Umupo ako sa kama niya at tinignan siya. Ang gwapo niya pagnatutulog, para siyang.... Nagha-hybernate na daga😂✌. Jokie lang. Para siyang angel kaso pag gising, may pagka-mahangin eh. Niyugyog ko siya para magising kaso mantika.
"Mickey..."bulong ko pero nganga. Lumapit ako sa tenga niya tsaka bumulong
"Mickey... Gising na."bulong ko at hinipan ang tenga niya kaya napadilat siya. Napatingin siya sakin kaya nginitian ko siya
"Good morning! Gising na" ngumiti naman siya
"I would love to wake up in the morning if your face will be the first thing I'll see" nakangiti niyang sabi at kinilig ako. Ene be! Kenekeleg eke eh
>___<Bumangon siya at talagang nakatopless siya pero sanay nako pero hindi ko ineexpect na nay abs siya at may ahas na tattoo sa tagiliran. Pahingi po akong palaman para sa pandesal
"Like what you're seeing?" Tanong niya at tumango ako while biting by lower lip. Syempre bawal magsinungaling
"You're making me feel hot so early in the morning" medyo husky na sabi niya. Oops hehe. Di ko sinasadya. Char!
Tumayo na ako saka binuksan ang bintana niya para pumasok ang malamig na hangin. Mainit daw eh haha
"Grabe naman. Topless ang tao dito tapos papapasukin mo yung lamig" sabi niya at nakatayo na. Halos maglaway ako ng makita ko ang abs, tattoo and boxer niya. Yiee >__<
Narinig ko siyang nagchuckle kaya napatingin ako sa mukha niya at bigla akong namula. Parang uminit
"Good morning, MY MINNIE" nakangiti niyang sabi
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Nagsuot ako ng black na sando then jumper na shorts at nagshoes. Hindi ko na din sinuot ang isang lace ng jumper para sexy yieee. Dahil wala na akong regla ngayon, mas fresh nako tignan. Nag apply na ako ng daily make up ko then nag ponytail. Nag selfie muna ako at pinost sa IG #OOTDNapansin ko na November 1 na ngayon at kahapon ay October 31 eh bakit walang nag trick or treat? Hindi uso?
Kasabay ko mag ayos si Aud pero syempre hindi kami sabay magbihis. Nakasuot siya ng black shirt and shorts. Oh diba? Simple!
"Bebshiecake, don't stare at me" sabi niya habang nakaharap sa salamin. Nakita kong kita pala ako sa mirror kaya nagpeace sign ako
Pagkalabas namin ng kwarto ay ready na silang lahat. Sumakay kami sa kotse ni Aud na pick up. Kasama ko si Mickey, Lance, Gab, Nikko. Ang dalawang pinsan, at ipis ay sa kotse nila nana na SUV kasi ayaw daw mangitim. Si Aud naman ay kasama nila kasi siya ang taga bantay sa kanila lolo. Hindi naman ganon kainit eh pero naka sun block ako tapos cap and shades.
"Gusto mo sa loob?" Tanong ni Mickey
"Hindi na. Mas masarap nga dito eh" sabi ko
"Alam kong masarap ako pero wag ka namang pahalata"natatawang sabi ni niya kaya napatawa din ako
"Nikko! Bilisan mo magdrive at baka langgamin ako ng tuluyan!" Natatawang sigaw ni Lance kaya natawa kaming pareho.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Pagkadating namin sa farm nila nana, bumungad agad yung mga native farm animals and green pasture. Ang presko din ng hangin pero tirik ang sikat ng araw."My gosh! Why is it soooo hot?!" Angal ni puting ipis
"Ang hot ko kasi"nagkatinginan kami magpipinsan at ni Aud ng magkasabay sabay kami sa pagsabi tapos tumawa ng malakas
Nag-ala tourguide muna sila Aud and the guys dahil baka mapano sila nana at lolo pag sila ang nagtour samin kasi sobrang init.
"Uy may horse oh!" Sigaw ni Lea at tinuro yung brown na kabayo. Nilapitan namin ito buti na nga lang maamo eh.
"Ang laki laki namaaaaan" malaswang sabi ni Lau at humagikhik kaya napakunot ang noo ko
"Ang laswaaa" sabi ko
"Malaki yung kabayo! Grabe naman ang judgemental mo!" Natatawang sabi niya. Nagulat ako ng hatakin ako ni Mickey
"Uy san tayo punta?" Tanong ko habang kinakaladkad niya tayo. Napadaan kami sa rest house kung nasan nakahiga sa duyan si Aud
"Aud! Pasakay sa kabayo ah!" Sigaw ni Mickey
"Keri lang Go!" Sagot niya. Pumasok kami sa loob ng kwadra. Ang daming horsey!😍🐎
"Marunong ka mag horse-back riding?" Tanong niya sakin
"Hindi eh" pabebeng sagot ko. Ang totoo, nakaexperience ako pero hindi parin ako maunong since may nag-assist lang sa akin. Ngumiti siya bago buksan yung ano ng ano😂yung kwadra ng kabayo. Nilabas niya yung kabayo then kinabitan ng saddle then nilabas
"Ikaw mauna" sabi niya
"Eh hende eke mereneng semekey" ewan ko ba kung matatawa ako sa pinagsasabi ko basta ang alam ko maganda ako hahaha. Natawa niya ng konti
"I'll haul you up" hinawakan niya ako sa bewang then ng tumalon ako ay inangat niya ako kaya nakasakay ako. Sumakay din siya at nasa likod ko siya. He flicked the reins and the horse ay naglakad😂😂 Sorry! I tried naman mag-english pero di ko talaga kaya😭
"Pwedeng bilisan?" Sigaw niya
"GO LANG! KERING KERI!" sigaw ko pabalik kaya binilisan niya. Naikot na namin ang farm....halos eh ang lawak kaya ng farm nila. Bongga talaga pag may sisteret kang mayaman!
Nag-slowdown ang kabayo at nagtaka naman ako pero ng tumingin ako sa kanan, hindi nako nagtaka.
Sunset....
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Teen FictionAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...