💝Chappitter 126💝

314 7 0
                                    

Buong araw, nag-tour kami kasama sila nana at lolo ni Aud. Masaya naman kasi nalalaman namin yung mga storya nila Nikko, Micks, Gab, Lance at Aud nung mga bata palang sila. Bestfriends na daw sila mula dati pa lalo na't magkakaibigan ang mga magulang nila.

Katatapos lang namin kumain at dahil may pagka strikto sila nana at lolo ay may curfew daw. 11 daw ay lights out na buti nalang at 8 palang. Inayos ko na muna yung mga gamit ko. Nilagay ko sa kaliwang cabinet kasi yung kay Aud, sa kanan. May CR din naman bawat kwarto at may aircon! Makaluma yung style ng bahay pero yung mga bintana ay sliding! Bongga! Pero nakakatakot kasi baka pag nagkasunog, matupok agad to kasi halos lahat ay gawa sa kahoy. Wag naman sana.

Naligo muna ako tapos nagsuot ng kumportableng damit at nagblow-dry ng buhok. Masama daw kasing matulog nang basa ang buhok.

"Pinsan! Papasok!" Rinig kong sigaw bago pumasok ang dalawa kong pinsan na nakapantulog na din

"Ang ganda ng kwarto mo ah!" Sabi ni Lau

"Syempre, bagay kasi sa magaganda" sabi ko at inirapan lang nila ako.

"Mag-gu-good night lang kami kasi pagodish na akesha! Goodnight bakla!" Sabi ni Lau at niyakap ako

"Goodnight!!!!!" Sigaw ni Lea at nakiyakap din

"Dream of me ah para maganda ang gising niyo" sabi ko

"Hell no!" Natawa naman ako sa reaksyon ni Lau. Bumalik na sila sa kwarto nila kaya naiwan nalang ako mag-isa kaya nahiga na ako. Pipikit na sana ako pero biglang tumunog ang phone ko

From: Mickey "dagang playboy xD"

U asleep?

To: Mickey "dagang playboy xD"

Yep! Whyyy???

Zandra(Z) Mickey (M)

M: Just checking😊 ano gawa mo?

Z: Pa2log na sna kaso epal ka eh 😂🐒

M: Oh, sorry naman✌. Edi GOOD NIGHT MY MINNIE! BETTER DREAM OF ME

Z: LOLS. Good night din 😘😘. Wag sana kitang mapaniginipan😂✌

M: Ang bad mo! Nagtatampo na ako ah..

Magrereply na sana ako kaso bigla na akong nakatulog
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Dinilat ko ang mga mata ko at nag unat ng konti. Ang aga ko ata nagising

Tumayo na ako para pumasok ng cr para magayos at magja-jogging dapat pero napahinto ng may maaninag akong taong natutulog sa higaan ko

Omg! Minolestya ba ako ng hindi ko alam?! Malandi ako pero ayoko munang maano! Hindi pa nga ako nakakaget-over sa naka one-night-stand ko!

Dahan dahan akong lumapit sa lamp at muntik na akong mapatili ng nabuksan ko na ang lamp at nakita kung sino yung katabi ko...
.
.
.
Dinutdot ko ang pisngi niya para makita kung siya talaga to at ng minulat niya ang mga mata niya at ng tumingin siya sakin ay alam kong hindi ako nananaginip

"AUD!" Tili ko saka sinunggaban siya kaya nadaganan ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at narinig ko naman ang deep chuckle niya kasi kagigising nga lang

"You miss me that much bakla?" Tanong niya pagkatapos niyang umupo at ako ay nakayakap padin. Tumango tango ako at ngumiti

"Anong oras ka pa umuwi?" Tanong ko

"Mga...one ata?" Sagot niya. Niyakap na din niya ako pero lumayo ako ng konti at nagpout

"Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na?" Niyakap niya ako then humiga at dinaganan kaya napatili ako pero bumangon din siya agad habang tumatawa

"Duh! 11, light's out at alam kong tulog ka na nun! Teka... Anong oras pa lang ba?" Tanong niya kaya napaalis ako sa kandungan niya at tumingin sa oras

"4 palang..wala ka pa gaanong tulog! Matulog ka na muna!" Sabi ko at tinulak siya para mapahiga

"Ikaw kasi eh! Naboborlogs yung tao tapos ginising mo" sabi niya at nagkumot

"Eh! Nagulat kasi ako kasi may katabi ako no! Tsaka namiss kita no" sabi ko at nagcross arms

"Miss moko kaya samahan mo akong matulog!" Sabi niya kaya tumabi din ako sa kanya at inayos naman niya ang kumot

"Namiss ko ang baby sister ko eh!" Sabi niya at niyakap ako

"Bebshiecake, ang sweet ng posisyon natin ngayon" nakatingala at nakangisi kong sabi at binaba niya ang tingin niya sakin

"Kadirdir ka hahaha! Itulog mo nalang yan..." sabi niya at pumikit

"At ichika mo kay watashi ang nangyare sayo habang wala ako" sabi niya

"Sigee" sabi ko at humikab bago ako makatulog

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon