Mga eight na nung magising kami at nung pumunta kami sa sala ay kinuyog si Aud at syempre, mawawala pa ba si ipis? Pero syempre umiiwas lagi si Aud. Minsan nga iniisip ko kung may kung ano ba tong dalawang to ng lalaki pa si Aud at ang dahilan ng pagkabakla ni Aud ay si ipis dahil naheart broken si bakla. Oo nga no!
"Lalim ng iniisip natin ah" napatingin ako sa katabi ko na nagsalita at sinapak siya
"Nakakagulat ka naman. Good morning Micks" sabi ko ng nakangiti
"Ganda nga ng bungad mo kasi sapak agad ang natanggap ko at hindi ang matamis mong ngiti" sabi niya na may cheeky grin. Infairness ah! Kinilig din ako ng konti kaya medyo napahagikhik ako
"Manahimik ka nga jan ke-aga!" Sabi ko na natatawa tapos sinundot niya yung tagiliran ko napa iwas ako
"Kinikilig na yan oh! Sabi na nga ba eh. Nahuhulog ka na sa charms ko" mahangin niya sabi at sakto namang humangin kaya napatawa ako
"Hahahaha liliparin ata ako" sabi ko
"Mga bata! Kakain na tayo!" Rinig kong tawag nila nana kaya pumunta na kami sa dinning area at kumain na
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Ang init!!! Hindi naman summer pero ang init talaga! Nagbabad ako kanina sa malamig na tubig at kakaahon ko lang. May bath tub kasi. Nagsuot ako ng shorts at peach loose blouse na may ✡ na design sa gitna. Nagpowder ako then naglipgloss tapos lumabas na ng kwarto."Bakla, san ka punta?" Tanong ni Lau na kasama si Lea na busy sa pag tetext
"Jan lang sa labas" sabi ko at lumabas at sakto namang nakita ko si Mickey
"Hey, Minnie! Sama ka?" Tanong niya
"Saan?" Tanong ko at lumapit sa kanya
"Mamili lang dun sa bayan kasama ng tropa"
"Ay sige!" Sabi ko at sumama sa kanya. Nakita ko ang isang pick up na black at nandun sa likod si Lance
"Uy! Zandra! Sama ka?" Tanong ni Lance ng makalapit kami
"Syempre dapat sama ako lagi" sabi ko
Umakyat ako sa likod at tinulungan naman ako ng dalawa
"Hoy Mick! Bilisan mo na nga jan!" Nakasilip sa bintana na sigaw ni Nikko
"Bahala ka na jan! Ikaw na mag-drive! Dito ako sa likod" sabi ni Mickey at tumabi sakin. Nakita ko namang lumipat si Nikko at nakita niya ako kaya kinawayan ko siya
"Kaya naman pala" sabi niya at pumasok sa loob. Nag-drive na si Nikko at kami sa likod ay nagkwentuhan lang at pag may nadadaanan kaming mga tao ay kumakaway ako na parang beauty queen.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Namili kami ng mga pagkain lalo na snacks at bibili sana ako ng damit kanina kaso wala pala akong dalang pera kaya nilibre nalang ako ni Mickey kasi according sa kanya ako daw ang MINNIE niya. Kenekeleg ako inaamin ko na😍Pagkabalik namin sa bahay, magtatanghalian na. Ang bilis nga namin mamili kahit puro kalokohan yung mga lalaki. Ang saya nilang kasama.
"Hoy baklita! Bakit hindi mo man lang sinabi samin na aalis kayo at hindi niyo kami sinama" naiimbyerna na talak ni Lau ng makapasok ako sa kwarto
"Eh.....hehe. Sorry" sabi ko at nagpeace sign
"Hay nakosh! Gusto mo lang solohin si Mickey eh" pang asar ni Lau kaya sinakyan ko nalang
"Hindi ko nga nasolo eh kasi kasama yung iba" kunwareng nagtatampo at nalulungkot na sabi ko
"Dapat sinabi mo kanina para iniwan ko nalang yung tatlo" napatingin kami tatlo sa pinto na NAKABUKAS na at nakita ang nakangising si Mickey. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko kaya tumingin ako sa sahig
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Ficção AdolescenteAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...