A/N Thank you nga pala sa lahat ng votes.. grabe na-touch naman ako...paggising ko may 13 votes na kaagad na sumalubong sa 'kin...at dahil masaya ako ngayon kaya mag-uupdate ako!
(P.S. Huwag na ko magtaka kung bakit 13 votes lang nanidto..kahapon pa kasi dapat to eh..kaso nag-enjoy ako sa pagbabasa eh...^__^ kaya today ko na lang ipopost!)
Anyways sana magustuhan niyo ang episode na 'to
2nd P.S. Maikli lang po ang episode na 'to sa kadahilanang its all about the KISS! hahaha.... :)
3rd P.S. Pakibasa din po ang A/N sa ibaba...importante lang!
____________________________________________________________________________________
"Good night babe...dream on me tonight"
And then he kissed me on my lips....
The moment our lips met parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko papunta sa pinakatagong bahagi ng puso ko. Napapikit ako sa sensasyong nararamdaman ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ba ko nagpapahalik sa lalaking 'to? Oo nga noh? Itutulak ko na dapat siya ng ma-realize ko kung anong ginagawa niya sa'kin pero nauna na siyang bumitiw sa halik.
Ay pucha naman oo, baka akalain nito nagugustuhan ko yung halik niya sa'kin. Pweh! Di kaya?! Di nga bah? Ay ano ka ba Tin tumigil ka nga jan...ang landi-landi mo talaga...parang halik lang yun diba? Isa pa hindi naman yun yung unang halik niya sa'yo..mas malala pa nga d'on yung ginawa nyo..namputsa naman oo...
"Ganyan pala ko kasarap humalik babe? Napapatulala ka? Gusto mo isa pa?! Mabait ako kaya pagbibigyan kita" sabi niya na siyang nakapagpabalik sa'kin sa tamang huwisyo. Anyong hahalikan na naman sana ako ng kumag buti na lang nakaiwas kaagad ako.
"Di ka din masyadong mayabang noh?! And F.Y.I hindi ka masarap humalik...mas masarap pa ngang humalik yung ex ko kaysa sa'yo eh!" sabi ko para mapagtakpan ang pagkapahiya ko. Tama naman kasi ang sinabi niya...ay..erase..erase...hindi..hindi siya masarap humalik! Napatulala lang naman ako dahil sa pagkagulat eh! Oo, tama yun nga yun.
"Sus, kunyari pa 'to...alam ko namang nagustuhan mo yung halik ko eh...napapikit ka pa nga sa sobrang sarap...oh..aminin na kasi..di naman ako magagalit eh..." patuloy ng pang-aasar ng damuhong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Opposites Attract ~ Drunken Love Affair
RomanceHurt by her boyfriends infidelity Tin decided to drown herself with alcohol only to end up in a strangers bed and find out later that he is the boss's Casanova son.