Hi! Sana po magustuhan niyo itong first Chapter :)
------------------------☻☻☻----------------------
"Shane gising na."- Naalipungatan ako dahil may naramdaman akong yumuyugyog sakin kaya unti-unti akong dumilat at kinusot ko yung mga mata ko. Agad naman bumungad sakin ang mukha ng napakagwapo kong bestfriend. Ngumiti ako sa kanya, yung ngiting papayag siya sa hiling ko.
"Bes 5 minutes pa please? Inaantok pa ako eh."
"Ayan ka na naman sa mga ngiti mo ha? HINDI PWEDE! Tumayo ka na diyan at dadating na sila para sunduin tayo dito."
"Aww. Pero inaantok pa ako jake. "Pout"
"Ah ganun ba? Pwede na ba itong pampagising?"- May nilabas siya galing sa likod niya at isa itong garapon. Garapon na punong-puno ng bubble gum. *O*
"Gusto mo ba nito shane?"- Tumango-tango ako sa kanya. Siguro mukha na akong aso, ngumingisi kasi 'tong jake na 'to eh.
"Maligo ka muna."
"Pwede bang kainin ko muna yan bago ako maligo? Please? "Puppy dog eyes"
"A-YO-KO! Isang malaking AYOKO!"
"Aish! Fine! Pero kapag nabawasan yan kahit isa, I swear F.O. na."
"F.O. pala huh?"- Unti-unti niyang binubuksan yung garapon at nung nabuksan na niya kumuha siya ng V-Fresh at kakagatin na sana niya para buksan pero agad ko siyang pinigilan.
"Oo na. Hindi na tayo F.O at maliligo na ako. Please lang balik mo na yan sa loob."
"HAHA! Ibang klase ka talagang bata ka. Ang takaw-takaw mo talaga sa bubble gum. Oh sige na bababa na ako para makaligo ka na."- At lumabas na nga siya sa room ko. By the way, He's Jake Borja my childhood bestfriend and Our yayo, Joke! Our kuya pala. Nung simula kasing humiwalay kami sa parents namin at kumuha nga kami ng condong apat, Si Jake na ang tumayong parents samin at siya ang nag-aalaga samin.
And me? Ako nga po pala si Krissy Shane Stewart. Call me krissy na lang po ^_____^ You want to know about me? Physically, Mahaba po ang buhok ko, hanggang bewang. Maputi pero hindi yung maputla ha? Simple lang po ako pero sabi nila hot, sobrang ganda at extraordinary daw ako yung iba nga gifted daw ako. OA no? Extraordinary? Ano ako alien? Mentally, Mabait, masayahin at friendly po ako ^_____^
Pagkatapos ko maligo at magbihis bumaba na rin ako agad at nagmadali akong pumunta sa kusina para kunin na kay Jake yung bubble gum ko. Bubble gum here I come *O*
"Jake where's my bubble gum?"
"Ang bilis mo ah? Naghilod ka ba ha? Nagsabon ka ba? Baka isang buhos lang ginawa mo?"
"SOBRA! Sobra ka ha? Naligo akong mabuti no? Wag mong ibahin yung usupan. Nasaan na yung bubble gum ko?"
"Nandun sa may living room. Sa may couch."- Tatakbo na sana ako pero bigla niya akong hinawakan. Hmp! PABITIN.
"Shane pakigising na rin si rhane ha?"
"Si shellby gising na ba?"
"Oo, Kanina pa buti pa yung kapatid mo ang aga magising, Nandun na siya sa bahay ng kaibigan niya. Kayong magpinsan? Tss! Tulog mantika."
"Hindi naman kami tulog mantika eh." "Pout"
"Oo na. Hindi na nga po eh. Kunin mo na nga lang dun yung bubble gum mo."
"Sige! ^_____^ Sarapan mo luto mo bes ha?"
"Yeah! Yeah! CHUPI NA."- Napakunot bigla yung noo ko sa sinabi ni Jake.
BINABASA MO ANG
Mission: Looking For THE RIGHT GIRL (ON HOLD)
Genç KurguAlam mo yung nakakainis? Yung akala mo ikaw lang mag-isa sa isang lugar kaya malakas ang loob mo maglabas ng sama ng loob or ng isang sekreto pero Pakshit lang talaga dahil may biglang hayop na lang ang basta-basta lumilitaw at makakarinig sa sinabi...