Hyacinth's POV
"So ayun nga, anak. 'Wag kang masyadong makulit sa school. Mapapahamak ka, lagot ka. Ako na ang bahala sa Mommy mo. Masyado kasing mainitin ang ulo pagdating sayo. Ewan ko nga baㅡ"
"Ayaw niya sa akin. End of story. 'Yun lang naman 'yun, Dad. Ayaw sa akin ni Mommy kaya siya ganyan. Mas gusto niya na wala ako sa bahay na ito." Sambit ko. Napatingin sakin si Daddy at halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Nako, anak! Natawag mo pang bahay itong mansion natin?! Ang laki laki nito tapos bahay lang angㅡ"
"Dad, pwede ba? Masyadong malayo 'yang pinagsasabi mo sa topic natin." Kahit kailan talaga.
'Nakakapagtaka. Ang nanay kong si Avore Lauvette Montevilla, masungit. Ang tatay ko namang si Lucious Xavier Montevilla, abnormal. Paano kaya sila na-fall sa isa't-isa 'no? Buti napasagot ni Dad si Mommy?'
"Sorry naman. Sungit nito! Half sa akin nagmana tapos half sa nanay nagmana! Aㅡ"
"Kung walang kwentang bagay na ang pag-uusapan natin dito, Maaari na ba akong umalis?" Natigilan si Daddy sa iniasta ko kaya agad siyang napatayo at tumango. Tipid ko siyang nginitian at lumabas ng office na iyon.
'Hindi ko sinasadyang sungitan si Daddy, pero ayoko ng ideyang may parte nga sa akin na nagmana kay Mommy. Ayaw ko sa mga bagay na may kinalaman sa nanay ko, except sa sarili ko at kila Daddy. Mahal ko si Mommy, pero kinamumuhian ko siya.'
"Tapos na baㅡ"
"Hindi pa ho ba obvious?" Sarkastikong tanong ko kay Mommy paglabas ko ng office. Siya lang ang nandoon at malamang ay pinabalik niya na sila Ladevine sa ginagawa nila.
"Hindi pa tayo tapos, Hyacinth Lauren. Kakaㅡ"
"Alam ko ho iyon, Mom." Sagot ko at dire-diretsong nilisan ang lugar na iyon.
Naglakad ako patungo sa sarili kong kwarto at agad na inilock ang pintuan. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
'Ngayon ko lang napagtanto.. Hindi pala bahay 'to? Mansion pala? Hala! Bakit di ko alam?! Charot, Mas gusto kong tawagin ang lugar na ito na BAHAY, sapagkat ayoko sa salitang mansion dahil nagmumukhang pangmayaman talaga.'
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-messenger, nakita kong may mga message ako galing kila Severene at Hedeiva pero.. isang message ang nakakuha ng atensyon ko.
Maxemore Tytus Silvestre messaged you
'Ano naman ang kailangan nito? Hindi ba't ito yung President na pumigil samin ni Pierce?'
Binalewala ko ang message nila Severene at Hedeiva dahil paniguradong walang kwenta ang mga iyon at tinignan ang message ni Maxemore.
Maxemore: Hey. Mrs. Kloe Pior wants to see you tomorrow at her office.
'Yung Kloe talaga na 'yun epal! Ihagis ko kaya sa ilog 'yun? O kaya balatan ko ng buhay? Chos. Di ako ganun, banal ako. Saka Sabado bukas bakit papapuntahin niya ako sa school? Gago ba siya?'
You: K.
'Kasi nga, masyado akong maganda para habaan ko ang isasagot sakanya. Charot. I'm too tired to even type such long replies.'
Matapos nun ay agad kong tinignan ang message nina Severene at Hedeiva. Inuna ko iyong kay Severene.
Severene: Aattend ka ba bukas sa birthday ni Cadevary?
BINABASA MO ANG
Showing Fake Love (COMPLETED)
Historia CortaKahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako...