~*~
Katabi lang ng simabahan ang Rizal Shrine o bahay ni Rizal sa Calmaba Laguna kaya dinala ko muna siya doon.
Hinawakan niya ang kamay ko at bigla siyang kumanta.
"Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan...hmmmmm... sinasamsam bawat gunita."
Napapangiti lang ako sa ginagawa niya habang naglilibot kami sa loob ng Rizal Shrine at nagseselfie.
Mahilig ako magselfie.Hindi ako pumapayag na hindi kami nagseselfie. I just want to treasure those moments with him.
"Daddy ano nga iyong kinakanta mo kanina." Tanong ko sa kanya nang makaupo na kami sa bench.
Napangiti siya. "Ah hindi ko alam ang title eh. Narinig ko lang sa radio at nagandahan ako sa lyrics."
"Ah sige ako na ang bahala magsearch." Bigla ako naging interesado sa kanta kasi kanta niya sa akin iyon.
"Mommy alam mo ba na" napatingin ako sa kanya at napansing seryoso siya.
"Simple lang iyong buhay na pangarap ko, simpleng pamumuhay lang sa probinsya. Iniisip ko na baka hindi mo makayanan ang buhay na maibibigay ko sa iyo." Panimula niya.
Alam ko na seryoso siya sa sinasabi niya. Nakikinig lang ako sa kanya. Ayoko muna magreact sa sinasabi niya. Hinahayaan ko muna siyang magsalita. Hinawakan ko na lang ang mga kamay niya.
"Wala akong maipagmamalaki sa iyo, kaunting kabuhayan lang ang mayroon ako sa probinsya."
At sa totoo lang, physically at emotionally ay handa na kitang pakasalan." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Pero Mommy financially ay hindi pa ako handa." Biglang lumungkot ang boses niya sa huling sinabi niya.
"Nakakatakot ka namang maging seryoso. hahaha!" Biro ko sa kanya.
"Oh ngayong seryoso ako natatakot ka. Kapag maloko ako naiinis ka naman. Seryosong usapan na ngani ay!"
"Simple lang rin naman ako Daddy, mahal kita kaya kung ano man ang maibibigay mo ay tatanggapin ko, hindi ako naghahangad ng ano man, basta kasama kita kuntento na ako doon. Marunong akong makuntento at hindi mapaghanap." Paliwanag ko sa kanya at iyon ang nararamdaman ko.
"Gusto ko sa probinsya tayo titira, may bahay naman na doon at wala namang balak tumira mga kapatid ko doon, kaso ang trabaho mo ay nandito sa Laguna."
"Kung gusto mo doon tayo ay payag naman ako, pwede naman ako magpalipat ng School eh 'yon nga lang after two years pa kasi kailangan maka five years muna ako bago magpalipat sa iba. Almost two years na lang naman."
NAPAG-UUSAPAN na namin ang kasal dati pa man. Open na kami sa ganoong bagay. Dahil ako ramdam ko na siya na nga, siya na ang ibinigay ni Lord sa akin na makakasama ko habang buhay.
Mula nang dumating siya ulit sa buhay ko nagsimula akong nangarap na magkakaroon ng sariling pamilya. Biglang sumagi sa isip ko ang pag-aasawa na dati ay wala sa bokabularyo ko.
"Basta Daddy magtiwala ka sa akin na handa ako kung anuman 'yong sinasabi mong kaya mong maibigay na uri ng buhay sa akin."
Niyakap niya ako at muling hinagkan sa noo.
What a sweet gesture!
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
No Ficción"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...