Dumating ang unang araw ng sembreak pero kaming mga guro ay may tatlong araw pa na seminar bago magbakasyon kaya limang araw lang ang magiging bakasyon ko kaya sisiguraduhin ko na susulitin ko iyon.
"hi Daddy.Morning. 4 days to go magkikita na ulit tayo." Text ko sa kanya,
Araw-araw ako nagtetext ng countdown sa kanya. Pinaparamdam ko na excited ako sa pag-uwi ko.
"Nyt na Daddy, feeling excited. Isang tulog na lang magkikita na tayo. Sana excited ka rin makita at makasama ako. Sunduin mo ako sa bayan ha.Hihintayin kita sa may simbahan. Payakap ako ng marami Daddy ha,miss na miss na kita." Laman ng text ko sa kanya at oo nagpapasundo ako kahit hindi siya nagrereply kung masusundo niya nga ako. Baliw lang diba. Nagbabakasakali lang naman na magtext siya. Still hoping. :-D
"Yung nauna ka pang nagising kesa sa alarm clock mo. Feeling excited." Post ko sa Facebook.
May mga nagcomment na anong meron daw. Mga tsismoso lang ano? Well social media eh. Makikiusyoso nga naman sa nangyayari sa buhay mo.
Niloadan ko ang cellphone ni Jasper,just to make sure na may load siya pangtext.
"Daddy, nasa biyahe na ako. Bukas na ang dating ko dyan.Sunduin mo ako ah."
Pagkatext ko sa kanya ay itinago ko na sa bag ang cellphone ko.
Nag-iba ako ng ruta ng daan papuntang Lucena. Alam kong matrapik na masyado sa Batanggas kaya nag San Pablo ako para doon na sumakay ng bus at walang traffic kaya after two hours nakasakay na ako ng Bus papuntang Lucena na may mahigit na apat na oras naman nag byahe bago makarating doon.
Kinuha ko ang cellphones ko sa bag para mag-online sa Facebook.
"Pasensya na maraming gawa kaya walang oras humawak ng cp. Maraming pasahero ngayon.Mag-ingat ka ha." Text niya. Oo, text niya nga..after isang dekada nagtext siya.
"Ah ganun ba. Opo mag-iingat po ako.Sige off ko muna cp ko."
"Sige update mo na lang ako kung asan ka na.Tingnan ko kung masusundo kita bukas."
HINDI siya nagsabi kung masusundo niya ako. Titingnan pa niya. Marami nga naman siyang ginagawa dahil siya lang mag-isa sa kanila at siya lang nag-aasikaso sa mga alaga nilang baboy.
Around 10:30 p.m. na ako nakarating ng Dalahican Pier sa Lucena. 11:30 ang alis ng barko. Marami ngang pasahero kaya nakipag-unahan ako para makaupo sa maayos na puwesto.
"Andito na ako sa barko Daddy. Baka mga 5:00 am na ako makarating diyan.Sige matutulog na muna ako." Text ko agad sa kanya at itinago na ang cp.
DAHIL sa halos wala akong tulog bago magbakasyon ay nakatulog agad ako sa kinauupuan ko. Komprotable naman ako sa pwesto ko kaya nakatulog talaga ako.
Nagising ako ng bandang alas tres at napansin ko na malayo pa kami sa Balanacan Pier. Natulog na lang ulit ako.
Mag-aalas kuwatro na ng maramdaman kong malapit na kami bumaba.Nagtext agad ako kay Jasper. "Baka mga 6:30 a.m ako makarating ng bayan. Pababa pa lang ako ng barko."
"Bakit ano ba oras umalis dyan ang barko?" Reply agad niya.
Infairness nagreply agad. Meaning gising na siya. Hindi siya excited ah."Hindi ko namalayan kung anong oras umalis. Mga ala una na a." Text ko agad sa kanya.
"Hi sis asan ka na?Anong oras ka makakarating dito? Paalis na ako maya-maya." Nagtext si Meryl na hindi ko na siya maabutan sa kanila.
"Andito pa sa barko, pababa pa lang.Sayang hindi kita maabutan diyan.hindi ko tuloy maipapabaon sa iyo ang pasalubong ko."
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...