"Daddy ipasyal mo ako sa polo," paglalambing ko sa kanya. Isla iyon at mamamngka kami papunta doon. "Mamayang hapon pa naman ang uwi ko eh.
"Sige mom.ihahanda ko lang yung Bangka.."
Inaya ko siya doon para makausap ko siya. Isang oras kami sa Bangka at hindi nag-uusap. Maingay kasi ang tunog ng motor.. Bangkang de motor kasi gamit naming saka nawiwili ako pagmasdan ang kulay berdeng tubig sa ilog at lalo akong namangha nang marating naming ang dagat.
Nakarating kami sa destinasyon naming. Gusto ko sanang maglangoy kaso ayaw niya. Kaya nagbabad na lang ako sa tubig.
Nagpunta ako sa ilalim ng mga malalgong halaman sa pampang para magpalilim at maupo.Lumapit siya at doon na kami nagsimulang magkuwentuhan.
Hindi ko na siya nagawang tanungin kung bakit ganun na wala na siyang oras sa akin. Sapat na ang nakita kong ginagawa niya sa kanila at sapat na naiparamdam niya sa akin na mahal niya ako at namiss niya rin ako.
Pagkauwi namin ay kumain na kami ng tanghalian at natulog na ako ulit. Puro ako tulog ang sarap kasi matulog dahil akhit tanghaling tapat ay malamig ang hangin.
Nagising ako at naggayak na para umuwi na. Inihatid niya ako sa sakayan ng jeep papuntang pier.
"Kung makakabalik ka sana next week ay balik ka dito ha. Birthday ni Jamjam." Sabin ni mama nung nagpapaalam na ako para umalis. Si jamjam ay ang mag one year old baby na apo niya na anak ng classmate ko nung high school.
"Kung pwede lang po babalik ako kaso po alanganing araw po hindi po ako basta-basta makakapag-leave sa work."
Nagselfie muna kami ni mama para sa remembrance.Nagpaalam na ako at hinatid ako ni Jasper sa bayan sa sakayan ng van papuntang pier.Kasama naming si Meryl.
Nagselfie kami ni Meryl. Mahilig din kasi siya gaya ko na magselfie.
Pagkadating namin sa bayan ay wala na ang van at buka sn aulit ang byahe, mabuti na lang may alam si Meryl na ibang sakayan papuntang pier kaya naghintay pa kami ng mahigit 30 mins.
Habang naghihintay nag online ako sa FB dahil malakas ang signal doon. Pagtingin ko sa notification ko ay nakatag pala ako sa post ni Meryl na pictures namin.
"Nice meeting you Ms. Cassey. Welcome to the Fam. #Bro'sPoreber (with pictures naming dalawa at nasa likod pala si Jasper at kasama naming sa selfie.
"Hahaha. Nagpost ka pala."Natatawa kong sabi sa kanya. Nagpost rin ako na naka-tag sa kanya.
"Ang aking kasabwat para sa surprise kuno. (with picture naming dalawa)"
"Ate nagpost ka na rin pala ng pics natin."
"Oo huwag ka na lang maingay sa kuya mo.hahaha. Hindi nya alam na kasama siya sa picture."
Si Jasper kasi ay ayaw na nagpopost ako ng picture niya o picture namin sa FB dahil ayaw niya may manira sa akin. Pinoprotektahan niya lang daw ako. Tinutukoy niya ay ang nanay ng anak niya na baka raw ako eskandaluhin.Well, I got his point naman. Kaya in-unfriend ko na siya sa FB para iwas gulo. Hindi kami friends sa FB.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Literatura faktu"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...