"Pinsaaaaan! Bilisan mo na jan!" Sigaw ni Lau. 7:30 na kasi tapos hindi pa ako tapos mag-ayos ng gamit at eto na nga tinulungan na ako ng dalawa.
"Mag-bihis ka na at kami na ang bahala dito" sabi ni Lea. Pumasok na ako ng cr after ko kunin yung susuotin ko which is white na sando at jogger pants pero hindi na ako nag-ayos. Tinanghale kasi ako ng gising kasi nga...last night, dinatnan ako at pag meron ako, syempre karaniwan, mainit ang ulo at sa case ko, mahilig matulog. Lumabas na ako ng CR at ayos na ang mga gamit ko at hinila na agad nila ako. Sumakay na kami ng kotse ni Lau at sinundan na lang ang kotse nila mom.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Bumaba na kami ng sasakyan at pinagmasdan ang paligid. Nasa Tarlac na kami ngayon at dito ang bahay ng nana at lolo ni Aud. Luma na ang style ng bahay pero may aircon naman since alam na mainit dito. Parang probinsya style din ang paligid."Omg! What's with your outfit? It's like your outfit yesterday! So ragged" maarteng sabi ni ipis na nakahat pa at akala mo pupunta sa beach.
"Salamat sa pag acknowledge ng fashion ko ah! Gusto ko nga din pala ipaalam sayo na inaacknowledge ko din yung pagiging OA at out of place na pananamit mo" hirit ko at kinuha na ang mga gamit.
"Children! Grant will not be able to come with us today but tomorrow morning, he will come!" Sabi ni mom. Grant ang name ni dad.
Biglang may lumabas na dalawang matanda na nasa 50's palang at niyakap si mom. Pinalapit kami nila mom doon para batiin sila pero napatigil ako ng may magtext
From: Mickey "dagang playboy xD"
We are on our way. See yah 😉
To: Mickey "dagang playboy xD"
Ingat kayo😘
Lumapit na din ako at saktong ipapakilala na ako
"Ma, si Zandra po...future apo niyo po" sabi ni mom kaya napanganga ako
"Ah.. eh.. mom...a-"
"Joke lang. Bff po ng apo niyo at eto po yung dalawang pinsan niyang si Leandra and Laurence"
"Laurice po ako pag gabi" nakangiting sabi ni Lau
"Lea nalang po" sabi naman ni Lea
"Nice meeting you po nana!" Nakangiting bati ko kay nana kahit na ang awkward ng tingin at ngiti niya sakin. Para lang sakin ah. Nag-mano nalang din ako
"Hi! I am Serena, the future wife of Drei!" Napataas ang kilay naming magpipinsan sa sinabi ni Serena at talagang binunggo niya pa kami para makalapit kay nana
"Una, bakla ang apo ko. Pangalawa, hindi siya papatol sa ganyan ang ugali. At huli, hindi ka sa dagat pupunta, hija" mataray na sabi ni nana kaya medyo napatawa kami
"Ah hehe.. pagpasensyahan niyo na yang asawa ko ah! May pagkabipolar kasi yan eh. Ako nga pala si Giordano, Gio nalang para pang bagets" natatawang sabi ni lolo Gio
"Nice to meet you po" sabi ko at nag-mano
"Ang bait mong bata. Ala, sige pumasok na tayo" pumasok kami at namangha ako kasi ang daming mga gamit, hindi makikinang pero parang antique pero organized kaya hindi makalat.
"May limang bakanteng kwarto kaya, kayo na ang bahala kung saan niyo gusto. Hanapin niyo nalang kami pag may kailangan kayo. Zerina, halika at kwentuhan mo kami" umalis na sila mom at sila lolo at nana para mag kwentuhan at sakto namang may bumusina
"Ay anditey na ang mga papabols!" Tili ni Lau at lumabas ng bahay.
"Who is he talking about?" Tanong ni ipis
"Mga katropa ni Aud. At she siya. Baka sabunutan ka nun bahala ka" sabi ko at saktong pumasok silang lima
"Minnie!" Bungad agad ni Mickey kaya napangiti ako. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pero syempre ginawa ko din sa iba yun.
"Maghahati daw tayo sa limang kwarto so....sinong gusto mag sama-sama?" Tanong ni Lea
"We've been here before so... Me and Nikko then Lance and Gab" sabi ni Micks
"Okay... Ilang tao ba ang kasya sa isang kama?" Tanong ko
"Tatlo pero kung magulo matulog.. may be one to two" sabi ni Gab
"So.. Lau and Lea kayo ang magkasama...gusto mong magkatabi tayo ipi-I mean Serena?" Muntik ko nang masabing ipis!!
"Ew! No thanks! I'd rather have my own room" sabi niya at dinala na ang mga gamit saka nagwalk-out
"Edi ka-room mo si Aud" sabi ni Lau. Oo nga no?! Ka-room ko si bakla!
"Magulo ba siya matulog?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Novela JuvenilAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...