Love game

4 0 0
                                    

10.

***Gwenyth Sanchez povs***

Hello, this is the day mga repa! Hyper na naman ako since okay na naman kami nila Jay at Juls. May pagkailang lang pero nag-usap na kaming tatlo.

"Wala pa si Miss CA?" Tanong ni Juls. eerr...kasama nya ang linta nyang girlfriend.

"Eeeh, di ko pa sya nakikita eh." Sagot ko nalang. Tumabi sa akin si Jaybee.

"Chillax, walang aagaw sa gf-soon-to-be mo!" Asar ni Paula kay Jaybee.

"You think so?" Sabay tingin nya kay Juls na pumipito lang.

"Si Lio wala pa rin. Magsisimula na ang program." Si troy na humahangos. May katabi syang chinita girl baka ito yong Triah na sinasabi ni Paula noon.

Marami ng taga ibang school ang narito. At di sila ordinary. Magagaling din at talagang handa.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong sa akin ni Jay kaya pilit akong ngumiti sa kanya.

"Oo naman. Okay na ako...." Pero deep inside nasasaktan ako kasi halatang pinapakita ni Juls sa akin na wala lang ako sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin at sabihing gusto nya rin ako. He was an asshole jerk talaga!

Nakita ko si Ashley di kalayuan. Katulad ng dati late pa rin ang lola nyo.

"Waaaah, late na naman ako."

"As usual, Ash. Mag-practice na kayo dun oh." Turo ko sa back stage.

Napahugot sya ng hininga. Mukha syang haggard kasi namamaga ang mata. Umiyak ba toh o di na naman nakatulog kagabi?

"Okay, Sina Lio?" Himala at tinanong nya si sungit. Speaking of him. Di ko pa sya nakikita buhay kanina ah?

"Wala pa sya." Si Jaybee.

"Teka may number ka nya? Tawagan mo kaya." Suggestion ko.

"Nah, yun? Di yun sumasagot ng tawag." Sagot ni Jaybee sa akin. Napasimangot kami ni Ashley.

"Oo na, don't used that face to me," suko ni Jaybee sabay dial ng cp nya. Itinapat nya yun sa tenga ni Ashley sabay akbay sa akin at hila paalis.

"Uy, anong ibig sabihin nun?" Kulit ko sa kanya.

"Tinext ko na si Ashley ang tumatawag. Di nya sasagutin pag ako ih." paliwanag nya. Okay, anong meron sa bff ko at kay sungit?

"Jay, nagpaliwanag ka. Anong meron sa dalawa?" Tiningnan ko sya nga masama. Nakita kong pinagpawisan sya. I know your weakness boy!

"Okay, ang alam ko lang...Lio likes Ash. At sa tingin ko MU na ang dalawa."

"WHAAAAT?!"

Tinakpan nya agad ang bibig ko. Sinong di magugulat? Walang sinasabi sa akin si Ash. At alam ko kapag may something na bago sa kanya.

"Quiet okay?"

Napatango nalang ako sabay alis nya ng kamay sa bibig ko.

"Okay, pero paano nangyari?"

"Its for you to know. Bff mo naman si Ash." Sagot nya sa akin. Come to think of it. Oo nga naman.

"Uy! Gwenyth!!!" Kaway ni...ni Meyumi! Aba long time ni see ah?

"Meyumi?!" Salubong ko sa kanya. Batch mate namin nung high school. luminga-linga ako.

"Si Dylan ba? Waley na....teka, di ba ikaw si Jaybee? KYAAAAAAH! Ibig sabihin andito si Jihn?" Masiglang tanong nya. Nagsalubong ang kilay ni Jaybee parang nabobored sa usapan namin.

Waiting for Mister RightWhere stories live. Discover now