~*~
MADILIM na nang makauwi kami. Sa simbahan, Rizal Shrine at sa SM Calamba lang kami nagpunta. Inihatid na muna niya ako sa bahay bago magpunta sa tropa niya na kanina pa siya hinihintay kaya panay na ang tawag at text sa kanya.
Nagpaalam na siya kay mother at umalis na. Nakakalungkot na saglit na oras ko lang siya nakasama. Ayaw naman niya akong isama sa pupuntahan niya dahil puro lalake ang nandoon sa tropa niya. Nagpunta rin kasi ang ilan sa tropa niya nang malamang pupunta siya ng Laguna.
Kinaumagahan bago ako pumasok at sa Cabuyao rin naman ako pupunta dahil doon ang trabaho ko ay hinitay ko siya para makita at makapagpaalam bago siya umuwing Taytay.
"Ihahatid na muna kita sa sakayan ng Bus pa Maynila."
"Madaling araw na kami nakatapos mag-inuman ng tropa kagabi Mommy. Kulang pa ako sa tulog."
"Kaya magpahinga ka pagkauwi mo ha."
Pasakay na sana siya ng bus. "Huwag ka na mag goodbye kiss Mom." Natawa siya nang mahina. "Baka sabihin ng mga tao na si Mam hinalikan 'yong mama." Hindi rin naman ako mag-kikiss sa kanya kasi naka uniform na ako.
"Ingat Daddy ko ha." Text ko agad sa kanya. "Miss na kita agad, parang gusto ko sumama sa iyo kanina."
"Miss na rin kita agad Mommy. Gusto na nga kita iuwi eh, kaso may pasok ka na."
Pareho pala kami ng nararamdaman. Kung pwedeng huwag na muna maghiwalay ay gagawin namin.
Mahal na mahal na namin ang isa't isa. Masaya ang paligid. Nakakagoodvibes. Hindi niya ako binibigyan ng ikasasama ng loob ko. Maalaga siya at maalalahanin.
Nakakaganda ang laging masaya at laging nakangiti.
Hindi naman siya mahirap mahalin, hindi man siya madalas magsabi ng "I Love You" dahil katwiran niya mas gusto niyang ipinaparamdam na lang kesa sa sinasabi. Isang realistic na bagay at sa isang lalake.
JULY 30, 2016 ANG UNANG beses na nagpunta ako sa kanila sa Taytay. Dahil nakapunta na siya sa bahay kaya sabi ko ako naman ang pupunta sa kanya. Sunday ng hapon ako nagpunta dahil rest day niya ng araw na iyon. At night shift naman siya kinaumagahan at hindi naman ako papasok kaya makaksama ko siya ng isang gabi at dalawang araw.
Nagkita kami sa may Jollibee dahil doon ko na siya hinintay. Halata ko sa kanya na nakainom na siya dahil namumula ang pisngi at iba ang pagiging makulit niya pero hindi naman daw siya lasing. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami sa kanila.
Ako naman ang tipong kabado kasi mamemeet ko ang kapatid niya at kanyang kuya.
Walang tao sa kanila pagkarating namin. Ang pinsan niya ay nasa trabaho pa at ang kapatid naman niya ay nasa kabilang bahay doon sa kuya niya.
Awkward moment. Tahimik lang ako nang dumating na mga kasama niya sa bahay. Nakikiramdam. Nagkakahiyaan. Mam ang tawag nila sa akin. Dahil alam naman nila kung ano ang trabaho ko.
Mahiyain naman kasi talaga ako lalo na kung unang beses na makikilala ang isang tao.
"Mahiyain ka pala Mommy ha." Pang-aasar niya dahil tahimik lang ako.
Kaming dalawa na lang ulit sa bahay dahil umalis ang mga kasama niya.
"Daddy bihis muna ako." Paalam ko sa kanya.
"Isinara niya ang pinto sa kuwarto."
"Sa CR ako magbibihis Daddy." Sabi ko sa kanya noong makita ko na isinara niya ang pintuan.
"Dito na mommy sa kwarto." Nakasilay ang pilyo niyang ngiti.
"Okay. Pero lumabas ka muna." Naiilang lang ako kasi nasa ibang lugar kami at alam kong may iba siyang kasama. Awkward kumbaga.
Ayaw niya lumabas at nakasandal lang siya sa pinto at nakatingin sa akin. Tumalikod na lang ako at nagpalit ng damit.
Bago ko pa mahubad ang blouse ko ay bigla na siyang yumakap sa likuran ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa batok ko.
Napaharap ako sa kanya para sawayin pero hindi pa ako nakakapagsalita ay sinakop na agad ng labi niya ang mga labi ko.
Halik na may pagkasabik sa isa't isa.
Natatawa akong itinulak siya dahil baka maabutan kami.Sinaway ko na lang siya bigla at pinalabas na.
Natatawa lang siyang lumabas ng kwarto sakto naman an dumating kapatid niya mabuti na lang at pinalabas ko na siya kundi ay iisipin nuon na may ginagawa kami at may ginagawa nga naman kasi kami talaga.
Adik lang. Sabik lang kasi kami sa isa't isa!
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Документальная проза"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...