Chapter 35

511 105 40
                                    

Nagulat ako na pagkagising ko ay may mga maingay sa sala at kausap ni Nanay. Nag-ayos ako ng sarili at lumabas na ng kuwarto.

Bigla akong napabalik sa loob ng kuwarto nang makita ko kung sino ang bisita namin.

Shocks!Si Jasper andito sa bahay. Bulong ko sa sarili ko. Kasama niya ang Ate niya na nasa Pasig nakatira at si Mama at Papa. 

Anong ginagawa nila dito? Tanong ko na naman sa sarili ko dahil naguguluhan.

"Cassey, gising ka na ba? May bisita tayo." Tawag sa akin ni Nanay na katok na nang katok sa pinto.

"Opo lalabas na."

Paglabas ko ay halata pa rin sa akin ang pagkagulat, nagmano ako kina Mama at Papa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jasper, "Bakit hindi mo man lang sinabing pupunta pala kayo.Nakakahiya tuloy na hindi kami nakapaghanda kaagad." 

"May dala na silang pagkain para sa tanghalian." Narinig kong sinabi ni Nanay na abala sa kusina habang inaayos ang dalang pagkain nila Jasper.

Nakangiti lang sila Mama sa akin. Ngiting makahulugan.

"Kain na muna tayo, masarap magkuwentuhan habang kumakain."Sabi ni Nanay at nagpunta na kami sa kusina.

"Cassey andito kami nila Mama para pag-usapan nang maayos kaharap ang Nanay mo tungkol sa mga plano." Sabi ni Jasper na parang natetense ata.

"Hihingin ko na ang kamay mo sa mga magulang mo Cassey para pakasalan ka sa lalong madaling panahon.Ayoko na kasi patagalin pa na single ka."

OMG!Gusto ko maluha, pero hindi ko ipinakita sa kanila. Tumango ako kay Jasper at nakangiti.

Masayang-masaya ang pakiramdam ko nang mga oras na iyon. Pakiramdam na nakalutang ka.

Napag-usapan nang maayos ang plano. Sa probinsiya gaganapin ang kasal namin ni Jasper.

MASAYANG-masaya ang mga tao sa paligid na nais makasaksi sa pag-iisang dibdib namin ni Jasper. Present rin ang mga barkada kong GCM!

Maganda ang pagkakagayak ng simbahan, may mga puting rosas sa gilid ng aisle. May red carpet sa gitna ng pasilyo. Bakas sa mga mukha nang magulang namin ang saya.

"Sabi naman sa iyo Mars, ikaw ang ikakasal ngayong 2016 eh." Bulong sa akin ni Mars Ellise at nagpunta na siya sa loob ng simbahan dahil abay ang anak niya.

This is it Cassey Laroza and soon to be Mrs. Cassey Pizarra. bulong ko sa sarili ko habang nakatayo sa labas ng pintuan ng simbahan, hawak ko ang mga puting rosas na maganda ang pagkakaayos. Hinihintay ko ang hudyat para pumasok sa loob.

Tumunog ang awiting paborito namin ni Jasper. Ang "Kay Tagal Kitang Hinintay" (Wedding Version).Ito kasi ang gusto kong tugtog habang maglalakad ako papunta sa altar habang naghihintay sa akin si Jasper.

Narinig ko nang tumutugtog na ang awitin kaya bumukas na ang pintuan ng simbahan. Nakangiti ako habang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Jasper.

Naiiyak ako habang nakatingin sa mukha niya na halatang masaya, pero ayokong maluha dahil sayang ang make-up.

Sabi ko sa sarili ko na ikaw na ang gusto ko makasama sa pagbuo ng sariling pamilya. Hindi man tayo nagkaroon ng malalim na ugnayan noong high school at nasaktan pa kita noon ay alam kong dadalhin pa rin tayo ng tadhana para sa isat-isa.

Mahal na mahal kita Jasper, ikaw na ang tamang tao na ipinagkaloob sa akin ng Diyos para makasama ko habang buhay, Ikaw na ang magiging ama ng mga magiging anak natin. Ikaw na ang mapagsasabihan ko ng lahat ng problema at takot sa buhay. Hindi na ako malulungkot dahil ikaw ang nagapasaya sa akin. Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga mata ni Jasper.

Nagmano si Jasper kay Nanay at kay Tatay. 

Sabay na kaming naglakad patungo sa altar upang ipasaksi sa lahat ng tao sa loob ng simbahan ang pagmamahalan namin.

Pagmamahalan na hindi namin aakalain na mauuwi sa ganito. Kami na nga talaga ang itinakda ng Diyos para magsama habang buhay. 

"Cassey, isuot mo ang singsing na ito tanda ng aking pagmamahal sa iyo, handa akong maging asawa mo sa hirap at ginhawa, sa sakit at sa saya. Saksi ang lahat ng tao na nandito at ang Diyos sa pangako ko na mamahalin kita habang buhay." Naluluha na ring sabi ni Jasper. 

"You may now kiss the bride." Pahayag ng pari tanda na kami ay mag-asawa na sa lahat ng tao, sa mata ng batas at sa mata ng Diyos.

"I love you Cassey" sabi ni Jasper pagkaalis niya ng belo ko. 

"I love you more Daddy!" 

Nagpalakpakan ang mga tao nang halikan na ako ni Jasper sa labi.

Ako na ata ang pinakasayang nilalang sa mga oras na iyon. Yung akala ko bibitiw na siya, akala ko aayaw na siya dahil umiiwas siya sa akin, pero kaya pala siya nagpapakaabala ay dahil pinaghahandaan niya ang araw na ito.

Kaya  pala siya abala at hindi nagpaparamdam sa akin ay dahil para maitago niya ang pag-aasikaso niya tungkol sa kasal namin. Baka raw hindi siya makapagpigil sa katuwaan kung katext niya ako at masabi niya.

Kaya pala noong tinanong siya ni Mama tungkol sa plano ay hindi siya sumagot dahil baka mabuko ko siya, at idinaan niya sa pagkabadtrip kunwari.

Oh Jasper Pizarra, bawing-bawi siya sa ginawa niyang pagpapalungkot sa akin noong mga panahong iniiwasan niya ako. 

"Mabuhay ang bagong kasal." Sigaw ng mga tao at sinasabuyan kami ng talulot ng mga bulaklak nang makalabas kami sa simbahan.

Hinawakan ni Jasper ang kamay ko at hinagkan, sumigaw siya na

"Makakagawa na kami ng mga babies."

kaya nagkantyawan ang mga tropa niya.

Sumakay na kami ng kotse patungo sa isang sikat na resort sa Marinduque. at doon na ipagpapatuloy ang kasiyahan.

Ang saya ko talaga. Thank You po Lord sa regalo at sa biyayang ipinagkaloob ninyo sa akin.

Malakas na tumutugtog ang kantang "Kay Tagal Kitang Hinintay" ng Sponge Cola.

Ito lang ang naririnig ko sa
paligid nang paulit ulit. Ang sarap pakinggan at damhin ang bawat lyrics ng kanta.




Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon