ALVARO'S POV
"Hoy! Akin na yang bag ko!!" Arrrrggghhh.... Napupuno na ako sa mga bully na 'to.
"Manahimik ka nga Alvaro or should I say, Mr. Torpe... Haha! Ni hindi mo nga magawang malapitan si Beatrice, maagaw pa kaya 'tong bag mo sa amin? Nagbibiro ka ba? HAHAHAHAHA!" sabi ni Liam.
"Good boy naman pala 'tong si Kuya Torpe eh... Tignan natin... Books,CHECK! Notebooks,CHECK!" sabi naman ni Ezekiel sabay tapon sa ilang libro at kuwaderno na meron ang bag ko. Agad itong tinakbo ni Liam sa lugar na hindi ko alam.
"And oh, Love Letter For My Beatrice...... BABYEE!" napaupo nalang ako nang marinig kong unti-unting pinupunit ni Ezekiel ang hindi ko naibigay na liham para kay Beatrice.
"Kung gusto mong kunin ang ibang books at notebooks mo, you can always find 'em on the trash bins... See yah tomorrow Alvaro." sabi ni Liam pagkabalik niya mula siguro sa mga basurahan bago sila sabay na umalis ni Ezekiel.
Pagkaalis nila ay agad kong pinulot ang punit-punit na liham at pinuntahan ang aking mga gamit na tinambak ni Liam sa basurahan... Hayaan mo na sila, ikasasaya naman nila 'yan eh. Atsaka, ano namang magagawa ng paglaban ko? Mas lalo lang nila akong aasarin... I know their ways because I have lived my life surrounded by them.
Oo. Alam ko na mahirap ang ganitong sitwasyon. Torpe na, binubully pa... Pero nasanay na rin naman ako.
Ay teka, hindi pa pala ako nagpapakilala. Haha! Ako si Alvaro John Lopez. 18 years old. "Ang Pambansang Torpe ng Thompson University." Sanay na rin ako sa ganyang tawag sa akin kaya hindi na ako ganoon tinatamaan.
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit at kumain ng hapunan bago nagkulong sa aking kuwarto. Katulad nga ng sinabi ko kanina, lumaki ako ng napalilibutan ng mapang-aping mga tao, kaya kahit anong gawin ko dito sa loob ng bahay, ang ending ay mapapagalitan o masasaktan lang ako ng mga nakatatandang kapatid kong mga lalaki at ng aking tatay. That's why my room is my safe place. Ito ang lugar na makakapagpaliwanag kung sino ako, and nerd at torpe na Alvaro.
Tinapos ko na lahat ng assignments na meron ako bago humiga sa kama at unti-unting nagsara ang talukap ng aking mga mata. A new day is waiting tomorrow.... I guess?
BEATRICE'S POV
"Good morning, Ms. Beatrice, pinapatawag ka na po ni Sir Leonardo sa office nya bago po kayo pumunta sa school." sabi ng isa sa mga katulong namin.
"Ok. I'll just go there." sagot ko sa kanya. Ano nanaman bang kailangan ni Dad? Jusmeyo! Makapunta na nga lang sa opisina niya. Agad kong nagbihis at binitbit ang school bag ko.
Di naman masyadong malayo ang opisina niya dahil tatlong kanto lang ang layo nito sa aming bahay kaya nilakad ko nalang. Pero habang nasa ikalawang kanto na ako ay may nakita akong isang grupo ng mga lalaki na pinagtatawanan ang isa pang lalaki at mukhang tinatapon yung laman ng bag nya..... Oh how much I hate bullies! But the guy can save himself and it looks like umalis na yung mga lalaki na nambubully sa kanya so I proceeded walking to dad's office.
Pagkadating ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko...
My. Dad. Is. Having. A. Makeout. Session. With. Another. Woman.
(P.S. This is not the first time...)
Kung hindi pa ako tumikhim ay hindi pa sila titigil.
"Uhmm...Dad, why did you call me?"
"We will be having a family dinner along with your mom and your brothers. I will be announcing a great news. Be sure to come before 7:00 pm. Are we clear?" sabi ni Dad.
"Ok." sabay walk out...Haha!
Pagkalabas ko ng office nila Dad ay agad akong tumawag at sumakay ng taxi papuntang school. I haven't introduced myself, have I? I am Xandra Beatrice Thompson. Yes, you heard it right. I am a Thompson but that doesn't mean that my father owns it. Thompson University is under my uncle's properties. That's why I should...rather... am forced to study there.
Nang maramdaman kong tumigil na ang taxi ay agad akong nagsuot ng shades at cap... Bakit? For protection from my stranger suitors dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi nila akong ginagambala. Pagkasuot ko ay nagbayad na ako at bumaba. Sinalubong naman agad ako ng kambal kong mga bestfriend na sina Ella at Ellie. Diba pangalan palang halata nang kambal... Haha!
"Uy Trice! Balita ko may fafable na pumunta sa locker mo kani-kanina lang." sabi ni Ellie.
"At hindi lang daw pumunta, may nilagay pa sa loob!" wika naman ni Ella.
"WAAAAAAHHHHHHH!!!!!" sabay nilang tili kaya napatakip nalang ako sa tainga ko.
"Magtigil nga kayo... Naglagay lang sa locker ko----
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman kong may mga yapak ng taong papalapit sa amin.
"Oh no! Stranger Suitors are coming!" wika ni Ellie kaya wala kaming nagawa kundi ang tumakbo.
Welcome to my life!..... I guess?
AUTHOR'S NOTE
So hey! Newbie writer here kaya sorry kung may wrong grammars at typos. This is supposed to be a one shot, pero may naisip akong mas magandang twist at ending sa story na ito...
Until next time!Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE!
YOU ARE READING
Torpe
Short Story"Torpe" is called for a guy who can't tell his feeling and love for a girl... But what if destiny has something to surprise a 'torpe' that would make him change his perspectives in life... Would he still be the same 'torpe' guy everyone knew? Or...