💝Chappitter 128💝

348 5 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalilipas pagkatapos ng nakakahiyang insidente na yun pero wala namang awkward moment sa aming dalawa ni Mickey. Pinagkalat nga lang nung dalawang pinsan ko kaya pinagtutukso kami.

Nandito ako ngayon sa may sala at walang kasama dahil namasyal pero naiwan ako dahil masama ang pakiramdam ko. Lumabas muna ako at naglakad lakad at ng makalabas na ako ng gate ay may nakita akong mga batang naglalaro. Hindi ko nga naexperience na maglaro sa tabi ng kalsada kasi lagi akong pinagbabawal.

"Hi" tumalikod ako at nakita ang isang babaeng ka-age ko lang ata na nakangiti

"Hello" nakangiti ko ding bati

"Bagong lipat ka dito? Boarder?" Tanong niya

"Ah, hindi. Nagbabakasyon lang" sabi ko. Nakita kong tumaas ng konti ang kilay niya pero ngumiti agad

"So, kaano-ano ka nila lolo at lola?" Tanong niya. Taray! May Q & A

"Sorry pero hindi ako nagbibigay ng personal information sa hindi ko kilala" tumaas naman ang kilay niya at ngumiti nanaman pero halata namang pilit. Ano kayang issue neto?

"I'm Desiree" pakilala niya

"I'm Zandra" pakilala ko din

"So kaano-ano mo sila? Eh yung apo nilang s-"

"Zandra" napatingin ako sa taong nagsalita sa likod ni Desiree at tama nga akong si bebshiecake to.

"Oh? Kala ko kasama ka sa kanila? Bakit ka nandito?" Tanong ko habang naglalakad siya papalapit sakin. Nagulat ako ng hatakin niya ako palayo at pumasok ng bahay. Nakita ko pa nga ang galit na itsura ni Desiree. Okaaaaaay?

"Uy, Aud. Kilala mo ba yung babaeng yun?" Tanong ko ng makapasok na kami sa loob

"Wag kang makikipag usap dun sa baliw na yun" sabi niya

"Bakit naman? Baliw?"

"May gusto yun sa akin"

"Lakas ng masculine charms mo" nakangisi kong sabi at nagpout siya kaya hinilamos ko ang kamay ko sa mukha niya

"Bakit ka nga nandito? Hindi ka sumama sa kanila?" Umupo siya sa couch at nagcross legs

"Wala lang. Ayoko namang maiwang magisa ang sister ko dito PLUS mainit! Ayokong lumabas pag mainit" sabi niya

"Kaya nga ehhhh" sabi ko at humiga sa isang couch

"Swimming tayo! May swimming pool naman eh!" Aya niya at humarap naman ako sa kanya

"Meron pa akong dalaw ngayon" sabi ko

"Eww! Oh by the way! Ano nang status niyo ni Mickey?"

"Wala naman. We're friends" sabi ko

"Talaga ba? Bagay naman kayo" napatingin ako sa kanya

"Talaga?"

"Oo!" Sagot niya at tumango tango pa siya

"Sige lalandiin ko" humahagikhik kong sabi kaya hinagisan niya ako ng tsinels at nailagan ko naman kaya binelatan ko siya
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Maaga ako nagising ngayon. Actually, sobrang aga. 3:30 palang kaya etong katabi ko ay sleeping peacefully. Naka blindfold pa nga.

Bumaba muna ako para sana magtimpla ng kape since hindi naman na ako inaantok tsaka malamig.

"Gising na po pala kayo nana" sabi ko ng makita ko siyang may ginagawang kung ano sa kusina.

"Good morning po" bati ko

"Good morning din, apo. May gusto ka bang kainin? Pang umagahan."

"Okay na po ako sa kape." Sabi ko at kukuha na sana ng tasa pero pinigilan niya ako

"Ako na. Gusto ko rin naman magluto"

"Ako na ho kasi baka mapagod ka po."

"Hindi na. Mas napapagod ako pag naglilinis kaya ikaw nalang maglinis. Magwalis ka nalang hija" sabi niya kaya napatango ako. Nagwalis muna ako sa loob, bago ako mag walis sa labas. Hoy! Hindi yun biro ah! Ang lawak kaya!

Pumasok nako ng makuntento ako at nakahanda na ang pagkain

"Hija, umupo ka na dito" sabi niya kaya umupo nako. Kumain kami ng sabay tapos pinakwento niya ako tungkol sa sarili ko at syempre kinwento niya naman ang love story nila lolo. Kinikilig nga ako eh!

"Bebshi-anjan ka lang pala" napatingin kami ni nana sa nagsalita. Natawa naman ako dahil sa itsura ni Aud. Parang na-rape! Magulo ang buhok tsaka gusot-gusot ang damit. Tumayo ako tsaka lumapit sa kanya saka siya bineso at niyakap

"Good morning bebshiecake! Kain kana!" Aya ko saka hinatak siya palapit kay nana. Nag good morning sila sa isa't isa at kumain na. Inubos ko na din ang kinakain ko kasi hindi ko maubos-ubos dahil sa kwentuhan namin nila nana. Tahimik nga lang si Aud eh.

Ilang oras lang ay nagsigisingan na sila pwera sa isang ipis at dalawang talipandas kong pinsan at... Si Mickey

"Good morning!" Bati ko sa kanila at ganun din ginawa nila. Nagsikain na sila at syempre nagkwentuhan. Si lolo naman nagising na din at syempre inasikaso ni nana. Ang sweet nga eh. Sana ganyan din kami ng mapapangasawa ko pag tanda namin.

"Hija, pagising na nga ang ibang tulog at pupunta tayo sa farm" nagning ning ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni nana at nagmadali akong pumunta sa mga kwarto ng mga tulog.

Una ko munang pinuntahan ang mga pinsan ko na nakahilata pa habang naghihilik. Binuksan ko ang bintana para pumasok ang liwanag pero nagtakip lang sila ng unan kaya sumigaw ako

"GISING NAAAAAAAA!!! MAY SHOOTING SILA JAMES REID SA TAPAT NG BAHAY!" Sigaw ko at as expected, halos patalon na silang bumangon

"Ano? Si James?!"

"Si myloves?! OMJ!!!"

"OY BUMANGON NA KAYO AT MAY PUPUNTAHAN TAYO!" Sigaw ko kaya napatingin sila sakin

"Hindi totoo yung mga sinabi mo kanina?" Dismayadong sabi ni Lea. Umiling ako at parang nabagsakan sila ng langit at lupa. Lumabas na ako saka pinuntahan ang kwarto ni Serena. Sleeping like a princess ang peg niya at talagang all pink and white

"Gising na!" Sigaw ko at nag-gesture siya na nag-shoo-shoo

"Bahala ka jan! Maiiwan ka namin nila Aud!" Sabi ko kaya napabangon siya

"Saan pupunta?" Tanong niya ng matanggal niya ang blindfold

"Basta bumangon ka nalang" sabi ko at lumabas saka tumungo sa kwarto ni Mickey. Buti nga at kahit papaano ay bumabait na yung si Serena eh. Hindi na gaano ka-rude. Medyo nalang.

Okay nakabangon na sila... One more to go

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon