Chapter 24

464 111 7
                                    

~*~

Hindi ko muna pinuntahan o ginising si Jasper na natutulog pa raw. Hinanap ko muna si Mama nila.

Sumunod ako kay Meryl na nauna ng naglakad at ipinakilala niya muna ako sa Mama nila na kasalukuyang nagpapakain ng mga alaga nilang baboy.

"Good morning po." Bati ko sa Mama nila na nakangiti sa akin at nag mano ako bilang paggalang.

"Maigi at nakarating ka na dito." Sabi ng mama niya na hindi pa rin inaalis ang pagkakangiti sa akin kaya naman nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Opo after 12 years nakabalik na ulit dito sa Marinduque. Salamat po sa pagpayag na pumunta po ako dito." Medyo nahihiya ko pang sabi.

"Wala iyon, ikaw naman ay welcome na welcome dito sa akim. Ah Meryl asan na ba si Kuya mo?Gisingin mo na."

"Puntahan ko po muna si Jasper." Paalam ko at sumunod ako kay Meryl na nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Tatawagin ko sana siya para sabihing ako na ang gigising kay Jasper.

Gusto ko sanang pagmasdan muna siya habang natutulog at gigisingin ko siya sa mga halik ko kaso si Meryl naabutan ko siya sa pinto ng kwarto ni Jasper na tinatawag na niya ito.

"Kuya may bisita ka. Gising na kuya. Nandito ang  chicks mo." Pagkasabi ni Meryl ng ganoon ay kumindat pa siya sa akin na parang ipinapahiwatig na ako na ang bahala sa kuya niya at lumabas na siya ng bahay.

Nakatingin ako sa pintuan ng kwarto niya na bahagyang nakaawang kaya naaninag ko siya sa kurtinang na nasa pinto at nakita kong nakahiga pa siya pero gising na dahil hawak niya ang cellphone niya.

Baka nabasa na niya ang mga mahiwaga kong text! Pamisteryoso rin kasi ang mga text ko sa kanya na nagbibigay clue kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ko sa kanya.

"Daddy! Bangon ka na dyan, magkape na tayo." Tinawag ko na siya at nakita kong bumangon na siya sa pagkakahiga.

Lumabas na si Jasper at pupungas-pungas pa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko baka kasi magalit siya sa akin na nagpunta ako nang hindi nagsasabi sa kanya kaya hindi ako makatingin sa kanya nang deretso.

"Oh Mam. Nandito ka! Nananaginip ba ako?" bungad niya nang makita ako sa labas ng pintuan.

"Paano mo nalaman itong bahay namin? Ginalugad mo talaga ha. Nag-google map ka ba."

Sunod-sunod niyang tanong habang naghihilamos at halatang nagulat ko nga siya.

"Sabi ko naman sa iyo kagabi na may bagay akong gagawin at ngayon ko lang sasabihin." Matalinhaga ko na lang na sabi sa kanya dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung sino ang kasabwat ko dahil ayoko rin na mapagalitan niya ang kapatid niya. Bugnutin kasi siya 'yon ang nadiscover ko sa ugali niya na kapag may ayaw siya sa isang bagay ay ipinapakita niya talaga na hindi niya gusto at naiinis talaga siya.

Ipinagtimpla niya ako ng kape. "Iwan na muna kita dito ah mag-iigib lang muna ako dahil walang tulo ang gripo dito." Paalam niya matapos naming magkape at kinha na ang mga timbang nakatambak sa kusina.

"Sama ako. Tulungan kita mag-igib" Sabi ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas na parang nang-aasar pa. "Huwag na baka hindi ka lalo lumaki niyan. Diyan ka na lang muna babalik rin naman ako. Malapit lang naman ang pag-iigiban ko diyan lang sa may sapa."

Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin habang papalayo siya.

"Namayat ata ang Daddy ko ah! Dapat nga mas maging hiyang siya dito dahil malinis at sariwa ang hangin dito."

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon