"Keeeennnntttt" sigaw ni Pia papunta kay kent Habang si Kent naman ay nag babasa ng libro sa upuan niya. Napangiti naman si Kent kay Pia. Humarap si Pia sa Inuupuan ni Kent at may binigay na rosas at may sulat. Nagtaka naman si Kent.
"Para sakin ba to?" Biro ni Kent. Kaya binatukan eto ni Pia. Alam naman ni Kent na galing nanaman eto sa manlilgaw ni Pia. Binasa ni Kent ang sulat.
Dear Pia,
Ilang buwan na akong nag hihintay na sagutin mo ako, mahal na mahal kita Pia 😍 Di kita sasaktan❤️ date tayo mamaya ah, 7 sa park. Hihintayin kita ah."Eto naman! Galing yan kay Lance" sabi ni Pia. Hindi nga nag kakamali si Kent. Nanggaling nga eto kay Lance, yung sobrang yaman na manliligaw niya. Iniiwasan niyang malungkot at magalit kaya tumawa na lang siya. Napakamot naman sa batok si Pia.
"Eh bat ka tumatawa?" Tanong ni Pia kay Kent. Ngumiti lang si Kent.
"Sigurado ka bang seryoso to si Lance sayo, Piatot? Eh alam naman nating lahat na babaero yang lalaking yan eh." Tumawa uli si Kent pero napansin niyang ang seryoso ng mukha ni Pia.
"Mag babago daw siya para sakin Kent. Mahal niya ako. At mahal ko din siya" banggit ni Pia sakanya, natigil naman si Kent kakatawa. Parang may kumurot sa puso niya, parang unti unting pinupunit puso niya sa narinig niya. Hinawakan ni Kent si Pia at dumiretso sila sa tambayan nila, sa harden.
"Ano ba? Bitiwan mo ko Kent" binitiwan naman eto ni Kent. At humarap si Kent kay Pia habang sobrang seryoso.
"Anong mahal? Pia, since grade 1 kaibigan na kita hanggang ngayon na grade 11 na tayo. Pero diba ayaw mo sa mga lalaki? Ako lang pinapansin mo? Ayaw mo ngang may kumakausap at humahawak sayo na lalaki diba? Anong kalokohan to Pia? Anong pinakain sayo ng lalaki na yan at nasabi mo ang salitang 'mahal mo na siya?'" Gulong gulo si Kent, si Pia naman nagalit sa mga pinag sasabi ni Kent.
"Kent hindi na ako bata, alam ko na kung pano mag mahal. Hayaan mo naman akong maghanap ng mamamahal Kent." Nagalit na si Pia ng tuluyan. Habang si Kent nag aalala sakanya.
"Pero Pia, diba may sinabi ka sa kuya mo bago siya namatay?" Sabi ni Kent, Tinitingnan lang ng masama ni Pia si Kent.
"Na wag muna akong mag kakarelasyon hangga't di pa ako nakakapag tapos? Kent, nung grade 6 pa yun!" Nainis si Kent sa sinabi ni Pia.
"Ganyan ka na ba ngayon Pia? Ang nakilala kong Pia hindi ganyan ang ugali. Hindi niya brinebreak mga promises niya, ikaw ba talaga yan Pia? Nung nakilala mo yang si Kianha at Rianne nagkaganyan ka na! Sabi na sayo bad influence sila" Sinampal ni Pia si Kent.. Baliwala lang kay Kent yon dahil kahit hindi niya na sinampal si Kent nasasaktan na siya, ng sobra. Dahil may mahal na si Pia.
"Kent! Wag mong idamay sila Rianne dito! Wala silang kasalanan!"
"Meron, nung dumating sila lagi ka ng nag cucutting Pia. Hindi ka ganyan!" Nag sisigawan na sila sa harden, buti na lang at walang tao doon.
"Kent, wag mo kako silang idamay! Ang pinag uusapan natin si Lance diba? Si Lance! Hindi yung mga kaibigan ko!" Sigaw ni Pia. Kumalma si Kent.
"Wag ka kay Lance. Hindi natin alam kung sineseryoso ka niyan." Babala ni Kent kay Pia, pero si Pia pinaglalaban niya pa din si Lance.
"Mahal namin ang isa't isa Kent, wag mo kong diktahan kung anong gagawin ko, buhay ko to at may sarili ka ding buhay, pwede ba wag kang mangialam?!" sabi ni Pia. Habang si Kent kinakalma niya sarili niya.