💝Chappitter 131💝

301 6 1
                                    

1 week na ang nakalilipas simula ng maging kami ni Micks at syempre nakabalik na kami sa Manila! Araw araw naman ako hinahatid-sundo ni Micks at syempre alam na ng pamilya kooooo! Boto naman sila kasi GWAPO daw si Micks. Syempre ang MAGANDA ay para sa GWAPO. At kami yun.

Araw araw akong hinahatid at sinusundo ni Micks kaya libre transpo hahaha! Ganda ko talaga。◕‿◕。

"Taray! Haba talaga ng hair mo coz! Baka gusto mo mamigay ng grasya at isabay din kami sa pagpunta dito sa school no?" Sabi ni Lea

"Trulili! Wit mo na kami nakakasama dahil lagi mong kaPDA yang daga mo" sabi ni Lau at inikutan ako ng mata. Totoo naman na halos hindi nako nakakapagspend ng time sa kanila kasi lagi kong kasama si Mickey. Ako naman kasi ang pala dikit hohoho!

Pumunta kami sa canteen kasi bt na. I ordered pizza and milkshake at pagkakuha ko ay umupo nakp habang hinihintay ang mga pinsan kong kumekerengkeng pa dun sa lalaking pogi. Kawawa naman yung mga lalaki.

San nga pala si sisteret Audrey? Absent nanaman? Pangalawang araw na to ah...
***
Pumasok na kami sa classroom after ng bt at nagaral na naman kami. Hoy wag kayo! Feeling ko tumataas na ang IQ ko dahil subsob ako sa pagaaral... well... 20% na ng isang araw ko ang aral kasi dati 10% lang.

Nang uwian na ay saktong nasa pinto na namin si Mickey

"Hey Minnie" bati niya sakim at niyakap ako. Narinig ko namang tumikhim ang mga pinsan ko

"Hey Micks, pwede bang sumabay satin sila Lea at Lau?" Tanong ko

"Eh... sige" nag-aalangang sagot ni Micks. Pagkadating namin sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse niya at umuwi na kami.

"Thanks sa ride fafa Micks" sabi ni Lau at lumabas na ng kotse kasama si Lea.

"Thank you ulit, Micks" sabi ko at kiniss ko siya sa lips...

"You should go inside na, my Minnie" sabi niya kaya tumango ako at lumabas na ng kotse tsaka pumasok ng bahay.

"Dalian niyo na at tulungan niyo kami magluto ng dinner" sabi ni tita Mon kaya umakyat nako sa kwarto at nagpalit. Pagkababa ko ay nandun na sila insan. Si Lau ay kumakanta ng bahay kubo na beki version habang kumekendeng kaya sinapok siya ni Lea.

"Zaaands oooh! Tignan mo tong tomboy kong sister oh nanjojombag" sumbong sakin ni Lau pagkatapos niyang tumakbo papalapit sakin at kumapit sa braso ko

"Napakaharot kasi! Okay sana kung kasing ganda kita" nakangisi kong sabi kaya binangga ako ni Lau bago rumampa papunta kela Lea

"Porket may papabol ka. Hmp! Leave me alone!" Sabi ni Lau habang nakataas ang isang kamay. Sa impostora lang ang peg 😂

So ayun, to make it shorter dahil malolosyang ako kakakwento, nagharutan lang kami dun at hindi nakatulong kaya lahat kami ay napalo nila mama. Huhu... my beautiful butt
*****
Kinagabihan ay nasa kwarto na ako habang hinihintay magtext ang aking jowa. Dapat nakatext na yun eh

"Pinsan patambay!" Sigaw ni Lea ng makapasok siya ng kwarto. Humiga siya sa tabi ko at gumulonggulong

"Problema mo?" Nakataas kilay kong tanong

"Eh ikaw anong problema mo? Para kang tangang nakatitig diyan sa phone mo" sabi niya kaya ginawa ko ang mannerism ko.

"Alam mo pinsan... sa totoo lang ayoko na diyan kay Mickey. Lam mo yun? Tipong nataboy na ang mga kaibigan dahil sayo. No offense ah pero dapat balance" sabi niya at napatango tango naman ako. Masakit ah medyo natamaan ako pero....
.

.

.

Maganda parin ako HAHAHAHA

"I agree dear sisterets" napatingin kami sa paligid ng marinig namin ang boses ni Lau "down here mga impakta" tumingin kami sa ilalim ng kama at nakita namin si Lau na nakadapa habang nagbabasa ng magazine na may mga lalaki. Gross

"Anong ginagawa mo jan?!" Pasigaw na tanong ni Lea dahil sa gulat

"Ang tanong:pano ka napunta jan?" Tanong ko. Duh hindi ko naman siya nakitang pumasok. Wala namang secret door dito diba? (๑•̌.•̑๑)ˀ̣ˀ̣

"I'm one of the Charlie's angels" sagot ni Lau at gumapang palabas ng ilalim ng kama

"More like Sadako's kampon ng kadiliman" sabi ni Lea kaya napatawa ako at si Lau naman ay sinamaan kami ng tingin. Tumayo siya on his full height kaya napatingala kami ng bongga

"Nakakalalaki na kayo ah" sabi niya in his masculine voice at medyo napaubo "Kaya naiinlove ako sa sarili ko eh. I am so gorgeous, inside and out" dagdag niya ng makaharap na siya sa salamin ko. Nagkatinginan kami ni Lea at dumampot ng unan at hinampas kay Lau kaya napahiyaw siya.
***
Another week had passed and hindi talaga pumapasok si Aud kaya pumunta kami kahapon sa bahay nila. Ang sabi naman ni mom ay nasa Japan daw kasama si dad. Nagkwentuhan kami sa bahay nila at nagthank you samin si mom kasi wala daw siyang makausap sa bahay dahil lagi ding wala si puting ipis dahil laging nagshoshopping at naghahangout sa friends.

Ngayong araw ay papasok nanaman kami at masama ang pakiramdam ko....... pero maganda parin 😁

Pinatungan ko ng sweater ang uniform ko tapos naglong socks kasi day ang lamig kaya. Nagtext sakin si Mickey na hindi daw siya papasok kaya hindi niya ako mahahatid. Talk about bad luck

Sumabay na ako sa kanila pinsan sa pagpasok. Pagkalabas namin sa bahay ay umulan kaya nabasa kami ng wala sa oras.

"Jusmiyo Marimar! Inuulan tayo ng badluck today!" Angal ni Lau. Sumakay kami ng jeep papuntang school.

"Uy gaaaals!" Tawag samin ni Therra, isa sa mga kaibigan namin. Lumapit siya samin at nakipagbeso " himala ata at wala ang jowa mo Zandra" puna niya

"Hindi daw papasok eh" maikling sagot ko

"Pinagsawaan na siya" bulong ni Lea kay Therra kaya nasapok ko siya. Speaking of Micks, feeling ko nga nagsasawa na siya. Inaamin ko.. medyo nagsasawa na din ako. Panget ba yung ganun? Para kasing hindi ko na feel yung relationship namin. Bakit ganun? Hay nako Zandra! Tigilan na yan at baka malosyang! Sita ko sa sarili ko.

"Hay nako mga chica! Late na tayo!" Kakachika chika namin ay hindi na namin napansin na halos wala na students sa hallway. Tumakbo na kami at pumasok sa classroom.

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon