SAPILITAN

432 1 0
                                    


Sa pagdilat ng aking mga mata, walang kahit anong bakas sa aking mukha na ako'y masaya.
Tinignan ko ang tanawin mula sa bintana.
Tumayo ako at sinulyapan ko pa ito.
At napaisip.
Gusto kong mapagisa.
Gusto ko pang maibalik ang aking mga ngiti.
Pero sa ngayon, puro pagpapanggap muna ang mga ipapakita ko.
Hindi ko kasi magawang maging masaya dahil sayo-- dahil sa pag alis mo.
Sinubukan kong pagsamasamahin ang mga dahilan.
At mapaghanggang ngayon, hindi ko pa rin sila maintindihan.
Patuloy pa rin akong nangangapa sa biglaan mong hindi pag kibo.
Wala akong alam.
Basta umalis ka nalang bigla nang walang paalam.
Wala akong ibang gustong itanong sa'yo kundi bakit?
Bakit tayo nagkaganito?
Ano ang nagawa ko?
Pakiusap naman, bumalik ka.
Bigyan mo ako ng mga salita.
Bigyan mo ako ng maayos na paalam.
Tatanggapin ko naman lahat ng ibibigay mong dahilan kung bakit ka lumisan.
Basta hindi ako mangapa.
Basta Hindi ako puro tanong kung bakit.
Bigyan mo ako ng dahilan.
Pakiusap.
Hindi ko maintindihan ang lahat.
Bigla nalang akong nagulat, isang araw... Wala ka na.
Parang hindi mo na ako kilala.
Para na lamang akong kung sino na dinadaanan mo lang.
Na isinantabi mo.
Itinapon mo na parang basura lang.
Na ginawa mo akong isang papel, sinulatan. Ginuhitan. Binigyan ng kulay at pagkatapos mong pagsawaang tignan, lulukitin at itatapon mo nalang.

Sabi ng iba'y hindi pa huli ang lahat para humingi ng tawad.
Ngunit ilang beses na akong nagparamdam sa'yo ngunit hindi mo ito tinanggap.
Ang tanggapin ba ang isang tulad ko ay hindi mo na kaya?
O sadyang hindi na talaga ako mahalaga?
Sobrang naiipit ako sa sitwasyon nating ito.
Para akong nakakulong sa isang tanong na hindi ko alam kung kailan magkakaroon ng sagot.
Kasi hindi naman talaga ako ang dapat sumagot sa tanong.
Kundi Ikaw.
Ikaw na biglaan.
Ikaw.
Ikaw na sapilitan akong hinayaan at iniwan ng parang wala lang.
Araw araw, gusto kitang tanungin at gusto kitang lapitan.
Ngunit natatakot akong mabalewala.
Kaya palagi kong pinagiisipan.
Gabi gabing basa ang aking unan.
Gabi gabi akong hindi makahinga dahil sa aking pag iyak, habang inaalala ang lahat.
Sa totoo nga, hapong hapo na ako. Pakiramdam ko, pasan pasan ko lahat ng sakit at mga tanong na walang sagot.
Bigat na bigat na at sawa na akong tignan ang mga kamay kong nakakapit pa-- nag dudugo na sila.
Ngalay na ngalay na din ako.
May gustong sumalo sa akin sa baba ngunit mas hinihintay ko pa din ang pagbalik mo.
Nagpapasalamat nga ako't may nagpapahalaga pa.
Ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka isang araw kumibo ka na.
Isang araw, tayong muli ay sasaya at babalik sa dati.
Babalik lahat ng ngiti.

Teka sandali, tama pa ba itong ginagawa ko?
Tama pa bang maghintay ako?
Teka, may hinihintay pa ba ako?
Ang tagal na kasi simula nang Sapilitan mo akong binitawan.
Nakikita ko naman na masaya ka sa iyong nakakasama.
Nakikita ko naman na wala nang kulang sayo.
Nakikita ko naman na wala na akong lugar diyan sa puso mo.
Kahit buklatin ko pa, hindi ko makikita ang pangalan ko.
Wala na talaga ako sayo.
Ang mga titig mo sa akin ay hindi na kagaya ng dati.
Ang mga nakasanayan natin iyong isinantabi.
Masaya ka na.
Kitang kita ko.
Ngunit, hanggang ngayon nangangapa pa din ako kung ano bang mali ko.
Lahat nalang ng napapalapit sa akin iniiwan ako.
Kaya natatakot na akong sumugal at magtiwala.
Natatakot na akong magpahalaga.

Sa Sapilitan mong pag alis, madaming alaala mo ang naiwan.
Hinding hindi ko ito itatapon.
Hinding hindi ko itatapon ang alala kung saan tayo nagsimula at kung saan tayo nagtapos.
Sandali, san nga ba tayo nagtapos?
Para pala sayo, tapos na.
Sa akin hindi pa.
Hindi ko na din alam kung babalik ka pa.
Basta ako dito muna ako ha?
Itutuon ko muna yung sarili ko sa iba.
Itatabi lang kita pero hindi kita bibitawan.
Hihintayin ko pa din yung dahilan kung bakit nagawa mo akong iwan.
Nandito lang ako pangako.
Sa ngayon, ako muna'y magpapaalam. Salamat sa mga alaala na iyong naiwan.
Hindi ko pa rin aalisin sa aking isipan ang lahat ng bakit.
Ito lang ang huli kong masasabi, ikaw ang paborito kong sakit.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon