Chapter 22

482 116 9
                                    

~*~

"Kain na tayo Daddy, masarap ang tinola na niluto ni Ian oh." Aya ko sa kanya para malaman niyang hindi na ako naiinis.

Naisip ko na nagse-self pity ang Daddy ko. "NAAALANGAN" sa isang salitang iyan ay marami ang ibig-ipakahulugan.

At dahil sa natuklasan ko na ganoon na pala ang nararamdaman niya ay nagsimula ang madalas naming pagkakatampuhan.

Pauwi na ako at bago ako umuwi ay nagkaroon na naman kami ng seryosong usapan.

"Mommy busy ka diba ng buong buwan ng August, mauuna na ako umuwi ah kapag hindi ko na kinaya hanggang katapusan."

"Sige okay lang sa akin, mula next week end busy na ako tuwing week end. Ngayong August lang naman dahil sa program namin sa School."

"Susunduin na lang kita sa first week ng September."

Umupo ako sa mga hita niya at yumakap. Nag-uusap kami habang nakayakap ako sa kanya.

Nalungkot kasi ako bigla na malapit na siyang umuwi sa probinsya.Mas malayo sa akin. Hindi agad kami magkikita kapag gusto ko siya Makita.

Ito na pala ang huling punta ko sa Taytay dahil aalis na siya.

Kalungkot.

Pero kailangan niyang umalis muna at umuwi sa probinsiya kaya tiis-tiis na lang muna.

"Kahit naman na andoon ka na makikipagtext ka pa rin sa akin ha."

"oo naman mom."

MULA ng umuwi na ako galing sa kanila ay napansin ko na may pagbabago sa pakikitungo sa akin si Jasper.

Hindi na siya madalas makipagtext sa akin. Hindi ko na rin siya natatawagan.

Kaya nagsalita na ako na may nagbago sa kanya.

"Daddy bakit may nagbago ata sa iyo? Parang umiiwas ka na?"

"Wala naman nagbago sa akin mom. Mahina lang signal dito sa bahay malakas kasi lagi ulan."

Naniwala ako sa katwiran niya kasi totoo naman iyon dahil kapag naandoon ako ay walang signal kapag malakas ang ulan.

"Hindi ka ba proud sa akin daddy?nahihiya ka ba na isama mo ako sa inyo?" Sabi ko sa kanya dahil yung pakiramdam ko nuon na nahihiya ata siya.

"Mom, huwag mo iisiping hindi ako proud sa iyo.Hindi ko man ipinapahalata pero proud ako sa iyo. Gaya nga ng sabi ko matutuwa sina mama kapag isinama na kita sa amin."

"Okay daddy.Pasensya na sa akin. I love you."

"Tumawag nga ako sa kanila Mom.Sabi ko pauwi na ang pogi nilang anak at may kasama."

"Ah nasabi mo na pala na isasama mo ako."

"Oo, kilala ka naman ni mama eh."

"Ha?paanong kilala?"

"gawa noong dati sino daw ba yung babae n Nging dahilan ng pagkakaguidance ko.heheh"

"Ah alam pala ni mama mo yung nakaraan natin noon."

"Oo mom."

"hehe.okay daddy.Sige klase na muna ako."

PANGALAWANG LINGGO ng August nang umuwi na siya sa kanila.Kahit may sakit pa siya ay umuwi na siya.

"daddy kahit anjan kana ha itetext mo pa rin ako ha kahit isa o dalawang beses lang."

"Oo naman mom."

"Anong sabi nila nung dumating ka an hindi mo ako kasama?"

"Sabi ko nagbago isip ko."

"Ha?Ang sama mo."

"Hahaha.Sabi ko busy ka pa ai."

"Kelan balik mo dito?"

"Kararating ko lang dito pababalikin mo na ako agad diyan.hahaha."

"Aba nagtatanong lang eh.Pagaling ka diyan at halatang masama pa pakiramdam mo dahil sa boses mo."

Namimiss ko na kaagad siya. Ang hirap pala ng ganito, paano pa kaya kapag nasa ibang bansa na siya.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon