Chapter 26

458 112 9
                                    

MALUNGKOT na magkakalayo na naman kami.Kung pwede lang na huwag na ako umuwi ay hindi ako uuwi.

Hindi bale dahil nangako naman ako na sa sembreak sa October ay babalik ako at mas magtatagal ang pagbabakasyon ko sa kanila.

BALIK TRABAHO na ako pagkauwi at balik normal na naman ang buhay. Balik sa dating mukha ng relasyon naming na LDR.

ANG hindi niya pakikipagtext sa akin ay lalong lumala.

Kaya tinanong ko na siya kung bakit. Kung ayaw na ba niya sa akin ay sabihin niya lang para makamove on ako agad.

"Mom. May bagay lang siguro akong gustong gawin pero hindi ko alam kung ano. Sana maintindihan mo ako." Huling text niya sa akin noong September. Mula noon ay hindi na siya nagtext pa.

Kapag naman natitiyempuhan ko na makausap ko siya sa phone madalas siyang nagmamadali na may gagawin pa raw. Halatang umiiwas.

Si Meryl ang lagi kong katext at nakikibalita sa kuya niya.

Madalas koi stalk ang FB ni Jasper at in-add ko ang iba niyang kapatid.

Erica Eriza accepted your friend request. Nabasa ko sa notif ko at na-accept ako ng ate ni Jasper.

"Natuloy ka ba umuwi sa probinsya" with Jerick De Vera .Nabasa ko ang post ni Ate Erica na nagtatanong kay Jerick kung nakauwe na dahil birthday na ni Jamjam bukas.

Kaya nag message ako. "Hi po ate. Nakauwe na po si Jerick, katext ko po sya kanina na nasa probinsya na raw siya."

"Ah ganun ba. ANo ka ni Jerick?"

"Ako nga po pala si Cassey, GF po ni Jasper. :-)"

"Ah,ikaw pala yung sinasabi nila. :-)"

"Opo ako nga po. Pasensya nap o feeling close po para hindi na mahiya kapag po nagkita po tayo.kaya sinagot ko post nyo dahil malamang po hindi na makakareply si Jerick dahil walang signal doon."

"Ah wala iyon. Bawal mahiya kaya huwag ka mahiya."

Mula noon ay madalas ko n aka-chat si Ate Erica. Marami rin siyang kuwento tungkol kay Jasper. Lahat ng mga naikuwento ni mama ay naikuwento niya rin.

Ipinakikilala talaga nila sa akin ang kapatid nila. Pansin ko lang naman. Binibuild up kumbaga.

"Nakatawag na ako kina mama. Nabanggit nga na umuwi ka pala doon at hihintayin ka raw nila sa sembreak." Message ni ate sa akin.

"Opo ate, sabi ko po kasi na babalik po ako sa sembreak para mas mahaba ang pagbabakasyon. Biglaan lang po kasi yung pag-uwi ko nun doon.

"Nabanggit nga ni mama na napansin niya daw kay jasper noon nasa Taytay pa ay halatang masaya. Ikaw pala ang dahilan bakit siya masaya na ngayon."

"hahaha. Sana nga po maging masaya po siya sa akin."

"Kayo ay magplano na at hindi naman na kayo mga bata."

"Naku ate naghihintay lang naman po ako kay Jasper eh. Depende po sa plano niya."

Isa sa usapan naming iyan ni Ate. Nakakatuwa lang na magaan din ang loob ko sa kanya at ramdam ko na suportado niya kami ni jasper. Yung pakiramdam na tanggap nila ako para kay jasper.

Pero kami ni Jasper ganoon pa rin ang sitwasyon. Hayy naku..

Napapaisip na nga ako minsan na baka ayaw na niya sa akin kaya ganoon.

Always prayer na nga ako at kinukulit si Lord kung bakit ganoon na si Jasper.

Humihingi ako madalas ng sign o sagot sa mga tanong ko.

Sabi ko "Lord kung ano po ang unang post na mabasa ko po sa Fb ay iyon ang sagot nyo sa tanong ko."

Kaya madalas excited ako magising para alamin ano una ko mababasa sa FB.

"Hindi naman sa hindi ka niya mahal, baka nag-iipon lang siya para sa future." OMG! Is it a coincidence? O ito na yung sign o sagot na hinihingi k okay Lord?

Biruin mo, akma sa tanong ko kung mahal pa ba ako ni Jasper.

Kaya naman nagpapaka-positive na lang ako.

Pero hindi ko maiwasan minsan na malungkot.

GIGISING ako sa umaga na walang gana dahil araw-araw akong umaasa na sana ay nagtext siya. Tanghali na ako nagigising para pagkagising ko ay abla na agad ako sa trabaho. Pero kahit nagpapakabusy ako hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-ano.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon