"Everything I Know Is Loving You."
"Bakit mahal kita? Bakit mahal kita? Bakit ba minahal kita...? Ang tanga tanga ko, grabe ang tanga ko talaga."
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Umiyak ako nang umiyak, wala akong pakialam kung magmukha akong sira ulo na nagsasalitang mag-isa habang umiiyak.
As if maririnig ni Arix ang mga sinasabi ko. He let me go, hindi ko ineexpect na gagawin niya iyon. Sanay kasi akong lagi niya akong pinipigilan.
Ito ako ngayon, papunta kay Renz, walang Arix na nagagalit. Walang Arix na halos pumatay dahil ayaw niyang lumalapit ako sa iba. Walang Arix na nagwawala at sumisigaw sa akin. Wala nang Arix at siguro'y papunta na siya kay Meagan ngayon.
Hindi totoo ang sinabi niyang hindi niya kayang mabuhay nang wala ako. Dahil kung totoo iyon dapat hindi niya hinayaang umalis ako. Sino ka ba naman Cj? Asa ka pa talaga?
Ngayon pa ba na may Meagan na siya?
Compose yourself Cj, utos ko sa sarili ko. Mabubuhay ka kahit wala siya. Pinahid ko ang aking mga luha. Ayaw kong makita ng pamilya ni Renz na umiiyak ako.
Tatawagan ko si Renz para sunduin ako nang biglang may kumuha ng cellphone sa kamay ko.
Si Arix.
"Where do you think you're going? Akala mo ba papayag ako na iwanan mo ko?" Hindi siya galit. Napakababa pa nga ng boses niya na parang maiiyak.
Humarap siya sa akin, pinunasan niya ang mga luha ko sa mata. Tapos hinawakan niya ang magkabila kong mukha. Namalayan ko na lang na nakalapat na ang labi niya sa labi ko.
"Akala mo ba hindi ko narinig na sinabi mong mahal mo ko? Gusto ko lang ulitin mo sa akin, gusto ko lang na marinig ulit iyon. I'm so stupid na pinayagan kitang bumaba ka ng car at iwanan ako, I'm so gago na natakot akong baka mali ako nang narinig. I waited for you na ipaglaban mo ko. I expect na di ka papayag na pumunta ako kay Meagan, pero I was wrong. Mas gugustuhin mo pang lumayo sa akin kesa ipaglaban mo ang feelings mo sa akin. Maybe, I love you more than you love me, baka nga you don't love me the way I love you. "Tuloy lang sa pagpunas ng luha ko si Arix. Hawak pa rin niya ang mukha ko. "Mahal na mahal kita, I love you so much Cejs...ang alam ko lang ay ang mahalin ka. I won't allow you to go away from me, akin ka lang habang buhay ko." Arix cried na habang sinasabi ito sa akin.
I was shocked. Ito na iyong matagal ko nang gustong marinig, ang sabihin niyang mahal niya ako.
Akin ka lang habang buhay ko! Sa kanya lang ako habang buhay niya? Naiyak lalo ako.
Naguilty ako, tama ang lahat nang sinabi ni Arix.
"Sorry...sorry...sorry," umiiyak kong sabi. That's all I can say. Ako naman ang nagpunas ng luha niya.
"Ssshhh..." Arix hugged me. "Just say it again na you love me too, Cejs. Let me hear it please." Bulong niya sa akin.
"I love you..." I whispered.
Arix hugged me tightly. Inakap ko din siya nang mahigpit. "Come...we'll go somewhere." Inaya ako ni Arix pabalik sa Ferrari niya.
He fastened my seatbelt, then he stares at me, matagal. Sa mga mata ko mismo. Ang sarap sa pakiramdam, kita ko sa mukha nya na masaya siya. Then he kissed me. "You ready?" Tanong niya.
I nodded..."Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Huwag naman sanang dadalahin niya ako kay Meagan. Ayaw ko.
"Don't worry, I will take care of you, now and forever." Nagdrive na si Arix. Madalas sumusulyap siya sa akin, ngingiti nang ubod nang tamis. Kapag nakastop kami dahil sa traffic ay hindi pwedeng hindi niya hahawakan ang kamay ko o kaya ay hahalikan niya ako sa lips.
"Hey, ang OA mo masyado." Sita ko sa kanya pagkatapos niya akong halikan.
Lalo niya akong pinupog ng halik, maigi na lang at nag go na ang traffic lights nabaling ang atensyon niya as pagda drive.
Dumaan mo na kami sa Rustans supermarket. Naggrocery sya. Hindi na ako nagtanong pa kung para saan ang mga pinamili niya.
Saglit lang at bumalik na kami sa Ferrari niya.
"Tinawagan ko na si nurse Beth, sabi ko samahan nila ni Elena si Mama ngayon. Nagpaalam na ako kay Mama na may lakad tayo ngayon at hindi tayo makakauwe ngayong gabi." Sabi ni Arix habang nagdadrive. Nasa papasok na kami ng BGC. "Instructions ko kay Elena kapag may emergencies tawagan nila tayo kaagad."
"Mag-oovernight tayo? Saan ba talaga tayo pupunta." I asked.
Ngumiti si Arix sa akin. Lalo lamang siyang gumwapo. "Gusto kitang makasama, gusto kitang masolo." Hinaplos niya ang ang aking pisnge.
Pumasok ang kotse ni Arix sa parking area ng isang napakamodernong building sa BGC. Tumigil lamang ito pagdating sa level 9 ng parking area. Ipinark niya ang kotse. Siya ang nagtanggal ng seatbelt ko, ninakawan pa muna niya ako ng halik. Mabilis din siyang bumaba ng kotse at ipinagbukas ako ng pintuan.
Bitbit ni Arix ang mga pinamili niya sa Rustans supermarket, ayaw niya akong patulunging magbuhat. Sumaludo kay Arix ang nakasalubong naming security guard. Mukhang kilalang kilala siya dito.
Naglakad kami hanggang sa marating namin ang elevator. Wala akong masabi, napakaganda at napakamoderno ng building. Sigurado akong mayayaman lamang ang nakakapasok dito. Pinindot ni Arix ang 43rd floor. Napahinga ako ng malakas, grabe ganuon kataas ang pupuntahan namin. Kung tutuosin nga hanggang 67 floors ang building na ito.
"Hey..." agaw ni Arix sa atensyon ko. He kissed me again. Bahala siya, siya naman ang mapapagod sa kahahalik sa akin.
Huminto ang elevetor sa 43rd floor. Bumukas ang pinto ang bumungad sa mata ko ang napakamodernong pasilyo. May magarang dekorasyon sa buong paligid. Binuksan ni Arix ang pinto gamit ang number combinations at finger print niya. Pumasok kami sa napakagandang kwarto. Napakamoderno ng lahat ng gamit dito. At higit sa lahat napakalawak nito.
"I'm sure your family own this..." sabi ko kay Arix.
"Nope..." sagot niya. "We own this. Nakapangalan sayo ang property na 'to. I bought this for us." Sabi ni Arix. Busy na siya sa pag-aayos ng mga ginrocery niya.
"You're joking..." sabi ko.
"Of course not." sagot niya. Naghihiwa na siya ng kamatis this time.
Ano bang sasabihin ko? Sa looks ni Arix mukhang hindi nga siya nagjojoke. Knowing him, malamang gagawin niya talaga kapag sinabi niya.
"What are you thinking nang binili mo ito at ipinangalan sa akin?" Lumapit ako sa kanya. Tumulong ako sa ginagawa niya. Binalatan ko ang isang white onion. "As if tatanggapin ko ito." Ayaw kong tingnan si Arix, I know nakatingin siya sa akin.
"Cejs...this is ours. This is our place. Kung papayag si Mama we will live here. Gusto ko dito tayo bumuo ng magagandang memories. We will fill this place with love and happines, tayong dalawa, kasama si Mama. Wala akong gagawin kung hindi ang mahalin ka. Iyon lang ang alam ko Cejs...everything I know is loving you. I love you." Sabi ni Arix. Iniwan niya ang ginagawa niya. He hugged me from my behind...inakap niya ako nang napakahigpit. Ramdam na ramdam ko ang heartbeat niya.
"Arix...I'm sure hindi papayag ang pamilya mo kung ano man ang tungkol sa atin. How about Meagan? Ayaw kong mabuhay sa ilusyon. Huwag mo akong ilagay sa lugar na puros panaginip lang. Maging praktikal tayo." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Lumuwag ang akap ni Arix sa akin.
to be continued:
Unedited
Written by: mikzylove

BINABASA MO ANG
HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed) UNDER MAJOR REVISON
Romance(Completed Story) "How Much? I Love You." Best friend ko si Arix... Pero hindi lang iyon...customer ko din siya sa kama... Ang masakit mahal ko siya...higit sa pagiging best friend ko...mahal ko siya kung alam mo ang ibig-sabihin ko sa salitang maha...