CHAPTER 11- Summer Jam (Behind the Scenes) Part 3

63 15 0
                                    

Hindi ko alam ang phone number ni Mo. Ayaw namang ibigay ni Mau nang biglaan yung number niya. Bat siya lang kasi yung nakakaalam ng number ni Mo! Tae lang!

Ang resulta, hinintay ko pa siya sa room niya pagkatapos nilibre ko pa ng lunch at meryenda para lang ibigay niya sakin yung number ni Mo! May summer class kasi kami noon. Take advantage naman tong Mau na to! Kainis! Libre lang ang alam! Iisang school din kasi kami. Pareheo kaming sa CSU Carig!

At hindi pa natapos ang pagtetake advantage sakin ni Mau! Matapos ko siyang ilibre, hindi niya pa agad binigay yung number sakin. pinagawa niya pa sakin yung term paper niya! P*sti ma nga! Ako naman si dakilang utu-uto! Ginawa ko naman daw! Jahe!

May 2      

Ininform kami ni Benjo na may band performance daw ngayon sa may Traffic Jam. Lahat daw ng interested local bands, pwedeng sumali. May cash price din daw para sa mga mananalo.

Alangan kami dun. Syempre, wala pa naman kaming masyadong experience sa pagtugtog sa public. Saka, may stage fright ako! Ayoko ring madiscover! Mahirap sa music industry, madaming intriga!

“Sali na tayo mga tsong! Once in a lifetime opportunity lang satin to! Malay niyo, dito tayo umangat!” nasabi ni Benjo minsang nagtipon tipon kami sa bahay nila, 2 days before the gig.

“mapapahiya lang tayo! Saka di tayo ready! The day after tomorrow, performance na! ano namang panama natin sa ibang local bands jan!” --- Kian

“kaya nga magpapractice diba?! Agad agad kasi kayong nag-iisip ng kung anu-ano! Masyado kayong Nega!” ----Benjo

“sows! Ayoko talaga! Maghanap na lapa kayo ng ibang drummer jan! di ako sasali!” akmang tatayo na sana si Aldus pero bigla siyang hinatak sa kamay ni Benjo.

“umupo ka nga jan Dung! Ang OA mo eh!”

“wag na talaga Benjo! Trouble lang yan!” sabi ko with head ang hand coordination.

“ang kokorni niyo! Lahat kayo hindi na member ng clan!”

“wala namang ganyanan! Namemersonal ka eh!”

“ngayon lang naman kasi eh! Pabgigyan niyo na ako! Dito tayo sa bahay magpapractice, pwede narin kayong matulog dito for the next 5 days. Ako na ang host! Oh, ano, may angal pa ba?!”

Tinginan kami nila Rhan, Addu at Kian…

In the end, pumayag din kami.

Isang buong araw din kaming nagpractice kinabukasan. Moral support din sila Mau, Lindsay at syempre pati si Mo. Inspirado tuloy akong makipraktis! Nakabandera kasi jan yung inspirasyon ko! Kilig much?

May 4

6pm ang battle of the bands sa Traffic Jam.

7pm kami nakarating! Traffic kasi sa Buntun Bridge! Deh, joke lang! wala kasi kaming wheels. Umarkila pa kami ng jeep para lang may masakyan.

Tinext ko si Mo, on the way palang daw siya.

Nadatnan namin yung isang local band na nasa stage at kasalukuyang pineperform yung Box Full of Sharp Objects ng The Used. Isa din yun sa mga tutugtugin namin!

Nasabon kami ng galit nung event organizer. Kesyo daw late kami. Dapat daw hindi na kami sasali kasi wala kaming time management! Buti nalang may kilala si Benjo na taga traffic jam, ayown, pinayagan din kaming tumugtog, kaso one song lang! yun nalang daw ang punishment.Yung ibang mga banda, 3 songs sila, tapos kami one song lang! grabe! Walang patawad! At ang masama, hindi pwedeng ulitin yung song na nakanta na! Fvck lang!

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon