Chapter 33

437 102 20
                                    

HULING gabi ko na sa kanila. At sa huling gabing iyon ay lasing na naman siya. LASINGGERO nga eh kainuman niya ang pinsan niya na nagbakasyon rin doon at sa Taytay nakatira kaya ka close ko rin. Hinintay q siya kina Ate Donna at nanunuod ako nang dumating siya.

"Kumain ka na ba? Tara na sa bahay kain na tayo." Aya niya sa akin.

Naglakad na kami pauwi at madilim na kaya binuksan ko ang flashlight sa CP ko.

Nang nasa tapat na kami ng kubo at gising pa si Mama ay tinawag siya.

"Parini muna Jasper at may itatanong ako." Parang alam ko na kung ano ang itatanong ni Mama. Kinabahan ako dahil lasing si Jasper, parang wrong timing ata ang pagbukas ni Mama ng usaping kasal.

Umakyat kami sa kubo.

"Ano na ba ang plano mo?Ninyo ni Cassey?"

"Aba anong plano?" 

"Plano kung may plano na ba kayo magpakasal." Napangiwi ako dahil alam kong nag-iba na ang mood ni Jasper.

"Aba. Hindi ako bata para tanungin.bata laang ang tinatanong."

"Tinatanong kita Jasper at nakakahiya sa magulang ni Cassey."

Sabi na eh.. ako ang inaalala ni Mama.kapakanan ko ang iniisip niya kaya nagtanong na siya kay Jasper.

"At nakakahiyang ano!"tumaas na ang boses ni Jasper. Ako yung napapahiya sa inaasal niya sa harap ng Mama niya.

Naramdaman ko yung tensyon.

"kain na muna tayo." Niyaya ko na siya para hindi lumala ang tensyon sa paligid at baka magkasagutan pa sila ni Mama, high blood pa naman siya.

"Sige Ma, lasing eh..hindi makakausap ng matino po ito." Paghingi ko ng paumanihin at umalis na kami. 

Habang kumakain ay ramdam ko na badtrip si Jasper. Hindi ko alam ang punto ng pagkabadtrip niya.Ayaw ba niyang pinapakialaman siya o ayaw niyang pag-usapan ang seryosng usapang kasalan.

Pumasok na kami sa kuwarto dahil gusto ko na matulog dahil maaga ang alis ko kinaumagahan at inaatake pati ako ng migraine kaya masakit ang ulo ko nang gabing iyon.

Kaso si Jasper ay sinapian ng sampung kakulitan. Yung kakulitan niya kapag nalalasing ay nadoble nang gabing iyon. Trip na trip niya akong asarin.

"May itatanong ako sa iyo." Seryoso niyang sabi. Kabado ako dahil seryoso ang boses niya.

Nakaunan ako sa braso niya at tumingin sa kanya.

"Kailan napatay si Magellan kung magaling ka ngang guro?"

WHATTTT?? Akala ko seryosong tanong yun pala ay kalokohan.

"1854 siya napatay." Imbento ko lang iyan dahil hindi ko naman master ang Philippine History dahil FILIPINO MAJOR ako. Baka kung ang itanong niya ay ano ang PANDIWA, PANG-URI at PANG-ABAY ay masasagot ko ng tama. Kaso History eh. Kaya kalokohan na lang din ang sagot ko.

"Paano kung may estudyante ka na kasing kulit ko ano ang gagawin mo?"

"Ewan ko sa iyo.Matulog ka na."

"Hahahaha. Sagutin mo. Kung magaling ka nga." Malakas na ang boses niya at pakulit siya ng pakulit.

"Hindi mo naman pwede sabihing Go Out kung hindi naman iihi.Kasi diba ang mga nagsasabi ng "Mam May I go Out" ay ang mga napuntang c.r.hahah.'

Hahaha.napatawa ako sa katwiran niyang iyon at nang makita niya akong natawa ay pinagkikiliti ako sa tagiliran ko kaya tawa lang ako ng tawa.

"kailan naimbento ang sardinas.?"

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon