga nasa business meeting siya?!"
"Business meeting?! Bakit walang nagsabi sakin nito?"
"Obviously meron at ako yun. At buti naman nagtagalog ka na no? Sakit mo sa bangs" sabi ko sabay hawi ng bangs ko. Ibig sabihin hindi niya alam na wala si Aud? Tapos kung makapasok siya dito at nakatapis lang ng towel wagasan? Jusme! Baka sukahan lang siya ni Aud ng wala sa oras
"So... Anong ginagawa mo dito?" tanong niya
"Nakiligo, bakit may angal? Saka nagpaalam ako. Eh ikaw?"
"I came here to take a bath since my bathroom is broken"
"Nagpaalam ka ba?" Tanong ko
"Why should I?" Napairap nalang ako. Jusko Lord! Bakit may taong ganire?
"Magpaalam ka nalang. Tawagan mo"
"I don't have his number and they won't let me have it"wawa!
"Sige maligo ka na. Ipapaalam nalang kita" sabi ko at lumabas na ng kwarto ni Aud at bumalik sa kwarto. Hindi parin tapos ang bakla
To: Audrey mey bebshiecake💜💜
Bebe! Nakiligo si hilaw na ipis sa cr mo
Hindi ko na tinawagan kasi baka makagambala ako.
Dahil wala talaga ako magawa after ko laruin lahat ng games sa phone, bumaba na ako para hanapin si mom para makipag chikahan. PINAGBAWALAN PO NILA AKONG MAGLARO NG VIDEOGAMES HUHUHU 😭
Hinanap ko si mom pero ang sabi, sumama daw sa office nila dad kaya walang tao dito pwera sa pinsan kong natutulog sa cr, hilaw na ipis at mga katiwala. At dahil bored na ako at busy ang mga katiwala, nakipaglaro nalang ako kay Lindsay, yung golden retreiver nila Aud.
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Fiksi RemajaAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...