~*~
NAG-INUMAN silang magkakapatid habang ako ay nasa kwarto at nakabukas ang pinto para makanuod ng t.v.
Nakikinig lang sa usapan nila. Medyo inaantok na pati at naghihikab kaya nang makita niya ako ay itinigil na nila ang pag-iinom at nagpahinga na kami.
Ipinaglatag niya ako at nagkabit siya ng kulambo.
Magkatabi na kaming nakahiga at magkayakap at nakikinig ng musics.
Pinapakinggan namin ang kanta na kinanta niya sa akin noong nasa Rizal Shrine kami. Inalam ko talaga kung ano ang title ng kantang iyo.
Ipinagtanong-tanong ko pa sa mga estudyante kung alam nila at nang banggitin nila yung title ay napangiti ako.
Naisip ko na pati title ng kanta ay umaayon sa sitwasyon namin.
Magkayakap kami habang pinapakinggan ang kantang alay niya sa akin
"Kay Tagal Kitang Hinintay" by Sponge Cola
Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupaTapos na ang paghihintay nandito ka na't
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y di na tatandaLigaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labiParang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewalaNagkita rin ang ating landas wala ng iba
Akong hinihiling kundi ika'y pagmasdan
Mundo ko ay yong niyanig
Oh anung ligayang ika'y sumama sa akin
Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinigParang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewalaPanatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Ligaya noo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labiParang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang dati ay balewala...Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Kay tagal kitang hinintayNaramdaman ko na humihigpit ang mga yakap niya na tila ipinapadama sa akin ang lyrics ng kanta.
Oonga naman, dati ay balewala pero heto kami ngayon at magkasama. Walang pagsidlan ang galak at tuwa.
SA PAGTIGIL ko sa kanila ng araw na iyon at nakasama ko siya ng mas mahabang oras ay nakikilala ko siya lalo. Mga ugali niya na malakas siyang mang-asar na kung minsan ay naasar talaga ako kaya pagtatawanan na niya ako kapag nakabusangot na.
Kapag pinagtawanan na niya ako aamuin na niya ako. Bagay na nawawala na agad ang inis ko.
Sinusubukan ko rin siyang asarin at kapag nainis ko na siya ay pagtatawanan ko rin siya dahil nakaganti ako. Naiinis talaga siya kaya idinadaan ko sa biro na nakaganti rin ako sa kanya kaya matatawa na rin siya na gumaganti raw pala ako.
Ayaw rin niya sa mga taong tsismosa, ayaw niya ng pinag-uusapan siya kaya nga ayaw niya na nagpopst ako ng pictures namin sa Facebook kaya noonng sinabi ko na ginawa kong cover photo ang picture namin ay ipinabura nya kaagad.
"Hindi natin alam takbo ng utak ng mga taong makakakita na ako ang bf mo. Pinoprotektahan lang kita. Ayoko na may manggulo sayo lalo na ang ex ko." Paliwanag niya dahil nagtampo ako na pinagbawalan niya akong magpost sa Facebook.
Kaya ko lang naman gustong magpost ng pitures namin ay para tigilan ako ng kung sino-sinong gustong manligaw.
At dahil sa pagtatampo ko sa kanya noon ay –in unfriend ko siya sa Facebook para hindi na niya makita kung ano ang mga naipopost ko pero hindi naman kasi ako mahilig magpost talaga eh.
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay ipinakuwento ko sa kanya ang nakaraan niya sa ex niya, sa nanay ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...