It Wasn't You

7 0 0
                                    

January 06, 20xx

Kakabalik lang namin noon from our Christmas break, buong klase noon ay tamad na tamad pa dahil bitin daw ang bakasyon. I was not that excited too, dahil ako rin ay nabitin ng sobra sa bakasyon. 3 months nalang tapos nanaman ang school year.

7:06 am nang dumating ako sa school. 7:30 ang pasok namin pero lima pa lang kaming estudyante, kaugalian na ng klase namin yon. Ang laging late dumating, yung tipong 'You're too early for the next subject'

Pagpasok ko, kanya-kanyang gawa yung iba kong kaklase. May natutulog, may kumakain, may tuliro at may out of the world. Isa-isa nang nagdatingan yung iba, malapit na rin kasi mag time nun.

Saktong 7:35, pumasok yung adviser namin sa room na may dalang maraming papel. First day na first day sa bagong year marami agad gagawin?

"May bagong sitting arrangement daw sabi ni mam!" sigaw ng isa kong kaklase

Lahat ay nagreklamo, pati ako. Gusto ko kasi ang pwesto ko rito, nasa pangalawang row pero nasa pinaka gilid katabi ng aircon. Kumportable ako dito, at isa pa hindi gaanong magaslaw iyong katabi ko.

'Medina, Coleen !, dun ka sa dulo'

Lumingon ako at hindi narin nagreklamo dahil sa ganung pwesto parin naman ako napunta. Nasa dulo nga lang.

"Oy, katabi kita?!" sigaw ng kaklase Kong si Neil.

Lumingon ako sa kanya. "Hindi ba obvious?!"

Tapos tumawa lang siya.

"Hoy Neil! Peram akong rubik's cube!" sigaw ng isa kong kaklase at umupo sa Isa pang upuan sa tabi ni Neil.

Tumayo ako at lumipat sa nasa harapan naming row kung saan nakaupo ang kaibigan kong si Maila.

"Oh, Bat lumipat ka?" tanong ni maila.

"Maingay dun, dito muna ako. Lilipat nalang ako kapag dumating na si riley." Iyong kaklase naming saksakan ng epal.

..

Sa ilang linggong katabi ko si Neil, walang araw na hindi ako na bwiset. hindi ako masyadong tumatabi sa kanya dahil ako nalang ng ako palagi ang nakikita niya.

'Mam! Si coleen ganito! Mam! Si coleen ganyan'

'Mam si coleen ganyan! Mam si coleen ganito!'

NAKAKARINDI!

Sino ba naman ang hindi maiinis doon diba?

Pero ewan ko ba, corny man pakinggan pero minsan natutuwa ako kapag inaasar niya ako. Parang parte na ng araw ko ang pang-iinis niya. Ganito ba pag tumatanda na, konting atensiyon lang mula sa ibang tao ay natutuwa ka na. Parang tanga diba? Maiinis tapos matutuwa.

"Ang cute ng noo mo no? Pwede nang landingan ng sampung eroplano!" tapos susundan niya lagi iyon ng nakakainis na tawa.

Minsan naman, pagka-pasok sa umaga. Minsan inaantok pa ako, kaya natutulog ako sa lamesa ko. Magigising nalang ako bigla mula sa pagkakatulog ko dahil sa malakas na tili, tili na parang umaabot na sa kaloob-looban ko. Kapag lilingon ako sa kanya ay siya namang iwas niya ng mukha niya, patay malisya pero makikita mo sa mga mata't labi  niyang natutuwa siya dahil nakapangulit nanaman siya.

Minsan naman, magpapasabay bumili ng pagkain sa canteen. Tapos kapag sisingilin kona hindi na niya ba bayaran, tapos kapag manghihingi ka dun sa chichiryang pinabili niya na hindi naman binayaran ipagdadamot niya.

Yung tipong palapit pa lang ako sa kanya, palabas na siya ng classroom dala ang mga pagkain niyang pinabili niya pero hindi niya naman binayaran.

Ang kapal ng mukha, minsan naman kukuhanin niya ang cellphone ko. Tapos magpipicture siya, magugulat nalang ako pagbukas ko ng phone ko mukha niya na ang nakalagay sa wallpaper.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Wasn't You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon