May isang babae na mas pinipili pang humiga sa kama mag damag kaysa gumala kasama ang mga kaibigan.
Siya si Xyre Fuentes.
Mahilig siya kumuha ng pictures, inuupload niya agad eto sa facebook niya. Halos lahat ng selfies niya nasa loob lang ng kwarto niya, pero marami siyang likers tsaka marami siyang taga supporta dahil maganda at magaling siyang pumayo sa iba specially pag love ang topic. Nasaktan na kasi siya dahil niloko siya nung first at second love niya kaya takot na siyang magkarelasyon uli, takot na siyang lokohin uli kaya hanggang payo na lang siya sa mga taong nasa relasyon, nabreakan at kung ano pang problema nila sa buhay.
Isang araw, habang nag hihintay si Xyre na may mag message sakanya ng problema nila sa buhay, kumakain lang eto habang nakahiga sa kwarto niya. Nang biglang tumunog cellphone niya. Kaya napa dapa na lang siya sa kama niya at kinuha cellphone niya. May nag message nga sakanya. Nag taka siya dahil wala manlang siyang profile.
Alcemene Alberton:
Hi Xyre Fuentes, magpapapayo sana ako, dahil sabi ng mga kaibigan ko magaling ka daw mangpayo eh.Nireplyan agad eto ni Xyre.
Xyre Fuentes:
Hello Alcemene Alberton! Magandang araw hahaha. Sige ba, tulungan kita, papayuhan kita. Sino ba yung mga kaibigan mo? Baka makilala ko pa sila ^_^Alcemene Alberton:
Si Thomas at Jake hahaha.
Nag isip muna si Xyre.
Xyre Fuentes:
Ahhh! Sabay pa yung nag chat sakin, parehas tungkol sa love hahahaha laughtrip nga yung dalwa eh. Parehas heartbroken, kaya ayoko ng pumasok sa relasyon kasi sasaktan lang uli ako.
Natawa si Alcemene sa sinabi ni Xyre. Nag reply eto agad.
Alcemene Alberton:
Hahahaha mga nabreakan yung mga asungot eh, sarap mo palang kausap miss Xyre :)
Nagulat si Xyre sa sinabi ni Alcemene kaya medyo natagalan siya sa pag reply
Xyre Fuentes:
Ahhhh sooooo ano ba problema mo kuya Alcemene?
Alcemene Alberton:
May mahal kasi akong babae na di niya kayang ibalik ang pagmamahal niya sakin. Umamin na ako sakanya noon kaso nireject lang ako. Ayun nga, kaya di niya kayang ibalik ang pag mamahal niya sakin dahil dalwang besses na daw siyang niloko kaya ayaw niya ng magpauto uli sa mga lalaki, kung tutuusin sa school lagi ko siyang pinagmamasdan, kung may lalapit sakanyang lalaki parang nandidiri siya. Pano pa kaya kung umamin uli ako sakanya? Irereject nanaman ba ko uli? Naging magkaibigan kami nung babae noon pero nung umamin ako sakanya parang kinalimutan niya na lang friendship namin. Ang sakit.. ask ko lang kung aamin pa kaya ako sakanya?
Dun sa sinabi ni Alcemen naalala niya yung kaibigan niyang lalaki na dineadma niya dahil umamin siya sakanya. Pero narealize ni Xyre na mali yung ginawa niya dun sa kaibigan niya, inisip lang ni Xyre ang sarili niya, di niya manlang inisip yung mararamdaman ni Zephier, oo, Zephier Isles name nung umamin sakanya, gwapo, matangkad at matalino. Napahinga naman ng malalim si Xyre.
Xyre Fuentes:
Awww nakakarelate lola niyo, wag ka mawalan ng pag-asa kuya, baka nadala lang siya ng feelings niya kaya ka dineadma, masyadong makasarili yung babae, di niya manlang inisip yung mararamdaman mo. Mas mabuti na sana kung deadma kaysa nireject ka no? Tagos yun sa puso bwehehehe. Basta yun, siguro hintayin mo muna yung tamang oras para umamin sakanya kung ayaw mo ng masaktan uli. Siguro itago mo muna yung nararamdaman mo kahit konting panahon lang pag nakaipon ka na ng lakas ng loob. Iupdate mo ako ahhh. Xoxo
YOU ARE READING
The Right One (one shot)
Teen Fiction2nd one. Medyo parehas sila nung una pero mas effort to WAHAHA mwa hope you like it